Copyright © Grace Lang, 2014
JONAS’ POV
"OMG! Nag-struggle na naman ako,"
Hindi ko na naman mapigilan. Dati okay lang kahit na anong gawin ko. Boylet, buking, uring. Wit ako kontento na wa-i akong buking at uring sa mga umbaw.
"Friend mamayang gabi ah, its rampage time again. Ateng more more umbaw na naman tayis. I-ready ang sarili." Ang sabi ng beklot kong frend na punum-puno ng pagmamaganda e’ ang kapal naman ng muka niya, kulang nalang kabaong, ready to go na siya. Kausap ko siya before ako pumasok ng opisina, excited ang beklot umaura.
"Well, sanay na tayo jan friend, gorabells na tayis, excited na ako sa mga dakotang ahas no’." Ang sagot ko naman sa kanya, sabay tawa na parang wala ng bukas. Pero, deep inside in my heart may small voice, na dati naman wala. Troubled tuloy ako.
Simula bata palang ako tinatawag na akong bakla ng ibang tao sa paligid ko at ang medyo masaklap pa dun pati ang sariling pamilya ko gano’n din ang iniisip sa kin, kesyo magtatayo daw ako ng parlor paglaki ko at ako raw ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan sa paniniwalang kapag bakla ka e’ successful ka. Good idea sana kaso bakit naman sa ganoong paraan pa. Sa tuwing ganoon na ang usapan sa loob ng aming tahanan palagi akong umiiyak, syempre nang hindi nila alam.
Bakit ako umiiyak? Una, dahil pinagkakatuwaan nila ako, parang hindi ko matanggap na gustong gusto nila akong maging beklot. Pangalawa, kapag sinasabi nila na ako daw ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan, mas lalo kong nakikita kung anong klaseng pamilya ang kinabibilangan ko. Panghuli, alam ko na hindi ako bakla,beklot,beki,bayot,binabae at kung anu-ano pang tawag nila.
Nasabi ko na’to sa sarili ko dati … lalaki ako.
Anu't-ano pa mang pang-aasar ng mga tao sakin nung bata pa ako nanatili akong nanindigan na hindi ako katulad ng iniisip nila. Maraming pagkakataon na kapag nakakakita ako ng mga thunders na beki isa lang ang lagi kong sinasabi,
"Ayokong maging katulad nila."
Hindi ko ginusto, hanggang isang beses nagkaroon ng pagtitipon sa bahay ng isa naming kamag-anak. Selebrasyon iyon para sa kaarawan ng pinsan ko. Sabi ng tatay ko magarbo daw ang handaan kasi seven years old birthday, halos edad ko lang din nung time na iyon. Dahil mahilig si ina na dumalo sa mga okasyon, punta pa rin kami kahit sobrang layo. For the sake of tight family culture daw, may ganun, ganun pa.
Sa bertdeyhan. Masaya ang bawat isa. Inuman dito, inuman doon. Sayawan dito, sayawan doon. Kantahan dito, kantahan doon. Kami namang mga munti ay laro dito, laro doon at siyempre kain dito, kain doon.
Di na napansin ng mga magulang ko na maghahatinggabi na at kailangan na namin umuwi, pero dahil sa sobrang layo ng uuwian namin at delikado na, nagdesisyon sila na magpalipas na lang ng gabi sa bahay ng pinsan ko at bukas na lang ng umaga lumuwas.
Bukod sa amin ay may iba pang mga dumalo na hindi narin umuwi.
Mahimbing nang natutulog ang lahat nang biglang may gumising sakin.
"Huwag kang maingay" ang sabi ng isang lalaking sa tingin ko mga nasa 19 years old na, hindi ko kilala sa pangalan pero ang alam ko kaibigan siya ng kuya ko.At dahil tulog ang lahat bukod sa aming dalawa hindi na nga ako nag-ingay. Magkahalong pagtataka at takot ang naramdaman ko. Nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa banyo. Mas nadagdagan ang takot ko. Anong gagawin namin sa banyo?
At sa banyong yon’ hindi ko malilimutan ang sumunod na mga pangyayari, lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kong anong dapat kong gawin. Sisigaw ba ako o tatakbo na lang ako palayo, pero, bago ko pa man magawa ang alin man sa mga ito ay hinawakan niya ang ulo ko at ang sumunod na….’ yong eksenang hindi naman dapat ginagawa ng dalawang magkaparehong kasarian. Idagdag mo pa ang idea na I’m just seven years old child that time. Alam kong hindi normal gawin ‘yon ng isang batang katulad ko.
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...