Nainis si Elijah sa pabebe niyang kapatid.Nagsakit sakitan ito sa araw ng birthday ni Malaya.Di tuloy siya nakapunta sa bahay ng mga ito.
"Mahalaga ba sayo ang birthday ni Malaya Lee kesa sa akin ha kuya Elijah.?"pagtatampong ani ni Ellise sa kapatid.
"Oo wala ka namang talagang sakit diba.?"iritableng ani ni Elijah sa kapatid.
"Dont tell me type mo si Malaya kuya.?Isusumbong kita kay lolo makikita mo.!"dali daling bumaba si Ellise para magsumbong sa lolo nila.
"Elijah bakit ka ba tumulad ni Ethan na low class ang type sa mga babae.?Sasabihin ko kina Rogelio na paalisin na ang mga kapatid ni Hilaya dito sa mansion.Nilalandi ka ba nong Malaya Lee na iyon apo.?"matapobre talaga itong si Don Ricaforte.
"Lolo at Ellise pinapalaki ninyo ang maliit na bagay.At di malandi si Malaya wag ninyo itulad kina Jasmine at Ellise.!"bulyaw na ni Elijah sa lolo nila.
"Wag mo tawagin kapatid mo na malandi.!"singhal din ng Don Ricaforte sa apo.
"Totoo sinasabi ko at wala kang karapatan tawagin si Malaya na malandi din lolo.Kung paalisin ninyo sila dito.Aalis din ako sa mansion na ito.Pinilit lang ninyo akong maengage kay Jasmine.Siya ang pumasok sa kwarto wala akong kasalanan kung nabuntisan ko siya.Di ko tinakasan ang obligasyon ko.Pero wala kayong karapatan na kontrolin ang buhay ko lolo.Matapos manganak si Jasmine ikansel ko na ang engagement namin.!"banta ni Elijah sa abuelo nila.
"Elijah napipilitan din ako maengage sa akin.Dont you dare na ikansel ang engagement.Di ako makakapayag sa gusto mong mangyari.Wala kang karapatan ibasura lang ako matapos mo akong anakan.!"galit na ani ni Jasmine kay Elijah.
"As if naman gusto mong maikasal talaga sa akin Jasmine.Wala ka ng choice kaya pumayag kang maengage sa akin diba.?"gigil na sambit ni Elijah.
"Ellise tawagan mo ang Daddy mo aatakehin ako sa highblood ko ngayon."sumakit ang batok ni Don Ricaforte.
"O-opo lolo."natataranta tuloy si Ellise.
"Dahil sa matabil na dila mo Ellise atakehin si lolo ngayon.!"sisi pa ni Elijah sa kapatid.
Mayamaya pa dumating si Rogelio sa mansion.Nagpaiwan ang sina Ethan at Carmina dahil nagkakasiyahan sila sa bahay nila Hilaya.
"Saan ang magaling mong asawa ha Rogelio.?Wala ba siyang pakialam sa akin na aatakehin na ng highblood.?"puna talaga ni Don Ricaforte sa manugang niyang di niya gusto.
"Wala alam mo iyon Papa bakit ka pa nagtatanong.?"kinabitan ni Rogelio ng dextrose ang matanda.
"Sumosobra na ang asawa mo Rogelio.Byenan niya ako wala siyang malasakit sa akin.?"humahanap ng mali si Don Ricaforte kay Carmina para magalit dito.
"Wala ka naman siguro pong amnesia.Ayaw mo kay Carmina until now.Kaya wala siyang pakialam sayo.Teka mga apo mo nag aaway bakit binubunton mo ang galit sa asawa ko Papa.Ellise sa susunod tumawag ka ng ambulance.Di ko na gagamutin ang matanda na ito."iritableng ani ni Rogelio tapos nakainom pa siya ngayon.Kaya nagtaxi na lang siya pauwi ng mansion.
"Dinala niya pati iyong mga kapatid ni Hilaya sa mansion.Alam mo bang ikansel ni Elijah ang engagement niya dahil kay Malaya Lee.?Kahihiyan natin iyon Rogelio.!Si Carmina ang dahilan ng lahat.!"sisi talaga ni Don Ricaforte sa manugang.
