Copyright © Grace Lang, 2013
GRACE’S POV
“You are His beloved”
Ito ang bungad ng pastor na nag bahagi ng message matapos ang ilang minutong sluman at kantahan sa disco bar.
So ngayon, tahimik na ang lahat, hindi makabasag pinggan. Parang gusto ko ng umuwi. Bigla lang kasi akong inantok. Pero anak ng tokwa, biglang nagsalita yung pastor bago pa ako makatayo para magpaalam sa nawawalang si Ivan. Napansin ba niyang hindi na ako mapakali.
“Kung gusto mo ng umuwi, you are free,”...
Sa akin ba siya nakatingin. Nagulat ako, pero handa na sana akong magpaalam. Hinahanap ko na sa paligid si Ivan.
“Pero, pagsisisihan mo to habambuhay”. Agad namang dugtong nung pastor.
ANAK NG... YUNG TOTOO!
>____________<
Nung una wala lang sa akin ang mga sinasabi niya. Nagpirmi nalang ako sa upuan, tutal tinamad na rin ako hanapin ang nawawalang si Ivan. Hindi ako nakikinig naglalaro lang ako ng HayDay sa cp ko, harvest, harvest, tanim tanim din kapag may time, luto-luto, exciting! Level 10 palang ako e, hindi ko kasi na-update ng ilang araw.
Pakshet, kasi ang mga deadline sa office henep makapagbigay mga bossing. Pero ngayon mag-u-update ako, may time na ako. Sinulyapan ko si Irene at Jonas. Si Irene nakikinig pa, si Jonas hindi mo alam kung nakikinig ba o na-a-aatract sa pastor na nagsasalita. May hitsura kasi yung pastor, guwapo in other words. Pero kagaya ni Ivan untouchable yan! Keber ang peg ko! Wala akong future dyan!
Abala ako sa pag-update nang bigla na naman tinamaan ako sa sinabi nung pastor,
“Makikusap ako tutal saglit lang naman ako magsasalita. Bawal muna ang makipag-usap sa katabi, bawal muna ang cellphone, pagbigyan niyo na ako”
Whaat? Ayoko sana siyang pagbigyan. Nakakadalawa na sa akin tong pastor na ito. Manang-mana kay Ivan. Nung tinignan ko siya parang hawig nga niya yung untouchable na iyon. Medyo maputi lang tong KJ na pastor na ito. Pero nasabi ko na nga lahat ng tao dito, “lalaki” dito untouchable. Kaya lahat sila magkakahawig.
Pero naman e, ito na nga lang paglalaro ng hayday ang kaligayahn ko ngayong pagkakataong ito e. Pero dahil nahihiya naman akong pagtinginan ng mga tao sa paligid ko, lalo na si Jonas at Irene, e’ labag sa loob kong ibinulsa ang cell phone ko. BV!
Nakakainis!
“Alam mo ba na mahal ka ng Diyos. At hindi lang basta mahal, mahal na mahal” ... eto ang sunod kong narinig.
Napatingin ako bigla sa nagsasalitang pastor.
“Mahal... ako... nino? Ni Lord?”
Hindi ko alam kung bakit nang marinig ko ang salitang iyon, biglang napako ang atensiyon ko sa kanya. Parang nawala ang presensiya ng mga katabi ko, maging ang presensiya ng pagkainis ko. Gusto ko na biglang makinig.
“Hindi nga?”, ang bulong ko sa isip ko habang patuloy akong nakikinig.
“You are His beloved. He loves you more than you’ve ever thought. Mahal niya ang buo mong pagkatao, kilala ka Niya even before your birth. He designs your future. Alam Niya ang mga dinanas mo noon hanggang ngayon. Alam Niya rin kung sino ka magiging bukas.
Even your anxious thoughts, alam na alam Niya. He even knows you’re greatest fear. Amidst of your disobedience and sin, He still loves you. He loves you yesterday, today, and tomorrow.
Hindi ka man mahal ng mga tao sa paligid mo, saktan ka man nila, iwan ka man nila, pandirihan ka man nila, looser man ang tingin nila saiyo. Hinding hindi magbabago ang tingin saiyo ng Diyos. He still loves you eventhough.”
Hindi ko maintindihan kung bakit ang sarap pakinggan sa pandinig ko ang mga salitang sinabi ng pastor.
Mahal ako ng Diyos.
Alam ko namang mahal ng Diyos ang mga tao. Pero, ang sarap pakinggan na mahal Niya ako.
Dahil na-caught na ng pastor ang atensiyon ko, nakinig na ako.
Nawala na ang antok ko, bagot ko, at inis ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit gusto ko ng makinig. Niyaya pa nga ako ni Irene magpunta sa rest room pero sabi ko siya na lang. Hindi nalingid sa akin na nagtaka siya. Si Jonas na lang tuloy ang niyaya niya. At dahil naiwan akong mag-isa, i found myself teary-eyed. O my goodness! Nakatagpo ata ako ng katapat hindi maari to’.
T_T
“God gave His only begotten son to show His great love for you. If He loves you ibig sabihin, He could give anything for you. Naibigay na nga Niya ang anak Niya hindi ba ano pa sa mundo ang hindi Niya kayang ibigay saiyo? Nothing.”
“Minsan kilala mo lang ang Diyos because alam mong may Diyos, tama? Creator of heaven and earth, creator of all things and human kind. But hindi mo alam how wide, how deep, how high and how true yung “pag-ibig” na iyon na mayron ang Diyos para saiyo. Width that can never be measured, depth that can never be dugged, heights that can never be climbed, and truths that can never be explained. Ganon’ ang love na ibinigay Niya saiyo. Are you aware of that kind of love?
Most of the time hindi mo iyon alam, hindi mo iyon maranasan, you know why? Dahil hindi mo binubuksan ang mga puso mo for that kind of truth... na Mahal ka Niya. Mahirap bang maunawaan iyon? You are His beloved.
Yang pamilya mo, they could reject you, that’s the reality, yang boy friend or girl friend mo, they could hurt you not just once, even twice, thrice, pwedeng maraming beses pa, but not God. aIbahin mo yung kind of love that He’s giving you. You don’t have any idea how crazy He is for you. Even though some people or most people don’t notice you, you always caught His attention even in your simple or small gesture. Maniwala ka man o hindi, yes, He’s crazy about you.
Yet maraming tao, o baka ikaw, naka focus ka sa mga bagay na walang eternal significance, kasi you’re just happy about it and you don’t want to stay away with that happiness, in the first place, you have the right to be happy hindi ba?
Minamahal mo yung mga bagay o mga tao na, gusto mong mahalin ka rin, pero, hindi mo narea-realize they are not enduring, you’re just hook so sa mga bagay o tao na makapagbibigay ng pansamantalang kasiyahan or contentment which will not last.
The truth is, habang habol ka ng habol sa mga ito, isa ka sa nag-ignore ng eternal love na meron si God para saiyo. Yet He still loves you. He is your faithful lover.”
Shemai, nakakainis, parang sa akin talaga nakikipag-usap tong pastor na ito. Iyon ang hinahanap ko, faithful lover. Kahit na inililibot niya ang tingin niya sa mga audience parang sa akin lang siya nakikipag-usap. Naiiyak na ako, bigla kong pinahid ang luha kong patulo na nang dumating si Irene at Jonas.
Baka sabihin nila ang muntanga ako. Pero may question sa isip ko.
“Kung mahal ako ni God, bakit iniwan kami ng tatay ko at sumama sa ibang babae ng wala man lang ni ha ni ho? Harap harapan niloko niya kami. Bakit kailangan iwan ako lagi at lokohin ng mga taong pinagkatiwalaan ko ng puso ko? Ayaw ba niya akong maging masaya?”
“Lahat ng nangyari sa iyo noon, nangyayari saiyo ngayon, at mangyayari saiyo bukas, there’s always a reason. Bakit nandito ka ngayon, may dahilan din. Yet you have a choice, tatayo at lalakad ka ba sa life mo under His love and grace or under your own wisdom about what would makes you feel loved.
Ngayong alam mo na, na mahal ka Niya, anong gagawin mo dun sa pagmamahal na iyon?”
“You are God’s beloved.”
This is the real love 101.
#I’amGod’sBeloved
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...