Ang Probinsyana ☆ Part 24

42 5 0
                                    

Dumating naman ang parents nina Carlo at Jerald.May bitbit itong mga gamit sa baby nila Mayumi.
"Ay kacute ng apo namin kamukha ni Carlo."tuwang tuwa si Mr.Santos sa apo nila.Only child lang din si Carlo kasi kaya atat silang magkaapo.
"Dont mention that Daddy gusto ni Mayumi kamukha daw niya ang baby namin.Alam nyo ba nanganak siya sa falls.At gusto ni baby Carl ang tubig doon."masayang kwento ni Carlo sa parents niya.
"Iha dont worry next time magiging kamukha mo na ang second baby ninyo.Kumain ka ng madaming sabaw breastfeed ka ba.?"sinusubuan naman ni Mrs.Santos ang manugang.
"Oo Mommy madami kasi akong gatas kahit medyo maliit ang boobs ko."nakangiting ani ni Mayumi.
"Back to normal na si Sweetie ko Mom.Di na siya bugnutin kamo."panay kwento ni Carlo talaga walang pagsidlan ng tuwa niya.
"Malaya kelan mo ba kami bigyan ng apo.?"humirit si Mr.Isekel sa manugang niya.
"Teka nasusuka ako sa amoy ng tuyo.Excuse me po."patakbo si Malaya sa CR nila at doon sumuka.
"Buntis na yata din si Malaya balae.Kakasabi lang niya next year daw plano nilang mag anak."pumalakpak pa si Anastacia sunod sunod na ang apo nila ni Nestor.
"Malaya kay sosyal naman ng baby mo if ever.Paborito ko itong tuyo hayzz."reklamo ni Hilaya pero tinago na lamang niya iyon para di na magsuka si Malaya.
"Mana yata kay Jerald baby nila maselan ang panlasa niya."kay saya din ni Mrs.Isekel nasa bahay sila nina Hilaya ngayon.Ayaw nila makigulo sa Hacienda.Dahil busy si Carmina sa preparation ng engagement nina Ellise at Reggie daw.Para di daw iyon magtampo hands on si Carmina sa bongga daw na party na gusto ni Ellise Ricaforte.
Matapos magsuka si Malaya confirm na buntis siya.
"Bhe nakalimutan ko palang magpills nong nakaraan buwan.Positive buntis ako Bhe."napakamot sa ulo si Malaya.
"Its ok atat na sila Mom at Dad magkaapo naman.Para di din sila mainggit sa parents ni Carlo.Anong gusto mong kainin.?"tanong ni Jerald ramdam niya ang kaligayahan nina Carlo at Ethan.Magkababy na din sila ni Malaya soon.
"Gusto ko hilaw na mangga.Ay nagbabalat na pala sila ng mangga."natakam naman si Malaya inulam na niya ang mangga.
"Buti na lang marami ng bunga ang mangga sa kapitbahay.Nanungkit agad kami sabi ko buntis kako kayo.Balae kain lang kayo pang mahirap man ang ulam namin.Pero sagana sa nutrients naman."proud si Nestor sa status ng buhay nila ni Anastacia.
"Masarap nga parang magic yong lasa.Kanina pa kami kumakain balae."magana ang mga bisita nilang kumakain kasalo sila.
"Sina Anastacia at Mayumi marunong magluto.Pero sina Hilaya at Malaya di maasahan sa kusina.Lalo na si Hilaya hilaw lage sinaing niya.Buti na lang naimbento ang rice cooker."pagbibiro ni Nestor na kinatawa ng lahat.
"Kung di hilaw maging tutong yong sinaing ni ate Hilaya.Di niya alam magsaing sa kahoy ang gamit.Di yata marunong magluto ang Haponesa at Koreana."pang aalaska pa ni Roger sa mga ate niya.Kaya halagpak ang tawa nila.
"Si ate Hilaya madiskarte pagdating sa pera.Si ate Malaya naman lage libro ang hawak.Kaya wala sila time sa gawaing bahay.Kawawa si ate Mayumi siya lage inuutusan ni Inang.Mutsatsa kamo si ate Mayumi sa tahanan namin."kwento naman ni Ryan college na ito at sasampa daw ito sa barko.
"Seamanloloko ka naman ok lang sana yong papuri mo.Dapat sinabi mo na lang na masipag kako ako.Bakit sinabi mong mutsatsa ako aber.?"hinila ni Mayumi ang tenga ng kapatid.
"Aray di ka matatawag na masipag dahil reklamador ka naman ate Mayumi."alaskador din itong si Ryan.
"Inang Itang marunong na akong humawak ng baby."proud naman si Randy na karga si baby Carl ngayon.
"Gusto mo din anakan ang gf mo Randy.?Tang ina Nestor ibibitin ko talaga patiwarik iyang anak mo.Ke aga aga kumikiringking na."galit na ani ni Anastacia.
"Mahal puppy love lang iyon.Hayaan mo na wag kang kj."pinapakalma ni Nestor ang asawa.
"Ako yata ang unang matigok kesa sayo hinayupak ka."binatukan na lamang ni Anastacia ang asawa.Mahirap man sila pero atleast masaya ang pamilya nila.
Samantalang lahat ng mga kaibigan ni Ellise inimbitahan niya.Nagyabang pa ito na mayaman ang fiancee niya daw.Sinusulan ni Jasmine na landiin din ni Ellise si Reggie.Baka daw magseselos pa si Hilaya.Baka daw may pagtingin pa ito sa childhood sweetheart nito.Kaya naman trying hard si Ellise.Pag nasa Hacienda sina Hilaya.Sobrang pa sweet siya kay Reggie.
"Alam mo bang naalibadbaran ako sayo.?Ellise uulitin ko ginagawa ko lang ito dahil utos ng Mommy ko.Diba sabi mo nga yong Jerald na iyon ang gusto mo.?Dont play trying hard Ellise Ricaforte.Baka mapahiya ka lamang sa maraming tao."naiiritang ani ni Reggie kay Ellise.
"Kaya nga at isa pa di maganda sa mata ang pagiging trying hard mo Ellise."malditang sabad ni Regina.
"Kahit di mo pa ako gusto Regina.Tanggapin mo ng magiging parte na ako ng pamilya ninyo."mataray na ani ni Ellise.
"Kung di ka lang step daughter ni Tita Carmina.Nungka na tanggapin kita Ellise tse.At ikaw naman  lalaki ka di ako makalapit kay Kerra dahil sayo.Dinadamay ako nila Malaya at Mayumi.Dahil nga sa ginawa mo sa ate nila.Bff ko si Kerra pero ngayon kaaway na ang tingin ng mga kapatid niya pati sa akin."galit na ani ni Regina sa kambal.
"Regina hayaan mo kakausapin ko sina Malaya at Mayumi.Dati naman gusto ako nila.Siguro sinulsulan sila ni Ethan Ricaforte."biglang sisi ni Reggie kay Ethan.
"Reggie pinsan natin si Ethan.At isa pa maengage ka na kay Ellise.Tigilan mo na si Kerra ano ba.Alam ko may binabalak ka.Wag mo nang ituloy dahil baka pati ako kamuhian ka ng tuluyan Reggie."madiin na banta ni Regina sa kambal.
Pero ayaw papigil si Reggie.Bumili pa siya ng mga damit ng mga babies.Ipaparamdam niya kay Hilaya na until now mahal pa rin niya ito.At willing din siyang akuin ang triplets nito.Pumunta siya mismo sa bahay nina Hilaya.Bitbit ni Reggie ang madaming paper bag na pinamili sa mall.
"Babe nakikiliti ako bakit mo inaamoy ang kilikili ko."hagikgik ni Hilaya habang nilalambing siya ni Ethan.
"Sabi mo maamoy pero hindi naman for me.Pawisan lang lagyan natin ng baby powder."alagang alaga ni Ethan ang misis niya.Nalaman na nila ang gender ng babies nila.Isang baby girl at dalawang baby boys.
"Kuya Reggie ano ginagawa mo dito.?Magagalit si Inang pagpinapasok kita sa loob."naawa naman si Ryan kay Reggie nasa bukana lang ito ng hagdan ng bahay nila.
"Mayor siya papasukin mo na.Baka kung ano pa ang sasabihin ng mga kapitbahay natin.Total maengage na sila ni Ellise Ricaforte."taas kilay na ani ni Mayumi na karga ang baby nila ni Carlo.
"Salamat Mayumi nga pala Kerra bumili ako ng mga gamit ng babies.Sana magustuhan mo lahat ito."inabot ni Reggie ang mga paper bag na pinamili niya sa mall.
"Tatanggapin ko ito alang alang kina lolo.Anong sadya mo ba dito Mayor.?"walang ganang tanong ni Hilaya.
"G-gusto ko lang sabihin kina Malaya at Mayumi na walang kinalaman si Regina sa nagawa ko sayo.Sana hayaan nila siyang makalapit siya sayo.Ethan wag mo naman pagbawalan si Kerra na lumapit sa bff niya."inis na ani ni Reggie sa pinsan.
"Hoy Mayor walang sinabi sa amin si Kuya Ethan.Dapat magpokus ka na kay Ellise.Tigilan mo na ang ate namin."malditang saad ni Malaya dahil buntis na rin kasi ito.
"Naging maldita na itong misis ko.Malamang maldita ang baby natin Bhe."biro pa ni Jerald sabay yapos kay Malaya.Ilang araw na lang magiging Mrs.Isekel na ito.
"Reggie kay bait ni Ethan kung tutuusin.Sabi nga ng Ina mo na di kami nababagay sa inyong mayayaman.Pero ibahin mo si Ethan Ricaforte.Siya yong pumunta sa mundo namin mahihirap.Di ko nga alam kung bakit minahal kita noon.Gayong sobrang mahadera ang Ina mo."galit na ani ni Hilaya.
"Alam kung galit ka sa akin.Pero Kerra wag mo sanang kalimutan na may masayang alaala din tayo kahit papaano."giit ni Reggie kay Hilaya.
"Para sa akin bangungot ang nakaraan natin Reggie Lopez.Baka magalit ang fiancee mo mag away pa sina Ethan at Ellise mahirap na.Bumalik ka na sa lugar na pinanggalingan mo.Dahil wala ka ng puwang sa buhay ko."deklara ni Hilaya kay Reggie.
Nasaktan man si Reggie pero kaya niyang pakinggan ang bawat sumbat ni Hilaya.Naniniwala siyang balang araw maawa ito sa kanya.And he is hoping na isang araw din marealize nito na siya ang mas mahal nito hindi si Ethan.Kumbaga umaasa si Reggie lang sa wala.

Ang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now