#Boring Maging Christian

796 21 1
                                    

GRACE’S POV

Sino ang may sabi na boring ang maging Christian?

 Sino ang may sabi na kill joy ka kapag naniwala ka at nanampalataya ka sa Diyos na buhay? At sino ang may sabi na korny na pag-usapan si God?

Ako!!! Ako ang may sabi neto... noon... noong hindi pa ako believer...

Ang sabi ni Aldin Steinsaltz sa libro niyang “Simple Words”, (nagbabasa din ako pag may time...) maniniwala lang ang isang tao sa isang bagay kung nagpasya siyang paniwalaan ito.

Well, I’m the one who rise and stand for God. Nagpasiya akong maniwla... Oo sa hindi ko inaasahang pagkakataon.

At gotcha!!! Heto na ako ngayon, naaapektuhan at nagpapaapekto sa bawat leading ng Panginoon.

Nadarapa minsan, ngunit nagpapasiya pa ring tumayo... at magpatuloy.

Ganito lang naman yan e’... walang ibang sasabihin ang mga unbeliever kundi salungat sa mga sinasabi ng mga believer. Maniniwala ka ba?

Akala nila hindi masaya maging Christian, akala nila walang thrill, e kasi naman pinili nilang paniwalaan na gano’n nga. Boring nga kasi daw e... hmf! Hart hart....

Anw, Kung isang believer ka, pagpapasya mo na lang din kung maniniwala ka sa mga pinagsasabi ko. Matapos ang ginawa ng Ivan na yun sa akin heto na ako ngayon isang Kristiyano, mananampalataya, believer, ang masaklap pa (ayoko sanang sabihin) Lider!!!

>_________<

Ang sabi ng Mangangaral, i-enjoy daw natin ang buhay dito sa mundo dahil minsan lang ito darating. Nga naman...

Ang totoo lahat na yata ng twist ng buhay; asim, alat, tamis, lungkot, saya, luha, galit, selos, inggit, kaba at kung ano-ano pa... nararanasan din naman ng believer.

Napatunyan ko lang to’... malamang pa to sa teorya.

Ang totoo pa nga nito, dito mararanasan ang tunay na thrill, tunay na enjoyment at excitement ng buhay. Na ang tanging halaga kung bakit ka nag-exist ay hindi para mabuhay ka lang sa pamilya mo, o mabuhay ka para sa syota mo, o mabuhay para sa sarili mo, kundi mabuhay ka para sa Diyos at sa kapwa mo.

Na ang katotohanan ay exciting maging believer, yung tipong ikaw na mismo ang nababaon sa sarili mong problema, mag-aakay kapa para makatayo yung iba.

Saklap hindi ba, parang pakiramdam mo mas masasaktan ka kapag hindi ka nakatulong sa iba lalo na kung “kapatid” mo siya.

Malamang kappa sa mga super heroes.

Makakatalon ka pa upang umawit na Praise the Lord! Maari kang maging malaya at masabi mo sa iba na ganito ako noon, heto na ako ngayon.

Pero take note... depende to’ kung paniniwalaan mo. Marami kasing tinatatawag na believer pero hindi naman naniniwala sa pinaniniwalaan nila.

Maraming tao ang nagbibigay ng maling konotasyon sa paglilingkod at pagmamahal sa Panginoon.

Bakit kailangan nating ikulong ang salitang Christian sa apat na sulok ng simbahan? Sino ang may sabi na bawal ang sluman kapag believer ka? Sinong may sabi na hindi ka pwedeng maglaro ng paborito mong sports? Sino ang may sabi na kapag believer ka, wala kang ibang gagawin kundi magbutas ng upuan sa pagbabasa ng Bibilia? Sino ang may sabi na hindi ka pwedeng ma-inlove at kiligin? Samantalang si Jesus ang unang nagpakita ng pagmamahal at nagpakilig sa atin.... ang totoo manhid ka lang... I include myself pero before iyon hindi na ngayon.

Inlove nga ako ngayon e.

Ramdam ko na kaya ang pag-ibig ni Lord. Amazing, Awesome, Unconditional, Eternal, Unique, Undying, ... dagadagan mo pa ng kung paano Siya sa buhay mo... hindi kita hahadlangan.

Noon, isa ako sa mga nagkukulong sa salitang ito sa apat na sulok ng simbahan, ngunit salamat sa habag ng Panginoon, nalaman kong ang isang believer pala ay nakikipaglaban, nakikipagsabayan sa galaw ng buhay ng tao, kahit sino, kahit saan, kahit anong pagkakataon sumasabay nang napaparangalan pa rin ang pangalan ng Panginoon.

Hindi ito isang palaso na sadyang inasinta saiyo upang masaktan ka at mahirapan. Hindi rin isang sumpa ngunit isang walang hanggang pagpapala na mag-aayos at hindi sisira ng iyong buhay.

Lahat ng believer may kanya-kanyang kwento, katulad din sa telenovela, soap opera, o kahit anong drama, maaari ring sitcom, parang showbiz ang dating o kaya ay pantaserye. May pagkakahawig man minsan sa iba, ngunit nandoon pa rin ang pagkakaiba.

Ang buhay ay isang kwento na iisang Diyos lang ang nagsimula, magpapatuloy at maaring magtapos.

Isang malapit nga sa akin ang nagsabi (hindi si Ivan to a’)

“Ibang klase ang mga writer, lumilikha sila ng mga karakter na hindi naman talaga nila kilala. Nakikilala lang nila ang mga ito, habbang tumatakbo ang kwento. Pero si God, bago ka pa niya ilagay dito sa mundo, alam na Niya ang magiging kwento mo bago ka pa man magsimula, alam Niya na rin kung paano matatapos. “

---------

“O’ ano okay na ba?” Ang tanong ko kay  Irene matapos niyang ibaba ang ipinabasa kong sanaysay...

Talagang kasama si Ivan? Ang nakangiting sabi ni Irene. Tinignan niya ako nang may ibig sabihin. Naku, nang-aasar na naman.

“Alam mo, kung hindi lang si Ivan ang nag pray, at nagdala sa atin sa church hindi siya makakasama dito no.” Ang sabi ko sabay agaw kay Irene ng papel.

“Ang seryoso ng tono mo sa ginawa mo a’ parang hindi ikaw”. Ang dagdag pa ni Irene.

Nagtaka naman ako.

“Talaga ba... impresyon ng nararamdaman ko iyan... parang hindi naman seryoso, tsaka dapat lang naman seryosohin ang bagay na iyan hindi ba... tsaka one year na akong Christian e.”

“Let’s celebrate.. pare-pareho tayo e”. Ang sabi naman ni Irene.

#Serioustone

#SeriousFaith

# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon