Copyright © Grace Lang, 2014
GRACE’S POV
Ako na ang magkaron ng workmate na weirdo.
Magkatabi kami sa cubicle at dahil magkatabi kami lagi ko siyang naamoy,
ang bango-bango niya, lagi ko siyang nararamdaman kinakabahan ako sa prisensiya niya, parang multo lang.
Naiilang ako sa kanya dahil pakiramdam ko kinukuryente ako kapag katabi ko siya.
O megesh nemen!Yung totoo may lihim na pagnanasa? Hindi naman masiyado kunti lang. Hehek...
Ang landi ko!!
Kasi naman Maka-Diyos e.
Naman, hindi pa ata ako handang tumino.
Mahaba pa ata sa pila ng MRT tuwing rush hour ang pila ng pagrerebelde at pagsuway ko. Block buster lang parang pila noong huling chapter ng Breaking Dawn o kaya nung Titanic nung elementary pa ako.
E’ pakiramdam ko kasi kapag usapang makalangit masusunog ako. Makalangit na nga masusunog pa. Yung totoo?
Kasi mula pagkabata ko hanggang ngayon, sampung ulit na laki na ata ng National Library ang dami ng aklat ng mga kasalanan ko.
Simulan natin sa mga title na:
1.) Ang mga Kasinungalingan ni Grace Lang
Not to Mention: Ako talaga ang nakabasag ng bagong biling lipstick ng nanay ko, si Ate Mercy lang sinumbong ko. Ang ate ko naman mahal na mahal ako hindi nagsalita.
Nahataw siya ng wala sa oras ng nanay ko, bunso ako e’, hindi pa kasi bayad yung lipstick nangalahati na. Silent Type ako baka madamay.2.) Ang mga Lihim na inggit ni Grace Lang
Not to Mention: Dahil inggit ako sa buhok ng best friend ko, sinabi ko na bagay sa kanya ang gupit panglalaki. Ang uto-uto nagpagupit naman. Maganda pa rin ang buhok niya. Bagay sa kanya. Ang dami niyang naging manliligaw. In the end, inggit pa rin ako. BV!
(-___-)3.) Ang mga Insecurities ni Grace Lang
Not to Mention: Dahil alam kong mas magaling magreport yung kaklase ko sa Humanities nung college, nilagyan ko ng 2.75 ang comment ko sa evaluation form ng report niya,
sa reason nilagay ko, OA ang pagkakareport. Walang masiyadong dating.
Wala namang pangalan e.
Take note: Close kami non. Pinahiram pa ko ng pen bago siya magreport.
4.) Ang mga Krimen ni Grace Lang
Not to Menton: Ilang beses ko ng pinapatay sa isip ko ang mga professors kong hindi makatarungang magbigay ng grade. Lalo na yung nagbigay sa akin ng 5 sa major ko. Shit! Mamatay na sana siya!!!
5.) Ang mga Pambu-bully ni Grace Lang
Not to Mention: Dahil gusto kong i-excercise ang freedom of expression, kinuha ko yung pentel pen sa bag ng natutulog kong kaklase at nagsulat ako sa isang malinis na papel ng R.I.P saka idinikit sa likuran niya.
Take Note: Muntik na akong maguidance neto. Mabuti na lang crush ako nung classmate ko. Idinaan ko na lang sa ngiti ang lahat. Tingnan mo nga naman! Advantage te’ :-D
6.) Ang mga Panloloko ni Grace Lang
Not to Mention: Ang sabi ko sa nanay ko, 150 ang balikang pamasahe mula sa bahay namin hanggang school na pinapasukan ko nung college. Todo kayod naman si ina sa pagbibigay ng 150 pamasahe plus 50 para sa pagkain. :-D
Pag graduate ko sinabi ko na ang totoong pamasahe ko, 70.
Mahal kaya ang pampa-xerox kapag walang libro. Lalo na yung isang ream, tapos hindi niyo naman i-di-discuss sa klase. Kaasar!
7.) Ang mga Kaplastikan ni Grace Lang
Special Mention: Sabi ko sa officemate ko sa unang work ko, okay lang kahit siya na lang ang ma-promote kasi masa magaling naman siya. Deep inside “...pero mas magaling pa rin ako.” #Balat-kayo nag resign nga ako walang kwentang kumpanya e’.
8.) Ang mga Bitterness ni Grace Lang
Not to Mention: Pinuno ko ng maraming ekis ang picture ng first boyfriend ko nung high school dahil pinagpalit ako sa pinaka panget sa room namin. Ang kapal ng mukha! Pinagmukha ko siyang shrek!
Nilukot ko nga tapos shinoot ko sa trashcan. Doon siya nababagay! Asshole!
9.) Ang mga Pagseselos ni Grace Lang
Not to Mention: Dahil nagseselos ako sa best friend ko, hindi ko siya pinansin ng almost a month. Hindi niya pa rin alam hanggang ngayon na dahil sa selos kaya hindi ko siya pinapansin.
10.) Ang mga Scandal ni Grace Lang
Not to Mention:
#School Ground#Camping#OverNight#First Hug#Elementary BF
#School Gym#Acquaintance Party#Saguiguilid#FirstKiss#High school BF
#Dorm ng BF#Group Works daw#Nakaw na Sandali#First Fantasy#College BF
... at marami pang ibang aklat. Many to mention e’. Siyempre highlights lang yan.
Ako na ang babaing makasalanan. Kabaligtaran ako ni Mary.
Well, hindi ko naman ipagkakaila na kasalanan ko nga, alam ko namang may kanya-kanya naman tayong library e.
Alam kong hindi ako nag~iisa.
Kaya isang malaking sayang sa paningin ko ang weirdo kong workmate na to.
Aba may lalaki pa palang ganito sa panahong ngayon. Nasa'n ang hustisya?! Nemen!
Untouchable para sa akin ang lalaking ito.
Super spiritual, hindi bagay! Hindi AkO bagay sa kanya.
Sayang!!!
#LibraryngKasalanan
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...