#Hindi pa tapos...

287 21 4
                                    

Copy Right G.L 2015

Spell kumokota...

G~R~A~C~E L~A~N~G

-__________-

Kamote.

Hindi ko alam kung anong meron ngayong araw na'to. Hindi ako naniniwala sa Friday the 13th pero ngayon parang gusto ko ng maniwala.

Ang tindi!!!!

Napuno ang araw ko ng maraming nakaka~gigil na bagay.

Nagdevotion naman ako. Ang sabi pa nga ni Papsi ngayon, "Draw close to me and I will draw close to You"
e' lumapit naman ako sa Kanya.

Anyare Papsi? Bakit gusto kong magwala at umiyak?

Kailangan ko ng maraming~maraming ice cream!!!!

Kasalukuyan akong nasa loob ng C.R... kase I need comfort.

Pinipigilan kong tumulo ang luha ko kahit na gigil na gigil na siyang lumabas. Ayokong umiyak dito sa opisina, unang~una dyahe kapag nakita ako ni Ivan.

Kahit na alam ko naman na rinig na rinig niya kung pa'ano ako sinigawan at pinagalitan nang gigil na gigil naming director.

May mali kasi ako sa mga inedit ko na mahalagang article. E' na~print na.

E' di wow.

Mega sigaw si Sir. na akala mo wala ng bukas.

Sinayang ko raw ang project. Libo~libo raw na halaga 'yon.

Inaamin ko mali talaga ako.
Kaya nga habang nagsasalita ang boss ko wala akong imik. Kasi kasalanan ko e'. Kulang nalang sabihin kong, "Sir bibilhin ko nalang po lahat"

Kaso ang nasabi ko lang sorry.

Parang hindi naman matanggap ni Sir yung sorry ko. Ang haba pa ng litanya niya sa akin. Malaki raw ang lugi namin dahil sa ginawa ko.

Ang complacent ko raw. Hindi ako nag~iisip.

Ako na ang complacent!

Mabuti nalang nandiyan si Untouchable, feeling ko pinagtanggol na naman niya ako.

Sabi niya kasi kay sir siya nalang ang gagawa ng paraan.

Hay Ivan na~fa~fall ako lalo. Kaso mas malamang ang feeling disappointed ko sa sarili ko e.

Dahil sa nagawa ko. Pakiramdam ko may hundred storey building na nakadagan sa puso ko. Ang sama~sama ng loob ko dahil sa nagawa ko.

Bakit ako nagkamali?

Aminado naman ako na mali talaga ako.
Kaso hindi ko matanggap na nagkamali ako.

"Grace, alam ko nandito ka? Kumusta ka?" si Irene ang nagsalita.

Kasalukuyan akong nakasandal sa isa sa pinto ng cubicle. Hihinga ako ng malalim nang marinig ko ang boses ni Irene.

"E' di wow" ang sabi ko.

"Pagpasensyahan mo na si Boss Gavin baka may pinagdadaanan lang talaga kaya gano'n ang lumabas sa bibig." ang sabi ni Irene.

Wow a' may pinagdadaananan! Kapag may pinagdadaanan, lahat nalang ng mali sa kapwa makikita gano'n?

"Okay lang ako frend, di ko lang matanggap na nagkamali ako. Actually, lahat naman talaga tayo prone magkamali pero sana hindi nalang gano'n ka~harsh diba? E' kulang nalang sabihin niyang you're fired e" ang litanya ko naman.

Lalabas na ako sa cubicle.

"Akala ko umiiyak ka na ng bongga." ang sabi ni Irene.
"Irene, Friday the 13th ba ngayon?"
"Huh? Bakit?"
"Kotang~kota kasi ako ngayong araw na'to e"
"Naniwala ka naman sa Friday the 13th. Friday ngayon pero hindi 13th."

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon