Copyright © Grace Lang, 2014
GRACE'S POV
Matagal na akong Christian.
Oo matagal na nga,
Naalala ko, February yon’ nung tinanggap ko si Jesus bilang personal kong tagapagligtas.
Si Ivan pa nga ang nag pray para sa amin. Kasabay ko pa no’n si Jonas at Irene.
Marami na nga akong natutunan, ang galing kasi ni Gracelyn magturo. Pero, si God pa rin talaga ang magaling!
^________^
Oo, si Gracelyn na nga ang naging discipler ko since naging Christian ako. At oo si God na rin ang nagturo sa akin kung paano magkaroon ng teachable heart kahit na FB ako sa discipler ko. Feeling bad talaga ako.
Noong una, ayoko talaga sa kanya, dahil masiyado siyang banal para sa akin. Isa pa, BV ako sa kanya, kasi lagi siyang pinapansin ni Ivan. Bitter ang peg ng lola mo e’.
Mabuti na lang I learned to LIG (let it go). At natutunan ko na rin siyang tanggapin, nakilala ko siya, nakilala niya rin ako. May spark pala kami sa isa’t isa lalo na pagdating sa mga movies. Romantic comedy ang bet namen pareho, romantic kasi pareho kaming maganda. Achuchu! Comedy kasi gusto namin laging masaya!
Pareho din kami ng gustong ulam, itlog na pula at kamatis, tortang talong at tuyo, may kasama pang Heinz ketchup. Specific talaga to pareho kami ng paboritong ketchup. Minsan nga nagtatake-out pa ako ng maraming ketchup kapag nagpupunta ako sa Mcdo para may reserba. Oo ako salarin ng shortage ng ketchup sa Mcdo. Wititit!!!!
At siyempre, katulad ng iba at katulad ko, may sometimes din pala siya, sometimes topakin. Biglang hindi nalang mamamansin, in short snob ang peg minsan.
Naisip ko nga no’n normal din naman pala siya.
0_____0
Anw, ayun na nga marami akong natutunan sa kanya.
Unang-una, Natuto akong manalangin ng mahaba, iba’t ibang prayer pa.
Dati ang alam ko lang na prayer Sumasampalataya ako, Aba Ginoong Maria, at yung mga Misteryo sa Rosaryo na itinuro sa akin ni nanay dati. Eto yung panahon na okay pa sila ni Tatay.
Mas masarap pa lang manalangin kapag mula sa puso, hindi yung kinabisado mo lang. Natuto ako mag pray ng scriptural prayer, natuto akong mag pray ng malakas, naalala ko nung may Bible group study kami. Biglang binanggit ni Gracelyn ang pangalan ko para mag close ng prayer. Tinignan ko siya para sabihing ayoko, kaso tumungo na siya agad at pumikit pati na yung mga kasama ko, ayos talaga dahil wala na akong nagawa.
No choice ang beauty ko.
Yung kaba ko abot langit ata.
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...