"Ganito na lang Elijah at Jasmine.Ipakasal ko na lang kayo sa lalong madaling panahon.Para di na kayo makapanggulo ng buhay ng iba.!Gagu ka Elijah tatakasan mo responsibilidad mo kay Jasmine.Tapos idadamay mo pa sina Malaya.?"galit na galit si Rogelio sa nalaman.
"No nagagawa ni kuya Ethan ang gusto niya bakit ako hindi ha Daddy.Di ako magpapakasal kay Jasmine over my dead body.!"madiin na kontra ni Elijah sa sinabi ng ama nila.
"Ako din di papayag makasal kay Elijah Tito.Alam ninyo na mahal ko si Ethan hindi ba.?"segundang kontra ni Jasmine.
"Pwes Jasmine umuwi ka na sa inyo.At ikaw Elijah doon ka sa condo ng kuya Ethan mo until manganak si Hilaya.Di mananatili naman sila Malaya at Mayumi dito forever.Inaalagaan lang nila si Hilaya dahil buntis ito.Papa wag kang umasta na hinahabol nina Hilaya at Malaya ang mga apo mo.Dahil sila mismo ang may gusto sa magkapatid.Pagkapanganak ni Hilaya dont worry babalik na kami sa bahay namin.Doon namin aalagaan ang triplets.Di ko alam kung mananatili ba sila Ethan dito.Basta ilalayo ko si Carmina sa ulyanin na kagaya mo.!"deklara ni Rogelio.
Natahimik si Jasmine ano na gagawin niya ngayon.?Magpapakasal ba siya or uuwi na lang sa kanila.?Baka pag umuwi siya itakwil din siya sa magulang niya.Di naayon sa gusto niya ang ikot ng tadhana ngayon.
Buong magdamag nagsigawan sina Elijah at Ellise.Kung dati magkakampi ang magkapatid ngayon nagkaroon ng lamat sa pagitan nila.Kinabukasan ng umuwi sina Hilaya sa mansion.Isang sampal ang salubong ni Ellise kay Malaya.
"Ellise what are you doing.?Bakit nanampal ka bigla.?"awat agad ni Carmina sa step daughter niya.
"Si Inang lang pwedeng manampal sa akin.Isusumbong kita sa Itang ko."hagulgol ni Malaya di siya rumesbak talaga.
"Ako gaganti sayo sister.!"hinablot ni Hilaya ang buhok ni Ellise at nilampaso sa sahig na marmol sa mansiong iyon.
"Buntis ang asawa ko ano ba Ellise.?"nag alala si Ethan sa misis niya tatlo ang babies nila sa tiyan nito.Baka magkaproblem 8 months pa lang di pa kabuwanan ni Hilaya ngayon.
"Nilalandi niya si Kuya Elijah kaya ikansel ni kuya ang engagement nila dalawa ni Jasmine.!"ayaw paawat si Ellise.
"Magtigil ka na sabi.!"binugbog na ni Elijah ang kapatid.
"Rogelio babae lang si Ellise awatin mo.!"natataranta si Carmina kung sino uunahin niya.
"Uuwi na tayo ate di ako malandi alam ng Dyos virgin pa ako until now.Isusumbong ko sila kay Itang.!"patakbong pumasok si Malaya sa kwarto nila para mag impake.
Si Hilaya naman damit ni Ethan ang nilalagay sa maleta.
"Sasama ka sa akin kahit anong mangyari.!"galit man si Hilaya pero di niya dinadamay ang mister niya.
"Ok kaya maupo ka na lang di din ako magpapaiwan dito.Kahit saan ka pupunta sasama ako."malambing na hinalikan ni Ethan si Hilaya dahil mahal talaga siya nito.
Matapos mag impake sila nasa sala na sina Jerald at Carlo.
"Sino nanakit sayo Malaya.?Bakit namumula ang pisngi mo.?"niyakap agad ni Jerald ang umiiyak na dalaga.
"Sinampal ako ni Ellise sinabi niyang nilalandi ko daw si Kuya Ethan.Ang totoong malandi si ate Hilaya lang naman at si Inang.Isusumbong ko sila sa Itang ko.Wala silang karapatan saktan kami sa mansion na ito.Uuwi kami sa amin ngayon din.!"mahigpit na yumakap si Malaya kay Jerald.
