SOG Copyright 2015
JONA'S POV
Nakaupo ako sa harap ng computer ko nilalaro~laro ang mouse.
Lutang ako at di makapagtrabaho ng maayos.
Bakit kaya pakiramdam ko ang saya~saya ko? Parang hanggang ngayon may musika akong naririnig sa tainga ko.At aware ako kung kaninong tinig ang naririnig ko.
Parang excited na akong magchurch sa Sunday.
Magugulat ako nang biglang nagsalita si Irene.
"Alam ko yang mga ganyang eksena e' nakita ko na yan,", ang sabi niya.
Agad naman akong napatingin sa kanya at nagtaka, "Ang alin?"
"Yan... yung eksena mo ngayon, parang wala sa sarili."
"Ako? Bakit mo naman nasabi?", ang pagde~deny ko.
Halata bang wala ako sa sarili?
"E' ganyang~ganyan din yon o' no'ng nainlove", ang sabi ni Irene na si Grace ang tinutukoy.
Mangingiti ako, "Friend hanggang ngayon naman inlove pa rin ang kaibigan nating yan e'"
"So, inaamin mo rin bang inlove ka ngayon kaya ganyan ka?"
Nagulat ako sa tanong ni Irene. Mahirap pa ata to sa pinakamahirap na tanong sa pagent na nasalihan ko before a. Should I say yes?
God, I'm conscious. Is this for real what I feel? Naaalala ko po siya moment by moment. And I keep hearing her voice na kumakanta sa gunita ko. C'mon Lord, is she the one?
"Inlove agad? H~hindi ano'. Kanino naman?"
"Tanungin natin si Grace siguradong alam niya,"
"Teka seryoso, wala lang 'to ano?"
Bago pa ako makapagsalita natawag na ni Irene ang atensyon ni Grasya. Hay naku! mas malakas pa naman mam~bully 'tong isang 'to kaysa sa kanya.
"Sabihin mo nga Grace, may nangyari ba sa event last Saturday at ganto 'tong si Jonas?", ang tanong ni Irene kay Grace.
Wala kasi siya no'n dahil may lakad sila ng husband niya.
"Hay naku kaibigan, kung nandun ka lang nakita mo sana kung ga'no magningning ang mata ni Jonas"
"At sino naman ang mapalad?"
"Mabuti pa siya nalang ang tanungin mo para mas feel na feel" ang sabi ni Grace sabay kindat sa akin.
Hay mga kaibigan ko talaga.
"Magtrabaho na nga tayo.. " sa halip ay yaya ko sa kanila.
"Oops.. avoiding", ang himig nang~aasar naman na sabi ni Grace. Sabi ko na hindi mananahimik to' e. Knowing her.
"Grasya", ang sabi ko nang may tinging may kahulugan.
"Okay, tatahimik na", ang sabi ni Grace sabay taas kamay.
Mapapailing ako saka magsisimula ng magtrabaho. Tama na muna ang pantasya.
Akala ko naman okay na... nang biglang sumigaw si Grace.
"Mga friends si Jonas inlove!",
sabay kunwari deadma.Haist! Ikaw talaga Grasya!
Hay naku talaga ayaw paawat.
"Sino'ng inlove?", ang sabi naman ni Ivan na kadarating lang. Ibaba niya ang bag niya sa upuan sabay naghihintay ng sagot.
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
EspiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...