G.L. Copyright 2015
GRACELYN'S POV
Kabababa ko lang ng phone. Hindi ko alam kung bakit gusto kong i~assure if tuloy ang date namin ni Dave.
Ang sabi nila malakas daw ang discernment ng mga babae. Maraming beses ko na ring napatunayan 'yon.
Kaya ngayon mas kinakabahan ako. Iba ang pakiramdam ko mula nang yayain ako ni Dave na mag~date kami.
He never done that before. The way He ask me for a date, alam kong hindi rin niya gawain 'yon.
I believe may ipagtatapat siyang importanteng bagay.
Yung bagay na 'yon its either yung matagal ko ng hinihintay or yung matagal ko ng kinatatakutan.
Kaya mas lalo akong nangangamba.
No'ng una masaya ako na niyaya niya akong mag~date. Pero eventually lalo na nung tinawagan niya ako para i~confirm ang date namin. I sense something. Iba yung nararamdaman kong kaba.
Dapat sana excited ako pero hindi ko magawang maging excited.
Nakaharap ako sa salamin ngayon habang nagsusuklay.
Ang sabi nila ako raw ang babaeng Ivan at siya naman daw ang lalaking Gracelyn.
Madalas nila kaming pagtambalin dalawa kaya naman ng kalaunan, nung naramdaman kong hindi na healthy para sa akin, dahil may iba na akong nararamdaman, I tried to kept distance to him.
Pakiramdam ko kasi lahat ng ginagawa niya binibigyan ko na ng meaning. Naiilang na ako kapag katabi ko siya.
And I don't wanna go far unless siya yung magfirst move.Gusto kong bigyan ng malinaw na kahulugan ang nararamdaman ko kaya lang natatakot akong malamang iba ang nararamdaman niya.
Mahirap hulaan ang feelings ni Dave. Kahit pa sinasabi nilang magkapareho kami. I still don't know what he's thinking.
Lalo na sa mga pagkakataong tinutulungan niya ako, at sinasamahan niya kapag wala akong kasama. Yung pangungumusta niya at ang pag~aalala niya.
Gusto kong isipin na lamang ako kaysa ibang babae pero I saw na ganoon din naman siya sa iba naming sisters sa church.Pinagtatambal lang talaga nila kami kaya mas nabibigyang pansin ang ginagawa niya sa akin. Yun lang ang lamang ko.
I had one memorable moment with him. Feeling ko no'ng time na 'yon na solo ko siya.
That's the time nung sabay kaming nag~asikaso ng requirement sa work. Though, magkaiba yung company na papasukan namin, nagkasabay naman kami sa pag~aasikaso ng requirements. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako nung niyaya niya ako na sabay na kaming mag~asikaso ng requirements.
Siguro kasi matagal na naman talagang lagi kaming magkasama at magkasabay. Ang pagkakaiba lang ngayon, may mas malalim ng kahulugan ang nagagawa namin para sa isa't isa. Para sa akin malalim pa sa isang kaibigan at kababata. Hindi ko lang alam kung ano ang sa kanya.
That was the first time na nakasama ko si Dave ng almost a day nang wala ang mga churchmates namin.
Kaming dalawa lang. Walang matang nakatingin, wala ring nang~aasar. Pakiramdam ko n'on, ang laya namin. Ako at Siya.
Ang saya sa pakiramdam.Pumila kami ng mahaba sa NBI nang hindi kami nabagot dahil sa kuwentuhan, kumain kami ng fishball at kalamares hanggang magsawa kami, nakipagsiksikan kami sa jeep kahit na pawis na pawis na kami. Dinala niya yung bag ko at hinawakan niya yung kamay ko no'ng tatawid kami.
Feel na feel ko yung care niya sa akin.
I admit na kinilig ako. And I took advantage sa pagkakataong 'yon. Sabi ko nga no'n sana kami na talaga.
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
EspiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...