No choice si Elijah dahil nagbanta ang pamilya ni Jasmine Morales na guluhin daw ang pamilya ni Malaya Lee kung di niya papakasalan si Jasmine.Pati si Jasmine napipilitan lang naman.Ayaw niyang itakwil ng sariling parents niya kung di maikasal kay Elijah Ricaforte.Pero di pa rin siya susuko sa panggugulo niya kina Ethan at Hilaya.Mabilisan ang kasal nila di pumunta si Ethan sa mismong kasal nila ni Elijah.Inuna nito syempre si Hilaya Tanaka.Kaya nagngitngit si Jasmine.Sinisi niya si Hilaya kung bakit nararanasan niya ang kamalasan niya ngayon.Una ang maging ama si Elijah sa baby niya imbes si Ethan Ricaforte.At higit sa lahat naging mister niya si Elijah imbes sa mahal niyang si Ethan.Kung di daw dumating sa buhay nila si Hilaya Kerra Tanaka.Malamang kasal na sila ni Ethan din ngayon.Malamang si Ethan naging ama sa unang baby ni Jasmine ngayon.Yon ang pantasya lang ni Jasmine Morales.Dahil nga one sided love lang siya kamo.Isa si Jasmine sa desperadang babae sa mundo.Na gumamit lang ng salapi para makuha ang gusto.Malas siya dahil di kelangan ni Ethan ang pera naman.Yon iba babae kasi binibili ang lalaking magugustuhan ng salapi mismo.Kawawang Jasmine dahil sa gitna ng pagiging mayaman nito.Talagang di siya pinili ni Ethan makasama.Di niya matanggap na isang hampaslupa lang daw ang makakatalo sa kanya.
Oras ng kabuwanan ni Hilaya himihiyaw siya dahil sa sobrang sakit ng tiyan niya.
"Honey ko konting tiis na lang malapit na tayo sa ospital."hagulgol naman si Ethan kung pwede pa niyang akuin ang sakit ng nararanasan ni Hilaya ngayon ginawa na niya siguro.Sinabi na niya sa OB nito na deretso ligate na ang misis niya.Di biro ang pagbubuntis nito di ito makatulog ng maayos dahil sobrang lake ng tiyan nito.
"Ate exhale inhale ka dapat.Normal lang sa maglalabor daw ang sasakit ang tiyan."nakaalalay naman si Malaya.
"Ayoko ng mag asawa pala.Kay hirap ng magbuntis at manganak."luhaan din si Mayumi takot na takot siya ngayon dahil puno ng pawis si Hilaya.
"Sorry di ko mapigilan ang di kayo takutin.Sobrang sakit talaga as in.!"hiyaw at hagulgol ulit ni Hilaya.
"Dont say sorry ikaw ang mas nahihirapan ngayon."panay punas ni Ethan sa pawis at luhang nagpang abot sa mukha ni Hilaya ngayon.
Pagdating sa ospital deretso na sa ER si Hilaya.Mayamaya pa naririnig na nila sunod sunod ang pag iyak ng tatlong sanggol.Pero matagal si Hilaya sa loob ng ER.
"Mommy baka kung ano nang nangyari kay Kerra sa loob.Sabihin ninyo sa mga nurse papasukin ko na ang ER na ito."sinipa at tinitulak na ni Ethan ang pintuan ng ER.Baka kako nag aagaw buhay na daw misis niya sa loob.Walang saysay sa kanya kung mga anak lang nila ni Hilaya ang ligtas.Kung mawala din lang si Hilaya sa kanilang mag ama.Susunod si Ethan siguro sa hukay ng asawa niya ng walang pag aalinlangan.
"Anak magtiwala tayo sa taas.!"nagrorosaryo din sina Carmina at Anastasia sa kaligtasan ni Hilaya ngayon.
"Ate Malaya bakit di ka pumasok sa ER.?Nurse ka diba ate.!Kung nurse lang ako boluntaryo na akong samahan si Ate Hilaya sa loob.!"niyugyog pa ni Mayumi ang kapatid.
"Ang alam ko deretso ligate si ate kaya natagalan.Di ako pwede dahil di ako nagtatrabaho dito Mayumi kasi.CS si ate kaya bawal yata iyon na pumasok ako.May rules ang doctor dahil baka magkabacteria lang si ate Hilaya."malumanay na pagpapaliwanag ni Malaya sa kapatid.At pinapatahan niya ito.Kahit nurse siya takot din siya sa kalagayan ng ate Hilaya nila ngayon.
4-5 hrs ang operation ni Hilaya.Kaya natagalan ang mga doctor.
"Stable na ang pasyente ligate kasi siya deretso kaya natagalan ang operation.Malulusog din ang triplets kaya wag na kayong mabahala pa."nakangiting pagbabalita ng doctor sa nasa labas na pamilya ni Hilaya.
Dali dali ang tatlong kapatid ni Hilaya na tingnan ang triplets sa nursery daw.May dala pang camera si Nestor.
"Balae uuwi tayo sa amin ipagluto ko lang si Hilaya ng tinolang manok.Tulungan mo ako wala pangkain sina Ethan din kasi."yaya na ni Anastasia sa kaibigan nabunotan sila ng tinik sa lalamunan.
"Ok Rogelio dito ka muna alagaan ninyo ang triplets.!"utos na ni Carmina sa asawa.
