Copyright G.L. 2015
GRACE' POV
Sabaw.
Heto ako habang nag~aayos ng mga tracks na ipapamigay sa activity na ginagawa namin annualy.
Oo, mangingisda kami ng kaluluwa.Sabaw ako dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ang nangyari sa date ni Gracelyn at Untouchable.
Grabe hindi nila ako pinatulog no'ng araw na iyon. Grabe talaga sila sa akin.
Kasalanan mo naman e'.
E' mahal ko e.Limang araw na ang nakakaraan mula noong nagdate sila.
At mula din noong araw na iyon hindi ko pa nakikita si Untouchable. Miss ko na nga e.Sinadya mo ata 'yon Papsi. Kung para makapag~move on ako? Well, hindi po Kayo nagtagumpay. Miss na miss ko na po siya.
(-_____-)
Ipinadala kasi siya bigla ng bossing namin sa Davao para sa isang conference.
Gusto ko mang tanungin si Gracelyn kung anong nangyari. Di ko naman magawa. Baka mamaya sabihin pa no'n usi ako.
Ma~o~obvious pa na bet ko si Ivan kaya kahit na gigil na gigil na akong maghalungkat ng balita tungkol sa kanila wala manlang akong mapala.
Hay naku Grace looser ka na wag ka na ngang epal.
Pinagmamasdan ko lang si Gracelyn na nasa di kalayuan. Mukha naman siyang masaya.
Siguro nag~ask na si "Dave" niya (bitter ako... -____- ) na manligaw at tinanggap niya ito agad.
Mas mukhang gumanda pa nga siya lalo.
"Can I Court you", ang sabi ni Untouchable sa kanya. With wagas na ngiti. Kitang~kita ang dimples niya. Nakakainis.
Sasagot naman agad si Gracelyn, "Yes Dave," sabay wagas din siyang ngingiti. Nangungusap ang kanilang mata.
Kulang nalang mag~kiss sila. Asar!!!!Agad akong mapapailing. Ano bang mga pumapasok sa isip ko? Dapat akong magfocus. Kiss agad? Mukhang imposible sa kanilang dalawa 'yon ano.
Haist! Talunan na talaga ako. La na! La na akong pag~asa! Parang gusto kong kumanta sa videoke at kantahin yung sinaktan mo ang puso ko.
Papsi ano bang gagawin ko sa puso ko. Aba' alangang umeksena pa ako sa lovelife nila? Puwede bang baguhin mo na po ang heart ko? Para hindi na si Ivan. Ayoko nga po ng pangalawa. Hindi bagay sa akin Papsi. Pramis!
Mapapanguso ako sa sobrang bitter ko habang bitbit ang isang box ng mga tracks upang dalhin sa van nang pagtayo ko ay mabunggo ko si Ivan.
Grabe! Yung pagkakalapit namin wagas. Yung pagitan naming dalawa yung box lang na hawak ko.
At dahil sa gulat ko, hindi ako agad nakagalaw.
Nakangiti siya sa akin. Ako naman nanlaki ang mata ko sa kanya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko na naman maawat. Hindi ko namalayan na napakapit pala siya sa akin.
"A~ I~ikaw pala", ang nauutal kong sabi. Bigla akong lumayo sa kanya. Napatingin ako kay Gracelyn na napatingin sa aming dalawa.
Nakakainis naman 'tong si Untouchable. Bakit naman bigla~bigla siyang sumusulpot?
Nagulat ako dahil bigla niyang kinuha ang hawak kong kahon.
"Ako na magdadala mabigat to'a, bakit ikaw ang nagbubuhat neto?" ang sabi niya. Sabay kuha sa akin ang kahon.
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...