#Moment

364 19 6
                                    

Copyright by Grace Lang 2015

GRACE'S POV

Kasal ko ngayon.

Namumuti ako sa soot kong trahe de boda na matagal ko ng pinangarap na isuot. Hawak ko ang isang pumpon ng puting rosas. At nakatayo ako sa likod ng mga ninong at ninang, mga abay, at mga bata habang isa-isa silang naglalakad. Excited akong masilayan ang aking groom. Iniisip ko kung ga'ano siya kagwapo sa suot nya ngayon. Ang groom ko? Siyempre wala ng iba pa kundi si Untouchable lang iyon. Ayih!

0___________0

Pakiramdam ko, ang ganda-ganda ko. Ako na talaga! At siyempre si Ivan din ang pinaka guwapo sa lahat. Para sa akin malamang pa kami sa tambalang Marianne at Dingdong.

Ilang sandali pa, tumugtog na ang kanta para sa aking entorage, ang kantang "Thousand Years"

Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid

To fall

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow

One step close

I have died every day

waiting for you

Darlin' don't be afraid

I have loved you for a

Thousand years

I'll love you for a

Thousand more...

Kinakabahan man ako , unti-unti akong maglalakad patungo kay Ivan. Nakita ko ang wagas niyang ngiti habang pinagmamasdan niya akong naglalakad. Ang loko, siguro gandang~ganda siya sa akin. Pero kinikilig ako, sabi ko na ang guwapo niya sa suot niyang barong. Lahat ng tao nakatingin sa akin habang naglalakad ako. Lahat sila nakangiti at halatang masaya. Halata ring gandang~ganda sila sa akin. Naman!

0______0

At nasa harap na ako ni Untouchable.

"Grace", ang sabi niya.

"Nakakakilig, ang ganda~ganda talaga ni Donna!", ang may pagtili at paghampas pa na sabi sa akin ni Irene.

Narealize ko tuloy na hindi pala ako ang ikakasal. BV naman 'tong si Irene o'.! Okay na sana e'. Hindi manlang pinaabot sa kissing scene kaynis!

Oo kasal ni Donna ngayon at ilusyonada lang ako.

Dahan~dahan na siyang naglalakad palapit kay Matthew. Pumapailanlang sa buong church ang "Thousand years". 

Papsi, akala ko totoo na. Ang landi ko lang pala. Sorry. Peace tayo a'.

Grabe si Matthew. Maluha~luha habang nakikita niyang naglalakad papalapit si Donna. Halata mo ring excited siya. Gano'n siguro talaga kapag mahal mo yung taong pakakasalan mo. Tapos napasulyap naman ako agad sa katabi niya, mas gusto kong pagmasdan e'.  Siyempre sino pa ba. Bakit kaya ang lakas ng dating netong si Ivan sa akin. Sa tingin ko mas guwapo pa siya sa groom e. Hay naku! Hanggang buntong~hininga nalang Grace.

"Sana magka'ron din ako ng ganitong kasal", ang biglang sabi ni Yas na katabi ko rin. Isa siyang sister sa church. Lately lang siya bumalik mula sa pagka~backslide dahil nabuntisan siya ng isang unbeliever  na iniwan lang siya.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon