A/N: Hi readers! Salamat sa time niyo magbasa, salamat din sa mga new followers. Hope ma enjoy niyo yung pagbabasa. kahit na napakadaldal ng character.
GRACE’S POV
Hindi ako sanay na sumunod.
-____________-
Dahil sa deal namin ni Jonas, na ako naman ang nagpasimula, hindi na naman tuloy ako mapakali.
Ako pa talaga ang pasimuno. Aist! Ang hilig ko talagang magdesisyon nang hindi pinag-iisipan yan tuloy. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.
Lalo na’t natuklasan ko na may iba pa palang babae sa buhay ni Untouchable, anak ng tokwa, akala ko pa naman si Gracelyn na ang pinakamatindi, at akala ko wala ng umaaligid sa kanya aba’ may nakaligtas pa pala.
Boset lang hindi ba.
-___________-
Hindi ako maka move on sa nakita ko. Lakas ng impact sa mind ko.
May kasamang ibang babae si Untouchable? Hindi ako makapaniwala, napapailing na lang ako.
Tumatambay sa jutak ko ang scenario na nakita ko. Okay lang kung si Gracelyn tanggap ko na, okay lang kung holdings hands ang kaso may kasama pang yakap at halik sa pisngi. Ang tindi aba! Haist! Nakakainis talaga! Ngunguso ako.
Lutang ako habang hawak ko ang ballpen at nasa harap ako ng journal at bible ko. Nakaharap ako sa study table.
Quiet time ko kaso ang ingay ng jutak ko. naghahabulan ang mga tamang hinala.
Kailan pa naging sila?
Bakit hindi ko siya nakikita sa church? Sino ba siya?
Haist! Devotion ba talagang matatawag to’. Guguluhin ko ang buhok ko sabay mapapatungo sa table.
Sumisigaw ang isip ko ng “Nagseselos ka ano?”
Aba matindi sumasang-ayon naman ang puso ko, “Oo, nagseselos ako”
Hay naku! Ang ingay hindi ako mapakali. Mababaliw na ata ako.
Eto ba iyong okay lang. Lakas ko pa makapag yaya ng deal neto a.
“Papsi help me”, ang bulong ko.
Kaunting galaw ko lang pakiramdam ko mahuhulog na ako.
“Papsi please speak please! Instruct mo ako, nalilito na ako sa nararamdaman ko, is this for real, inlababo na ba talaga ako kay untouchable ha, totoo ba? Huwag mong sabihing siya ang petrfect will mo?”,
Boset kasi nasasaktan ako, nasasaktan ako sa sarili kong kalokohan. Bakit kasi sinabi ko pa kay Jonas, ayan tuloy nangyayari.
Aist! Ayoko na mag-isip.
Hihinga ako ng malalim at mag fo-focus. Erase, erase, erase!
Eto na talaga Papsi seryoso na ako.
Nagseryoso na nga ako, nagfocus na ako sa pagme-meditate ng Word kahit na parang nakikipag-away ang puso’t isip ko sa Holy Spirit. Ang ending eto ang revelation Niya sa Word Niya,
“If anyone would come after me, he must deny himself, take up his cross and follow me”,
What??????????
(&($^%$&*%$^%#%@#$%#@#
Si Papsi talaga, kagaya ng lagi Niyang ginagawa kapag sinasabi kong magsalita Siya nagsasalita nga Siya. Parang nag-sisi tuloy ako na sinabi kong magsalita Siya kasi mas lalo ata akong nahirapan. Haist! Sorry Papsi.
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...