#Its hard to say "Sorry"

301 18 2
                                    

Copy right Grace Lang 2015

GRACE'S POV

Nganga.

Heto kami ni Untouchable matapos humagulgol ni Jonas sa harapan namin. At ang sarap niyang awatin, aba, pa'anong hindi, sa balikat pa talaga ni Ivan sya humagulgol. Yung totoo? Take advantage lang. Yamot!

-________-

Napapangiti nalang ako ng mapait.

Naku Jonas kung hindi lang ako naaawa sa kalagayan mo kanina pa kita pinaalis dyan sa tabi ni Untouchable. kumokota ka a'.

"Ano bang nangyari frend?" ang tanong ko nalang. Kunwari hindi ako ampalaya.

"Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan alam ko namang ginawa ko lang yung tama. Pero nahihiya ako kay Lord kasi..."

Sabay iyak ulit ng malakas. Pang Famas te.

"Kasi..  naging mahina na naman ako. May nangyari sa aminbago kami tuluyang maghiwalay. Pero aaminin ko... ginusto ko kasi'e at pagkatapos... pagkatapos nung nangyari nahiya na ako kay God. Nakipag break na ako ng tuluyan. Kasi alam ko 'yun yung tama. Pero after that. Nung mag~isa nalang ako, na guilty na ako sa ginawa ko. Feeling ko wala na akong mukhang maihaharap kay Lord. I feel so lost."

Okay iyak ulet.

"Patawarin mo ang sarili mo Jonas", ang sabi ni Ivan. Napatingin ako sa kanya.

Yun kaya ang pinakamahirap gawen. Yun tipong lahat ng tao naka move on na ikaw hindi pa.

"Yun nga e' bro. Ang hirap bumalik, pakiramdam ko kasi ang dumi~dumi ko na naman. May available blood pa ba si Jesus for me? Hindi ko mapatawad ang sarili ko e. I was tempted to end my life dahil sa hiya ko kay Lord," ang dagdag ni Jonas.

Aba may pagkakamatay na peg pa ang lalaking 'to.
"Oy' frend pinaghirapan ni Lord ang kagawapuhan mo, sasyangin mo lajmg. Tumigil ka nga dyan. Wag mo ng uulitin yon a?", ang nasabi ko.

"Bro. God loves you the same.", ang banat naman ni Ivan. Okay preaching na po ang kasunod.

"Nothing change sa love na 'yon. When you admit that you've sin, just ask for forgiveness and He will forgive you. But believe that He forgive you para mapatawad mo rin ang sarili mo. Alam mo bro. ang mahalaga, naging tama yung desisyon mo. I praise God na tinuldukan mo na yung relasyon nyo. You did what is right. May pagkakataon talaga minsan na hahayaan ni God na maging marupok tayo para maranasan ang habag Nya"

"Pero nagtake advantage din ako e"

Iyak ulet... At naiirita na ako sa iyak nya kaya nagsalita na ako.

"Kaya nga patawarin mo na yung sarili mo db? Say sorry not just for the sake na mapatawad ka ni God kundi para mapatawad mo rin yung sarili mo. Kasi kung hindi mo gagawin 'yon makukulong ka lang sa sarili mong guilt. Move on move on din frend", ang sabi ko.

Bakit ba minsan ang hirap humingi ng tawad? Ang lakas lakas ng loob manakit o kaya gumawa ng kalokohan tapos kapag maso~sorry na naduduwag naman. Hahayaan nalang maghilom ang sugat. Hugot kung hugot ang peg ko.

"Hindi ga'non kadali frend.", ang sabi naman ni Jonas.

Sabay hagulgol ulet. Convince naman ako sa kanya na nahihirapan sya e. Kaso hindi dapat makipagcompromise.

"Naiintindihan kita frend, pero hindi naman imposibleng magmove on. Sa lahat ng tao, kay God talaga pinaka mahirap humingi ng tawad kasi para tayong sirang plaka paulit~ulit lang.
Pero, maniwala ka sa akin, yakang yaka mo yan. Hwag mo ngang ibabad ang sarili mo sa pain and guilt na ikaw lang din ang gumagawa, sige ka kapag nakagawa ka ng dagat dyan at mag enjoy ka di ka na umahon.", ang sabi ko nalang.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon