Author's Note:
Eto na ang simula ng eskandalo... happy Reading!:-D
~~~~~~~~~~
Copyright 2014GRACE'S POV
I don't know how to explain pero thank God He meets me. Alam niyo ba iyon?
Na experience niyo na ba yung pakiramdam na parang nilukuban kayo ng Holy Spirit!?Can't explain it. Pero hindi ko akalain na ako pa, ako pa ang i-me-meet niya in a very special way.
Of all people ako pa talaga, Thank God!
Isa lang naman ako sa mga tao na nagpapakabait pero hindi magawa.
Hirap talaga e!
Isa sa mga anak na madalas ako pa ang magulang kaysa sa parents ko.
Bunsong anak, kaya madalas pampam, spoiled paminsan-minsan.
Isa sa mga mga naging estudyante na hobby na ang mangopya tuwing exam at mandaya ng score kung may pagkakataon.
Nakakahiyang aminin pero iyon ang totoo. Itanong mo pa sa titser ko.
Isa rin ako sa mga babae na nakikipag-flirt kahit na wala sa tamang panahon.
Kahit alam kong kahit kailan, hindi darating ang tamang panahon ng pakikipa~flirt.
Ngayon isa ako sa mga empleyado na okay okay lang kapag nandiyan ang boss... ngiti ngiti lang kapag nandiyan ang supervisor.
Tango dito tango doon, pero kapag nakatalikod na PURO REKLAMO!
Anw, eto na nga ako. Medyo mahirap palang tanggapin ang realidad kung sino ka. Ayoko na mag-elaborate.
Heto nga ang kundisyon ko bago pa ako yayain sa isang church ng weird kong katrabaho.
Yes he's weird. And yes he's a guy. Tall, dark and handsome siya sa paningin ko. Prospect ko na sana. Masipag. Responsible. Intelihente. On time lagi. At never kong narinig magreklamo. Ang nakakaloka pa, he's wearing a killer smile.
Anak ng pitumput pitong puting tupa! Crush ko na sana.
Kaya lang weird nga e'. Ayaw niyang uminom kahit lights lang, hindi nagyoyosi at ayaw gumimick.
Parang virgin!
Kapag niyayaya namin twing sabado, sabi niya may practice daw sila sa church.Sabi niya Worship Leader daw siya. Proud pa siya.
Tssk..
Oo na lang kami tapos magtitinginan. Kibit-balikat ang peg.Until one time, nakita niya ako na nagsisindi ng sigarilyo. Shocks nakita niya ako.
Sobrang pahiya ako sa kanya neto. Ang sarap lumubog mula sa kinatatayuan!
E' hindi ko nga pinapakita sa kanya kasi alam ko maka-Diyos siya kaso huli na niya ako sa akto.
Enebeyen!!!
-____-
Hindi ko alam kun g ano ang gagawin ko pero itinago ko pa rin sa likod ko ang hawak kong yosi.
Bad shot!
Nginitian ko siya na parang normal lang.
"Hi!", sabi ko.
Nginitian niya rin ako.
"Nakita ko huwag mo ng itago". Siya.
Hehe. Muntanga lang ako hindi ko alam kung ilalabas ko pa ba, napahiya ako. Until narealize ko teka hindi naman krimen ang manigarilyo, hindi naman to matinding kasalanan kaya, nilabas ko na rin.
"Pasensiya na". Ako na hindi makahugot ng lakas ng loob.
Hindi ko alam kung bakit ako humingi ng sorry. Pakiramdam ko kasi nagkasala ako sa kanya.
Ang awkward lang sa pakiramdam. Shemai naman!
"Pumasok ka nalang sa loob pagkatapos mo. Uminom ka rin ng maraming tubig". Siya
Sabay alis niya.
Yung totoo okay lang sa kanya? Okay lang naman pala sana hindi ko nalang tinago.
Weird di ba.
#Weirdworkmate
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...