#Perfect Will

719 26 6
                                    

Copyright 2014

DONNA’S POV

“I have died everyday waiting for you,
Darling don’t be afraid I will love you for a thousand years...

I’ve love you for a thousand years...”

Eto ang tugtog sa sinakyan kong taxi, matapos kong makausap si Grace.

Tumulo na naman ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Alam kong okay na ako. Nalulungkot na lang ako. Oo masakit pa rin pero, at least now I know may purpose ang pain na ito.

Alam ko rin na napatawad ko na si Matt. Hindi ko lang alam kung paano ko siya haharapin at sasabihing napatawad ko na siya. Wala akong lakas.

Mabuti na lang nakausap ko si Grace. Mas pina realize sa akin ni God na may mali rin talaga ako.

Tinitignan ko sa cellphone ang mga selfie namin ni Matt. Masaya naman kaming dalawa. Alam ko rin na mahal niya ako. Talaga lang siguro na naging mahina siya nung time na iyon.

Hindi ko naman pinapaniwala lang ang sarili ko na mahal ako ni Matt. Sigurado lang ako dahil nararamdaman ko na sincere talaga siya na mahal niya ako. The way he told me everything alam kong nagsisi talaga siya sa ginawa niya.

Iyon nga lang everything was ruined.

Iyon yung unang naramdaman ko. Yung dream ko about my life time partner ko, yung plan ko about our relationship, everything was ruined because of his failure.

Yet it was my dreams and plans which become ruined and not the dream and plans of God in my life. Kaya alam ko kung bakit sinabi niyang magmahal ako ng higit pa.

Ako lang talaga ang hindi maka-get over. Pakiramdam ko kahit na lalaki naman si Matt. May nawala pa rin sa kanya.

Kagaya ng tiwala ko. Biglang nawala. Yung dating hindi mo naiisip, ginugulo ka ngayon. Nagmumulto kahit hindi mo nakikita, nararamdaman mo naman.

Pero, ibabalik ko na rin ag tiwala ko, ayokong maging kumplikado pa ang lahat. Mahal ko siya iyon ang totoo at sana yung muling pagtitiwalang gagawin ko, hindi na niya uli sirain.

Napapangiti ako habang tinitignan ko isa-isa ang mga pictures namin sa gallery ng phone ko.

Nag status ako sa FB “throwback of kilig moments” – feeling misses someone sabay pose nung picture namin na magkasama kami sa Baguio. Nakaakbay siya sa akin. Pareho kaming nakangiti.

Mapapangiti rin ako sa ginawa ko, saka mapapahinga ng malalim.

Masiyado ba akong naging maingat Lord, kaya ganito ang nangyari sa amin ni Matt.

Masiyado yata akong nanangan sa sarili kong lakas. Hindi ko tuloy alam kung nasakal ko a si Matt.

Yeah, I have my own standard pagdating sa relationship with opposite sex. Bakit hindi, I’am a princess of God, I need to have a high standard pagdating sa pagpili ng guy. Alam naman ni Matt iyon.

At dahil mahal niya nga ako he meets those standards the best that he can. Kaya nga sinagot ko siya. Pero hindi lang naman yung mga standards ko ang reason, mahal ko talaga siya.

Ang sabi nila masiyado raw akong perfectionist. Gusto ko lahat maayos.

Like my career. Maayos ang career ko as head of HR Department sa isang prestigious company sa Makati. Lately lang ako na promote and pinaghirapan ko iyon. Hindi ko utang sa kahit na kanino kundi kay God lang.

Pero aminado rin ako na minsan I take the glory.

Basta gusto ko in order ang lahat ng bagay sa buhay ko. Marami pa akong goal na dapat kong gawin.

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon