Copyright © Grace Lang, 2013
IVAN’S POV
“Praise the name of the Lord!”
Heto na lang ang nabanggit ko sa sobrang saya ko na kausap ngayon ni Gracelyn si Grace. Si Danah naman kausap si Irene, at si Jolo kausap si Jonas.
Walang paglagyan ang tuwa ko nang makita ang mga ka-officemate ko na tumayo at tinanggap si Jesus bilang personal nilang tagapagligtas. No doubt, this is a genuine joy.
Hindi ko man alam kung gaano katotoo ito sa puso nila, basta alam ko nagsimula ng kumilos si God.
Heto na ang bunga ng 40 days challenge na ginawa namin sa church. Nung una alangan pa akong ma-involve sa challenge, ilang beses na rin kasi akong nag-f-fail na ipagpatuloy. Ako kasi yung tipo ng Christian na minsan hanggang sa simula lang.
Excited sa simula pero kapag nagfail ng once hindi na ako gaganahang ipagpatuloy. Ningas cogon lang. Kaya ayoko.
Nag struggle ako about this, ayoko kasing maging dahilan ng katitisuran ng iba kaya nung sinabi ko to sa small group leader ko, isa lang ang sinabi niya,
“Kung hindi mo gagawin to ngayon, kailan mo gagawin? Kung hinihintay mong makaya mo nang hindi mo sinisimulan, hindi mo na talaga makakaya to’ kahit kailan. ”
Ikaw na ang sabihan ng ganoon hindi mo ba i-try na gawin.
Dati hindi ko kinakaya dahil iniisip ko na hindi ko talaga kaya. Lagi ko nalang sinasabi na sila nalang kasi kaya naman nila, pero hindi naman laging ganon, part kasi ako ng body, kaya naisip ko I need to try, kaya I tried my best.
Then I realized most of the things na sinasabi kong hindi ko kaya, na mimiss ko yung good results dahil I never tried. Ang dami ko na palang napalampas na pagkakataon because of that kind of mindset.
Well, honestly I’m always afraid to take the risk. Thank God He changed my way of thinking. Renewing of mind lang talaga ang key.
Simple lang naman yung 40 days challenge, no hussle kung tutuusin. 40 days of prayer para sa mga souls na gusto naming ma-win. Gigising ka ng maaga at magmemeditate ka ng Word at ipapanalangin mo ang gusto mong ma-win then after 40 days may Evangelistic Fellowship at iinvite mo sila.
Good thing no’n hindi mo na kailangang pumunta sa sanctuary para sabay-sabay kayong magpray.
Pero ang nakaka-challenge do’n kung walang nakakakita saiyo. Pinakamahirap na battle yon dahil mas madaling iwan ang challenge o huwag gawin ang isang bagay kung alam mo na wala namang nakakakita saiyo, madali lang namang magsinungaling.
Kaya nga mas mahirap para sa akin gawin ang challenge kasi ako lang mag-isa, ang kalaban ko sarili ko. For 40 days gagawin mo siya mag-isa with integrity kaya nga naisip ko nung una, hindi ko talaga kaya.
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...