A/N: Sorry sa matagal na update, sa mga naghintay, salamat. sa mga patuloy na nagbabasa, be blessed more. Sa mga magbabasa pa, enjoy lang po. Hope na clear yung gusto kong ipunto sa chapter na ito.
copyright 2014
GCE'S POV
"Ouch a'", ang bulong ng puso ko habang nakikita si Gracelyn at Ivan sa stage.
Makapagpalanggam naman tong dalawang 'to wagas. BV!
"E' bakit kasi tinitignan mo pa" ang sigaw naman ng isip ko.
Hmm... may ipaglalaban ba ako.
Papsi pwede bang baguhin mo na lang ang puso ko.
Maya-maya nagulat ako dahil may tumawag sa akin.
"Grace", si Donna iyon, ka group ko sa ministry.
Narinig niya kaya ang sinabi ko? Bulong lang naman iyon hindi ba. Hindi naman niya siguro narinig.
"O' Donna bakit?", ang sabi ko nalang sabay napatayo. Lumapit ako sa kanya hindi kasi siya lumapit kaya ako na lang.
"Kain tayo", ang yaya niya. Wow libre ayos.
"Huh-ahh-sige", ang sabi ko. Tamang-tama naman kasi medyo nagugutom na rin ako e.
0____________0
Pumunta kami ni Donna sa mall na malapit sa church. Pumasok kami sa Savory.
"Anong gusto mo Grace sige lang order ka ng gusto mo, treat ko", ang sabi ni Donna.
"Talaga a', sige ba, hindi ko uurungan yan", ang mabilis ko namang sambit.
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti naman siya pero parang ang lungkot ng mata niya, tapos parang umiyak pa siya. Ano kayang nangyari. Worried ako bigla. Kinabahan ako.
"Anong gusto mo mag-rice ka ba?", ang sabi niya.
"Hah-ahh-Pasta na lang sis, gabi na e... hehe", diet ang peg kunwari.
Maya-maya lang kumakain na kami. Napansin kong hindi naman kumakain si Donna ako naman subo ng subo. Nagutom ata ako sa naging small group namin, ambigat e. Mapapahinto ako nang mapansing tila hindi naman ginagalaw ni Donna ang pagkain niya.
"Sis. Gutom ka ba talaga, bakit mukhang hindi ka naman kumakain, ang dami ko ng nakakain ikaw hindi mo pa nababawasan ang kinakain mo, yung totoo okay ka lang ba ha?", ang sabi ko sabay subo.
"Yung mga broken hearted lang ang walang ganang kumain ano", ang dagdag ko pang sabi. Sigurado kasi akong hindi naman broken hearted si Donna. Kaso mali pala ako.
"Ang totoo sis, hindi ako okay, tama ka broken hearted nga ako", ang sabi niya sabay parang gripo na yung mata niya dahil sa walang humpay na pag-agos ng luha niya.
Hala yung totoo? Nagulat ako, hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Nagsisi ako kung bakit sinabi ko pa iyon.
Bago pa akalain ng mga tao na inaway ko siya kinalma ko si Donna. Broken hearted talaga! Wagas ang luha e.
"Ahh-sis., ano bang nangyari ha, anong maitutulong ko?", ang sambit ko na lang.
"Sorry Grace a', niyaya kita kasi hindi ko na talaga kaya e', ikaw lang yung nakita kong walang ginagawa sa church kaya niyaya na kita, kailangan ko ng kausap, wala naman si Eunice today, Sis, sobrang nasasaktan kasi ako e",
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...