"Di ba malandi ang ganyan action mo Malaya.?Pati ang mahal ko nilalandi mo.May baby na sina Kuya Elijah at Jasmine.Dahil sayo tatalikuran ni Kuya Elijah ang baby nila."bulyaw pa rin ni Ellise lalo siya nagalit dahil niyakap ni Malaya si Jerald ngayon.
"Mali ba ang maging isang dyosa.?Ibig sabihin noon kay ganda ni ate Malaya ko.Dalawa ang nagkagusto sa kanya.Di tulad ninyo tinatanggihan ng mga lalake pwe.!"kay maldita din ni Mayumi.
"I agree basta ako dadalhin ko si Ethan.Baka ahasin ni Jasmine dito ang mister ko.Di kami magagalit kung ako tinawag ninyong malandi mga bruha kayo.Antayin natin si Inang at Itang susunduin nila kami ditong tatlo.!"mahirap man sila Hilaya solid ang backer nila kung inaaway sila.Mga magulang nila mismo.
"Shhh...tahan na masakit ba lagyan natin ng ointment maya itong pisngi mo Malaya."binibaby ni Jerald si Malaya dahil di daw ito marunong manakit kahit sinasaktan ito.
Pinapalala ni Ellise ang awayan lang nilang magkapatid.Pati ang Daddy niya lalayasan din ang lolo daw nila.
"Ethan matanda na ako kaya mo ba akong iiwan.?"nag iinarte si Don Ricaforte.
"Ininsulto ninyo ang pamilya ni Hilaya.Sa tingin nyo ba maawa pa ako sa inyo lolo.?Solohin ninyo ang mansion na ito.Ilalayo ko si Kerra dahil delikado ang pinagbubuntis niya.Di mo madisiplina si Ellise.Tama ba na bigla siyang manampal na walang dahilan.?"namumula na sa galit si Ethan.
"Calm down honeymunch baka ikaw ang unang matigok kesa sa lolo mo."pinapakalma ni Hilaya ang mister na galit na galit na.
"See gusto nila mamatay na si lolo natin kuya Ethan."boba lang si Ellise iba ang interpretation nito.
"Tama naman si ate Hilaya ah.Alangan ikaw unang matigok kesa sa lolo ninyo.?"sarkastikong sagot din ni Mayumi sa kamalditahan ni Ellise.
"Para di ko din mabugbog si Ellise Papa aalis na lang kami.!"deklara din ni Rogelio.
"Eversince inuuna mo iyang asawa mo kesa sa amin Daddy."tampo ni Ellise sa ama.
"Ok mananatili ako dito pero paarawan kita buong araw sa initan.Hanggang di ka titino didisiplinahin kita Ellise Ricaforte.Di ka na marunong gumalang sa akin mismo.Sarap tahiin ang bunganga mo.Mana ka talaga sa Ina mong bungangera.!"bulyaw ni Rogelio sa anak.
"D-daddy kasi naman inuuna ni kuya Ethan sila kesa sa akin lately."kahit puro pasa na si Ellise sumasagot pa talaga ito.
"Basta kukunin ko na ang mga anak ko dito Carmina.Di pwede sinasaktan ng step daughter mo si Malaya.Nagseselos yata siya dahil hindi siya niligawan ni Jerald.Malaya sagutin mo na si Jerald para mamatay sa inggit iyang bruha na iyan.!"galit na ani ni Anastasia inaanak niya si Ethan kaya welcome ito lage sa pamamahay nila.
"Dahil nasampal ako sasagutin ko na si Jerald.Di ko kayang manabunot.Kaya ito ang revenge ko sayo Ellise.!"biglang ani ni Malaya at tuwang tuwa naman si Jerald.
Naiwan luhaan si Ellise tuloy.Dahil sa pinalake niya ang gulo sa pagitan nila ni Elijah.Siya tuloy ang tagilid nagpaiwan si Rogelio para disiplinahin ang bunsong anak daw.At para ipakasal na sina Elijah at Jasmine.Para na rin mahirapan na itong makalapit kina Ethan at Malaya na rin.