#Spiritual Suicide

225 10 10
                                    

Copyright 2018

GRACE'S POV

Nakatunganga ako...
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong pasok. At wala rin akong gala kaya tulaley lang ako sa bahay. Until tumunog ang cp ko.

Si Jonas ang tumatawag may fellowship daw. Nasan na raw ako.

Agad naman akong mapapabangon. Bakit hindi ko alam na may fellowship? Yung totoo...

"Hindi mo ba nabasa sa gc?", ang sambit ni Jonas.
"Ay hindi ..."
"O ngayon alam mo na pumunta ka na rito. Ngayon na."
"Okay"

Ayos din makapagyaya tong si Jonas. Pero anyway, na bo boring na nga kasi ako kaya okay lang.
Agad akong nag-ayos sabay gora papuntang church.

Nagsisimula na sila pagdating ko. Siyempre ako na laging late. Nakakuha na naman ako ng atensyon. Hehehe... peace. Tumabi ako kay Gracelyn.
"Pasensiya na po di ko alam", ang sambit ko.
"Ano ka ba dear, no worries", ang nakangiti naman niyang sambit.

Nag papa game na si Jonas nang sandaling 'yon. Siya at si Faith ang emcee.

Fellowship pala ng mga professionals ang meron. Ang galing ko talaga dahil wala akong alam. Ako na ang hindi mahilig magbukas ng fb. Naiingayan kasi ako sa dami ng notifications minsan. Kaya halos lahat silent mode na. Parang paramihan kasi ng gc ang labanan e. Isang notification lang naman ang hinihintay ko. Hikhik... alam na.

^_________^

Anw, dahil puro professionals ang magkakasama, maraming pagkain. Gustong-gusto ko talaga ang ganitong fellowship, hindi ako nagugutom. Hahaha!

Dahil kabilang na ako sa mga nakaupo sa isang malaking bilog. Kasali na ang lola mo sa laro. Naglalaro sila ng pasahang bola. Kapag tumigil ang tugtog at kung sino ang matapatan siya ang bubunot ng tanong at sasagot nito. Old school na laro kaya carry langs.

Unang natapatan si Roxy, isang call center agent.
"Ano ang pinakamahirap na part sa pagtatrabaho mo?",

Ang sagot ko dyan, ang magkaron ka ng crush sa officemate mo at hindi ka na makapagtrabaho dahil gusto mo lang siyang tignan. Tapos hindi mo masabing pwede bang hwag kang kausapin dahil hindi ka na makapagtrabaho after. Yan ang pinakamahirap.

Magsasalita si Roxy at makikinig na ako, "I think, pinakamahirap yung, magkaron ka ng integrity pagdating sa work. Kasi, sa kind of work na meron ako, maraming temptations sa paligid. First temptation sa mga vices, lalo na kung ka close mo mga team mates mo, second temptations sa pag handle ng pera, lalo na kung alam mong every other week may malaki kang sahod. Yun ang pinakamahirap for me yet, napagtatagumpayan naman. Yung sa pagbudget ng money ang pinaka mahirap."

"Ipabudget mo nalang sa akin sis.", ang sabat ko naman sabay magtatawanan ang lahat.
"Naku, Grace mauubos lang lahat 'yon sa kape"

"O' sige ako na adik sa kape.", ang sagot ko.

"Okay, thanks Roxy. Okay paikutin na ang bola", ang sambit naman ni Faith.

Nagpaikot-ikot ang bola hanggang matapat naman ito kay kay Paolo.
"Bakit ako?"
"Okay lang yan brad."

Bubunot si Paolo at saka ito babasahin,"When was the last time na you want to quit on your job?"

Ako, I never thought na mag quit ako sa job ko ngayon. Ako na may inspirasyon sa trabaho aalis pa ba ako. Kung aalis si untouchable, siguradong susunod ako. Hakhak! ^_______^

"I think, n'ong  may nangyari sa aking unfair things sa work. I was accused into something na hindi ko naman ginawa. Then, I decided na mag resign. Yet the Lord says no so, I stayed and eventually, lumabas yung tunay na nangyari and ang ending I was promoted.", ang sambit ni Polo.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon