Ang Probinsyana ☆ Part 9

49 3 0
                                    

Nakakunot ang noo nina Jerald at Carlo dahil nakaabresyete pa sina Malaya at Mayumi kay Elijah Ricaforte ngayon.
"Dude di ninyo sinabing magshopping kayo buong araw.Naiinip na ang mga mother namin sa paghihintay dito."inis na salubong ni Jerald sa kaibigan niya.
"Hoy bakit mo ba inaaway ang mister ko.?Wala din siyang alam na darating mother ninyo dito sa mansion.Mga Tita pasensya na po kayo check up ko po kasi ngayong araw."sininghalan ni Hilaya si Jerald pero mabait siya sa mga mother ng dalawa.
"Tama bulyawan mo siya Hilaya.Ok lang kami surpresahin sana namin sina Malaya at Mayumi."magiliw ang mother ni Jerard sa tatlong magkapatid.
"Ay mga Maam ibigay po namin ni Mayumi ang celpon number namin.Para itext nyo na lang po kami."magalang na ani ni Malaya at binigay ang number sa mga mother ng dalawa.
"Bakit kami ayaw ninyo bigyan ng number.?"napakamot na lamang sa batok si Carlo.
"Kasi po Maam kay kulit niyan po.Dapat din sa messenger friends po tayo para pag naubusan kami ng load.Pwede pa rin maka message kayo sa amin.Malakas wifi po dito sa mansion nila."close agad sina Mayumi at Malaya sa mga mother ng dalawa.
Binilatan ng mga Ina ang dalawang binata.At sinabing mahina lang dumiskarte ang mga ito.Pumayag pa ang tatlong magkapatid sa paanyayang magdinner sila minsan sa labas.Nagngitngit sa inis si Ellise dahil si Malaya ang gusto ng mother ni Jerald hindi siya mismo.Kaya kunwari magserve siya ng mainit na sabaw pero itatapon niya ito kay Malaya.Pero maagap ang kuya Elijah niya.Ito ang napaso sa bandang kamay.
"Teka kelangan first aid bago pumunta tayo ng ospital bukas."nurse si Malaya kaya alam niya ang gagawin.
"Ellise kelan ka ba nagserve ha.Kung di mo kaya maupo ka na lang.Kamuntikan mo ng masabuyan si Malaya ng mainit na sabaw.!"pinagalitan ni Elijah ang kapatid.
"Kasalanan mo dahil sinalo mo ang sabaw kuya.!"inis na ani ni Ellise.
"Ellise dont tell me talagang sasadyain mong sabuyan ng sabaw si Malaya.?Ano bang asal iyan ha Ellise Ricaforte.?"singhal naman ni Carmina na kasalo sa hapag.
"Wag mo akong masigawan hindi kita Ina.!"galit na ani ni Ellise pero isang sampal ginawad ni Mr.Ricaforte sa anak niya.
"Ellise go to your room right now.!"maawtoridad na utos ni Mr.Ricaforte sa anak na maldita.
"I hate you all.!"patakbong umiiyak si Ellise sa kwarto niya at nagwawala ito doon.
"Bakit mo ba sinasampal ang anak mo.Lalo siyang magrerebelde ano ka.!"pinagalitan pa ni Carmina ang asawa.
"Are you ok kuya Elijah.?"matapos magamot ni Malaya ang kamay ni Elijah.
"Its ok buti nurse ka Malaya."matamis na ngumiti si Elijah kay Malaya kaya naningkit ang mata ni Jerald.
"Mayumi uuwi na kami."paalam na lang ni Carlo dahil nakapokus ang dalawa kay Elijah ngayon.
"Tita ihatid kita sa garahe.Tita textmate na lang tayo at pasahan nyo din ako ng load ha."malambing na ani ni Mayumi sa Ina ni Carlo.
"Mayumi ako nanliligaw sayo hindi ang Mommy ko."reklamo na talaga ni Carlo sa dalaga.
"Ang Mommy mo di makulit.At pareho kami ng taste di old fashion kagaya mo kuya Carlo.Tingnan mo kay sexy ng suot ni Tita.Pero ikaw sinisita mo ako magshort lang ng maiksi tse."yumakap pa si Mayumi sa mother ni Carlo.
"Paano ba yan basted ka tapos ako may pag asa pa anak."kantyaw ni Mrs.Santos sa anak na sambakol pagmumukha.
"Tita next na lang po tayo sa labas magdinner.At imbitado po kayo sa birthday ko next week.Sa bahay lang namin celebration po.Magaling magluto si Inang namin.Kaya sasabihin ko pong pupunta kayo.Salamat po dito sa bracelet na bigay ninyo."magiliw din si Malaya sa Ina ni Jerald.
Lihim napangiti si Jerald couple bracelet iyon binili niya.Pero ang Mommy lang niya ang nagbigay kay Malaya.Talagang mahina sila dumiskarte ni Carlo.Natotorpe kasi sila pagkaharap ang dalawang dalaga.
"Jerald mahilig sa bracelet si Malaya."bulong ni Hilaya sa kaibigan ni Ethan.
"Copy Kerra pupunta kami sa birthday ni Malaya.Atat din Daddy ko makita siya."ganting bulong ni Jerald kay Hilaya.
Sinabi ni Hilaya sa mga ito wag magselos kay Elijah.Dahil brother lang tingin nila Malaya at Mayumi sa binata.At isa pa may fiancee na ito si Jasmine na buntis na din.
Sa birthday ni Malaya pumunta nga ang parents nina Jerald at Carlo sa bahay nila Hilaya.Kay daming hinanda ng Inang at Itang nila dahil marami silang bisita.
"Anastasia ikaw nga.?Sinasabi ko na nga ba pamangkin ko si Malaya Lee.!"biglang sabi ni Mr.Isekel ng makita ang Inang nila Hilaya.
"Dad what.?Magpinsan kami ni Malaya.?"nagimbal na tanong ni Jerald paano na puso niya para sa dalaga.?
"Not totaly anak.Ampon lang ako ng pamilya Lee.But nahanap ko ang real parents ko dito sa Pinas.Kaya pinalitan ang apleyido ko na Isekel.Yong father ni Malaya brother ko sa foster parents ko sa Korea.Matutuwa si kuya pag nalaman niyang may anak siya palang babae."masayang kwento ni Mr.Isekel sa lahat.
"Excuse me po di Koreano ang ama ko.Si Nestor Capuyan lang ang Itang ko."biglang umiiyak si Malaya at yumakap sa kinikilalang ama.
"Ate baka mayaman ang real father mo."niyugyog pa ni Mayumi ang kapatid.
"No si Itang lang ang father ko.Itang wag nyo ako ibigay sa kanila."lumambitin na si Malaya kay Nestor.
"Ang OA mo anak 24 yrs old ka na di na mahahabol ni Koring ang costudy mo.Pakisabi na lang bigyan ng mana si Malaya kamo."biro pa ni Anastasia.
"Brutal ka talaga mahal umiiyak na nga anak natin.Puputi na ang uwak di kita ibibigay sa kanila Malaya.Birthday mo bawal umiiyak anak."pinapatahan ni Nestor ang anak na makatatay din.Hagikgik naman ang tatlo pang kapatid nilang lalake.
"Akin na lang ang mana mo Malaya.Ayaw niya yumaman daw Inang."segundang biro ni Hilaya na nagpangiti na sa kapatid.
"Gusto ko sa sariling sikap ko para maging proud ako sa sarili ko ate."tumahan na si Malaya.
"Inang baka mayaman ang Intsik na ama ni Mayumi.Hingan mo din ng mana kamo.Sayang lasenggero lang ang ama kong Hapon.Sarap isako talaga walang pakinabang kamo."tuloy tuloy sa pagbibiro si Hilaya kaya tawanan na silang lahat.
"Kuripot ang Intsik anak mas galante pa ang Itang mo sa ama ni Mayumi.Sa kagustuhan ko magkaanak ng foreigner naisilang ko kayong tatlo.Huli na ng marealize ko na mahal ko pala si Nestor Capuyan.Kay torpe kasi nitong Itang ninyo.Kababata namin ni Carmina pero kay tagal manligaw.Kung di kami nireto sa magulang namin.Di uusad ang Itang ninyo talaga."di talaga GRO si Anastasia waitress lang siya sa isang restaurant sa Japan.Kaya nakapangasawa siya ng Hapon.Para maging residence dooon.Ng mag 1 year pinadampot niya sa pulis ang ama ni Hilaya dahil nanakit nga ito.Devorce agad sila sinubukan ni Anastasia ang isang Koreano pero umuwi agad ng Korea tapos di na nagparamdam kay Anastasia.Last try niya ay Instik kaso titira daw sa inlaws nila.Tapos di tatanggapin sina Hilaya at Malaya bilang apo ng mga inlaws niya.Kaya umuwi na lang si Anastasia bitbit ang tatlong mga anak niya na ibat ibang ama.Si Nestor ang umako sa responsibilidad bilang ama nina Hilaya,Malaya at Mayumi.Kay ganda daw mga anak ni Anastasia kaya walang tutol ang pamilya ni Nestor sa pagsasama nila.Kaya din makatatay ang tatlo dahil spoiled ito kay Nestor kahit salat man sila sa pamumuhay noon.Atleast di sila nagugutuman dahil madiskarte ang Itang nila Hilaya.
Ngayon naintindihan ng lahat ang storya ng buhay ng tatlong magkapatid.Walang karapatan husgahan ng sinuman ang pinagmulan ng tatlo.Dahil di pariwarang babae si Anastasia Capuyan.Si Carmina ang magpapatunay noon.Dahil bff nga niya ang Inang nila ni Hilaya.
"Ako na lang ligawan ninyo Jerald at Carlo.Di ko kayo babasterin kay pogi ninyo kamo."biro ni Anastasia na nagpatawa sa dalawang binata.
Atleast ok sila sa parents nina Malaya at Mayumi.Depende lang daw sa diskarte ng dalawa.
"Malaya I think gusto ka ni Elijah."yon ang napupuna ni Jerald sa kinikilos ni Elijah.
"Ganun creepy iyon dahil mga kuya ko sila ni kuya Ethan.Jerald dalasan mo pagpunta sa mansion.Di namin maiwan si ate doon kasi."biglang request ni Malaya kay Jerald.
"Pare di naman siguro.Ok lang iyon di mo naman type si Elijah right Malaya.?"deretsahang tanong ni Ethan sa sister in law niya.
"Oo naman mas type ko ang tuta na gift sa akin ni Jerald."nagustuhan talaga ni Malaya ang aso na regalo ng binata sa kanya.
Kinantyawan ng parents ni Jerald ang anak.Dahil natalo daw ito sa isang aso lang.Naisip ni Jerald kulang pa effort nila ni Carlo para mapa oo ang dalawang dalaga.Narelieve siya dahil di type ni Malaya si Elijah Ricaforte.Matinding karibal niya ito pagnagkataon.Dahil nga kapatid ito ni Ethan.At sisiguraduhin daw ni Hilaya na di na makadiskarte si Elijah.May obligasyon na ito soon sa anak nila ni Jasmine.Di maganda sa mata kung liligawan pa niya si Malaya kamo gayong fiancee na nito si Jasmine Morales.

Ang ProbinsyanaWhere stories live. Discover now