GRACE’S POV
“Takte, ayoko nga siyang makita bakit nandito na naman siya?“
Ako matapos kong masalubong sa lobby ng church ang kauna-unahang kontrabida sa Christian Life ko.
Paanong hindi ka maasar, mula ata nung makilala ako netong matandang to’ wala ng ginawa kundi punahin ako,
Kesyo ang bastos ko raw magsalita, wala raw akong galang sa matanda, hindi raw ako marunong mangupo, ang gaslaw ko raw kumilos, ang ingay ko raw kada Sunday Service, yung suot ko raw parang hindi ako Christian, parang nagyaya raw ako sa kama ETC.! YUNG TOTOO?!
What the f***! Hiyang-hiya naman ako sa kanya!
Ang hindi niya lang alam, sa kanya lang naman ako bastos, at walang modo.
Di ba nga kung ayaw mong gawin saiyo huwag mong gawin sa iba, oha oha!!!
Dahil nga matanda na siya, nasa late 40’s sa tantya ko, kung ano-ano ang napapansin niya sa mga dumadalo sa church. Menoposal Stage ata dinadamay pa ako.
Alam na... generation gap matter to. At isa ako sa napakapalad na biktima.
Noong mga unang buwan kong pagdalo medyo okay pa, wala pa akong nararamdaman.
Pero langhya parang pag-aasawa rin pala ang pagiging Committed Christian kapag magkasama na kayo sa iisang bubong doon mo malalaman ang tunay na ugali. Takte talaga!
Binibigyan ko naman siya ng benefit of the doubt, baka kasi nag pe-personality clash lang kami, baka sanguine ako penguin naman siya hakhak... pero habang tumatagal yata ako sa church mas lalong lumalala ang sitwasyon ko. Hindi na ata ‘to simpleng pagkakaiba lang ng personality.
Kasi naman habang tumatagal ka sa relasyong sinimulan mo sa kanila, mas lalo mo silang nakikilala at ang malala pa parang kagaya ng mga nauna kong relasyon sa syota kong mga manloloko, one way relationship ang nagiging dating.
At anak ng tokwa, ako pa rin ang biktima.
Parang ako pa ata ang matagal ng mananampalataya, ako pa ang dapat umintindi. Ngenemen Ene!
Kaya iniintindi ko na lang ang mga pamumuna nila. Constructive naman daw e.
At isa pa ikinalalago naman ata ng pananampalataya nila ang ginagawa nila sa akin, balato ko na sa kanila.
Ang sabi naman ng mga nakakataas, pinupuna raw ako, dahil sa “CONCERN” lang sila.
E’ langya, okay lang naman sana yung concern, kaso mali ata ng gamit, akalain mong sa iba ko pa nalalaman na kung ano-ano pala ang mga pinagsasabi nila tungkol sa akin. Kung concern dapat diretsuhin hindi yung ang dami pang tenga’t dila ang idinadamay. Kapag kaharap naman nila ako hindi naman nila ako makausap. In short OROCAN ang peg...
Ako na ang laman ng kanilang maiinit na dila at ako na laging bida sa small group nila, dinaig ko pa ang artista. Takte talaga!
Hindi ba mag-eenjoy ka sa ganyan.
Sa isang banda nakatulong naman sa akin ang pamumuna nila, nabawasan na ang pagiging madaldal ko, Aham! Sabihin na nating mula sa 100% naging 99.9% na lang, medyo effective din naman.
At nalaman ata ni Untouchable ang mga kumakalat ng balita sa showbiz sa church tungkol sa akin kaya kinausap ako one time. Uy yan ang concern. Ayih!
“Grace,” ang sabi niya. Hindi pa siya tapos magsalita umarangkada na ako ng dada.
“Huwag mo ng ituloy alam ko na ang sasabihin mo. Huwag akong magsuot ng spaghetti kapag Sunday Service kasi maraming na-o-offend, tsaka na-stumble below the knee dapat ang isuot ko at hindi super above the knee, tapos gumalang naman ako sa mga matanda dito, huwag akong masiyadong maging magaslaw kumilos, mahinhin dapat kasi nasa church ako, diba diba tama ako, alam ko na naman e’ ako na ang...”
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...