"Aba di ako papahuli sa picturan.Kukunan ko picture mga apo natin."kay saya ni Rogelio nanganak na ang manugang nila.May dala din siyang camera.
"Ate Malaya maligo muna tayo.Nakakahiya kina Carlo at Jerald basa na kilikili natin pareho."nakuha ng magbiro ni Mayumi ngayon.
"Akala ko ba ayaw mong mag asawa Mayumi ha.?"tudyo pa ni Malaya sa kapatid.
"May masama bang maligo muna.?Ayoko maging amoy kilikili tayo ate Malaya."alibi ni Mayumi na kinatawa na ng mga lalake na takot na takot din kanina.
Kaya naiwan na lamang si Ethan binabantayan ang misis na payapa ng nagpapahinga ngayon.Nalinisan na din nila ito at fresh na ulit ang itsura nito ngayon.
"Honey ko kumusta ang mga babies natin.?"tanong agad ni Hilaya sa mister.
"Nasa nursery sila ngayon pinapadede honey ng mga nurse.Wala ka pa daw gatas at triplets sila kaya kelangan ng bottlemilk.Kamukha ko sina Erra at Ezra si Elmer singkit kamukha mo Haponesa."masayang kwento agad ni Ethan sa misis niya.
"Honey nauuhaw ako at nagugutom.May saging at juice yata dyan yon na lang muna ang kakainin ko."request ni Hilaya na nakangiwi pa masakit igalaw ang tahi niya pala sa tiyan.Naexpired na kasi ang anestesia nito kaya masakit.
"Wait tatawagin ko lang ang nurse sabi nila pag masakit tuturukan ka ng painrelever daw."natataranta si Ethan na naman tulad kanina.Kung may masakit kay Hilaya di niya alam ang unang gagawin.
"No need pindutin mo lang itong button sa ulanan ko.Haler honey hightech na ngayon ang ospital."nakangiting tinuruan pa ni Hilaya ang mister.Walang duda sobrang mahal siya nito.Dahil umiiyak ito kanina pa.Halatang namaga talaga ang mukha nito sa kaiiyak.
"Sorry ninerbyus lang ako Honey.Gusto ko ngang sirain ng pinto ng ER para pasukin kita sana sa loob.Kay tagal mo kasing inoperahan Kerra ko."puno ng pagmamahal hinahalikan ni Ethan sa buong mukha ang misis niya.
"Dont make me laugh ouch masakit tahi ko Honey."mahinang tumawa lang si Hilaya dahil iniinda talaga niya ang tahi niya ngayon.
"Sorry hihipan ko na lang Honey ko."yon lang ang paraan alam ni Ethan para maibsan ang kirot sa sugat ni Hilaya ngayon.
"After 30 minutes ok na ulit si Mrs.Ricaforte Sir.Hay sana yong soulmate ko katulad niya.Gwapo na at maalaga pa."kinikilig ang nurse kina Hilaya at Ethan ngayon.
"Im sure makakahanap ka din na tulad ng mister ko.Tama ka sobrang maalaga siya sa akin.Kung lalagamin lang siya sa kasweetan niya matagal na."proud na saad ni Hilaya dahil swerte siya na naging mister si Ethan Ricaforte.Kaya di siya papayag na may sinuman aagaw sa asawa niya.Siguro saksakin niya sa puday ang lalandi sa mister niya.
Mayamaya pa karga na nila Malaya at Mayumi ang triplets.Yong isa karga ng nurse.Kumain muna kasi ang pamilya nila sa cafeteria.Silang dalawa tapos na kasi.
"Kuya Ethan kami na ang bahala kina ate.Kumain ka daw muna sa cafeteria.Sina Jerald at Carlo bumili ng gatas sa mga babies.Kay takot ng triplets pala."nakangiting ani ni Malaya tuwang tuwa sila sa pamangkin nila.
"Sige Honey ko kakain muna ako ha."pinakain na kasi ni Ethan ang misis niya muna bago siya kakain na din.Kelangan din niya maging healthy dahil apat na ang aalagaan niya.Kelangan din niyang kumayod para sa future nila ni Hilaya.Gagayahin ni Ethan ang Daddy nila na ulirang ama sa kanilang tatlong magkakapatid.
"Sige kumain ka na at pwede ka na din maligo Honey.Ok na ako andito na sila Malaya at Mayumi.!"ani ni Hilaya sa mister na di pa kumain until di siya nabusog talaga.
Kunwari naman sumama si Jasmine para bumisita kay Hilaya sa ospital.
"Sinasabi ko na nga ba anak ng Hapon itong anak mo Hilaya Tanaka.Kelangan yatang ipa DNA test sila diba.?"ginigiit pa talaga ni Jasmine na di anak ni Ethan ang mga anak ni Hilaya.
"Malamang dahil half Japanese ang ate Hilaya namin.Isa lang ang sure na hindi anak ni kuya Ethan ang baby ninyo ni Kuya Elijah bruha."malditang sagot ni Mayumi sa babae.
Dali dali naman tumawag ng mga nurse si Malaya.Di invited sina Ellise at Jasmine sa ospital.Kaya pinakaladkad ni Malaya ang dalawa palabas ng kwarto ni Hilaya.Baka daw mabinat lang ang ate Hilaya nila.Di pa nakaporma sina Ellise at Jasmine napahiya na sila sa magkapatid na palaban din naman talaga.