#Welcome to God's Family

1.2K 25 6
                                    

Copyright © Grace Lang, 2013

 

GRACE’S POV

“Okay na sana... mahal ka ng Diyos kaso ang problema mo makasalanan ka!”

Malapit na ngang madurog ang puso ko dahil sa mga sinasabi ng pastor na kaharap ko. Noon lang ako nakarinig ng mapayapang katahimikan, tapos sinabakan niya bigla ng makasalanan ako. Anak ng teteng, alam kong matagal ko ng problema to malaking library na nga ng mga aklat ng kasalanan ko hindi ba. Ipinagdiinan pa niya, hiyang-hiya naman ako.

So ano binabawi na ni God na mahal niya ako dahil makasalanan ako. Kaya malas ako. Yun ba ang sagot kaya iniwan kami ng tatay ko at iniiwan ako ng mga jowa ko kasi makasalanan ako.

Umuwi na kaya ako! Nakalimutan kong kanina ko pa pala gustong magyosi.

“Lahat tayo makasalanan, walang maliit o malaking kasalanan sa harapan ng Diyos. Ang kasalanan ay kasalanan, lahat ng ito may consequences. At walang taong hindi nagkasala.”

“There is no one righteous not even one. Hindi natin pwedeng ipagmalaki na mas matuwid tayo kaysa sa iba, because all of us commited sin. At lahat ng kasalanan ang kabayaran, kamatayan. Kamatayan. Saan? Sa apoy ng impiyerno, that’s second reality”

Me gudness! Okay usapang impyerno na ang peg ng pastor na to. Mabigat na to a.

Bata pa lang ako naniniwala na ako sa hell dahil bata palang ako, para na akong nasa hell. Ikaw ba naman ang lumaking laging nagsisigawan at magmumurahan ang mga magulang mo sa harapan mo mismo hindi ba iyon impyerno. May hell talaga sa ibabaw ng lupa kumbinsido akong tunay.

Kung hindi ka gigisingin ng tatay mo habang mahimbing kang natutulog kapag lasing siya, linsyak naman kung manermon ang nanay mo kapag ginagabi ka ng uwi galing school. Hindi ba pwedeng matulog na lang kapag lasing, at hindi ba puwedeng mag-explain kapag nalate ng uwe.

Mahigit pa sa primetime ang linyahan ng mga magulang ko gabi-gabi kapag nag-aaway sila. Ganoon nila kamahal ang isa’t isa. Dalawang bagay lang naman ang lagi nilang pinag-aawayan, una, pera, pangalawa babae.  

Ako na ang may kapamilyang demonyo at walanghiya! Muntik ko na ngang ilagay ang mga pangalan na yan sa family tree na ipinagawa sa amin nung elementary e.

Mabuti nalang naghiwalay na rin sila. Namugad sa ibang bahay yung demonyo!

Hiyang hiya naman ako sa tatay ko na iniwan kaming nganga, at sa jowa ko na pinagpalit ako sa pinakapangit naming kaklase dahil may panlibre sa kanya twing recess (walang konek pero ang laki kasi ng bitterness ko sa boyfriend ko na iyon... siya nakauna sa akin e’, ang kapal ng mukha!!!) Pota lang talaga! Makasalanan kasi ako.

Anw, bitter ako, impyerno na nga kinalakihan ko, mamatay pa akong sa impyerno mapupunta, naman!

E’ pano yan yung kasalanan ko isang buong library na, bitter ako, sinungaling ako, cheater ako, inggetera, selosa, balahura, tsismosa, walang galang, at marami pang iba... takte! sa dami ng kasalanan ko na alam at hindi alam ng mga tao sa paligid ko, sa impiyerno na nga pupulutin ang ganda ko. Gosh!

Nagpatuloy ako sa pakikinig kahit guilty akong makasalanan ako, gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko at dumiretso na sa impyerno. BV ako dahil hindi naman ako ang may kasalanan lahat.

Kasalanan ko bang kinamumuhian ko ang tatay ko at jowa kong nanloko sa akin?

 “Madali lang para sa atin na isisi sa iba ang kasalanan, but most of the time, mahirap nating aminin even sa ating mga sarili na makasalanan tayo. Puso mo ang may problema. May inner pride ka na, hindi mo naman kasalanan lahat e’, may kasalanan din naman siya, o sila. You tend to look sa mali ng iba rather sa own mistakes mo. Madali lang depensahan ang isang bagay kapag hindi naman nakikita ng ibang tao na ikaw ang salarin, kapag obvious na mas biktima ka. Hindi mo kayang akuin lahat ng sisi, at lahat ng pagkakamali. Pero sa isip mo, sa puso mo, may problema ka, lalo na kapag wala ng nakakakita saiyo.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon