Copyright G.L. 2015
GRACE' POV
Maganda ang gising ko today!
Kahit na bonggang-bonggang pa rin ang traffic (as usual siyempre wala ng bago don) sa kalsada ang hinaharap ko sa pagpasok, carry lang. Basta ang alam ko masaya ako.
^________________________^
Hindi ko alam kung naranasan niyo nang gumising ng umaga na pakiramdam mo lumulutang ka sa saya. Wala kang makitang specific reason kung bakit pero ang alam mo lang masaya ka. At hindi ko na kailangan mag-isip pa ng dahilan kung bakit ako masaya.
Ganon ang pakiramdam ko ngayong araw nato. At wala akong balak ma bad vibes.
Malay ko rin ba kung bakit masaya ako e' stress naman ako nang mga nakaraang araw. Hindi ba nga?
Ayoko namang isiping dahil sa stress kaya feeling happy ako today.
Anuman ang dahilan... alam kong provision ni God to kaya enjoyin ko na lang ng tuluyan.
This is what you called one of the fruit of the Holy Spirit, eto yung kind of joy na hindi mananakaw ninuman. Saiyo lang talaga.
Kaya nag selfie ako sabay Post sa FB. #Joyful.
Inenjoy ko ang pulang lipstick ko at ang rosy blouse na niregalo sa akin ni friend Irene one year ago. Plus my fitted pants na may butas sa bandang tuhod at flat shoes. Pak na pak ang outfit ko. Feeling ko blooming ako.
"Wow ang ganda ko na naman", ang sabi ko pagharap ko sa salamin.
Dahil masaya ako... hindi ko magpilang magbuklat ng bible bago pumasok. May malakas na puwersang nagtutulak sa akin na mag devotion muna bago umalis. Ang message Niya?
"Godliness with contentment is a great gain" 1Timothy 6:6
Well Papsi kuntento naman ako ngayong araw na ito dahil masaya ako. Salamat sa provision ng Joy. Ayihhh!!!
Pagpasok ko sa opisina diretso ako agad sa cubicle ko. Tahimik lang ako baka kasi mamaya pag-initan na naman ako ng magaling kong boss. Masaya na nga ako di ba. Move -on na.
Nagulat ako dahil pag-upo ka sa table ko.. may 3-in one coffee... may note na "Kape tayo"
Agad naman akong mapapalingon sa likod at makikita ko si Untouchable sa pantry. Ang korny naman netong lalaking to. May pa note- note pa pwede naman sabihin nalang ng personal. Napaka-old school talaga neto.
Pero, hindi ako nagpahalata na kinikilig ako at pinuntahan ko siya sa loob. Pampadagdag ng joy etong lokong to e.
"Eksena mo? Ang korny mo a", ang sabi ko. Kunwari wala lang sa akin yung eksena niya.
"Ikaw pala. Kumusta ka?" ang sabi ni Ivan. Huh bakit parang hindi niya alam ang ibig kong sabihin. Kamote.
"E' ano ba dapat? E'di mabuti, maganda nga ang gising ko e", ang sabi ko na lang.
"Mabuti naman, akin na yan..."
Kinuha sa akin ni Ivan ang hawak kong kape nang makita niya ito saka ito tinimpla. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Yung totoo may pag se-serve? Anong meron Untouchable?
"Ahh--- salamat. Anong problema mo? Bakit parang ang sweet mo ata?" ang hindi ko mapigilang sabihin.
Hay naku Grace hindi na naman maawat ang bibig mo. Dyahe...
"Ang sweet? Bakit naman? Makikihati lang naman ako saiyo ng coffee. Mabuti ka pa may kape, may extra coffee ka pa ba? Kanina pa kasi ako naghahanap dito e", ang tanong ni Ivan.
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
روحانياتIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...