#Pride of Life

303 15 7
                                    

Copyright 2016

Lord God, tunay nga na pagmamay-ari mo ang lahat ng bagay. You created everything by Your hands.
Indeed, you are a wonderful God.
There is nothing too hard for You. And everything is possible for You. By Words, Your plan will succeed.
May you open Your ears to hear, and open Your eyes to see.

These are the reality that is happening to us right now. Your people becomes few. Your disciples becomes arrogant. Your leaders becomes blind.

Nagkakagalit-galit ang magkakapatid dahil lang sa maliit na bagay. Nasaan ang pag-ibig sa pagiging mapagmataas? Nasaan ang pagkalinga sa pagkakaroon ng matigas na puso?
Nagkakasamaan ng loob ang mga liders at disciples nang dahil lang sa hindi pagkakaintindihan. Nawawala ang pagpapakumbaba dahil sa iniingatang pangalan, edad, pusisyon, at karangalan.
Nagkakaroon ng pekeng pagsunod  dahil lang sa kahihiyan. Nagiging maskara ang pag-ibig na ipinangangalandakan. At mukhang ayos lang ang lahat. Mukhang maayos lang... parang wala lang. PEKE!
Nagkakaroon nang pagpapanggap nang dahil lang sa titulo. Parang isang bahay na mukhang matibay ngunit sa kaloob-loobay inaanay.

Iniisip ko kung paanong nagdiriwang ang kaaway sa kanyang matagumpay na panlilinlang.

Panginoon, ito ang aming sitwasyon Dinggin mo kami. Unti-unting umaalis ang luma at ito ay ayos lang sa karamihan. Para bang isang laro, matira ang matibay.

Paano ang mga bagong dumarating kung may pangambang bukas sila'y aalis din? Paano ang matibay na samahan kung sa kinubakasan ito'y malalamatan at pababayan lang.

Paano mo masasabing pag-ibig kung ito ay peke lang naman. Parang isang plastic na kapag idinaan sa apoy, matutunaw at mawawalan ng halaga. Oo, PLASTIK!

Ito po ang aking dalangin, since wala pong imposible sa Iyo, baguhin mo ang puso ng bawat isa. Alisin mo ang pagmamalaki sa aming puso at isipin namin na ang relasyon ang mahalaga.

May kanya-kanyang paniniwala, paninindigan, dangal, pride ang bawat isa. May kanya-kanyang pinanghahawakan na kung titignan mo ay may point naman talaga. Ngunit kung ang paninindigan, paniniwala, at ang pride na ito ang naglalayo sa tunay na pag-ibig sa bawat isa alisin mo po ito Ama.

Dahil ang tunay na pag-ibig sabi mo sa Iyong salita ay hindi nagmamalaki kundi nagtitiyaga hanggang wakas. Ngunit bakit pinapabayaan lang namin ang lahat?

Nananahimik lang sa isang problemang pabulok ng pabulok. Nagnanaknak ang isang sugat na hindi pinapansin nang dahil lang sa kaisipang "wala tayong magagawa" o kaya nama'y "ginawa na namin ang lahat".

Nasaan ang pinangangalandakan naming pag-ibig na nais naming isubo sa bagong mananampalataya. Kung sa kanilang pananatili pala kinalaunay sasakmalin din sila ng aming mga salita't gawa. At sa huli'y lilisan din sila dahil marerealize nilang peke... peke lang ang lahat.

Panginoon, ito ang aming sitwasyon. Mayroon kaming tunguhin na paulit-ulit naming sinusubukang pagtagumpayan. Ngunit sa paglakad dito ay maraming gawa ang kaaway na kami ay nagpapatangay.

Maraming mga liders ang bulag sa katotohanan na ang kasalanan kailanman hindi magiging kabutihan. Maraming mga dicsiples na pinipilit isiksik sa utak at magpretend na okay lang na maging tama ang sa umpisa palang ay kamalian.

Kaya ang usad namin ay mas mabagal pa sa usad ng isang pagong. At kung noon, marami kaming nangangarap, habang tumatagal ay iilan na lang pala kaming lumalakad. At ang iilang iyon ay unti-unti na ring nanghihina dahil sa mithiin na sana walang umalis, sana walang nawawala, sana sing ingay pa rin ng dati ang tawanan. Sana sama-sama pa rin tayo sa pagtanda.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon