#Magpatama ka lang

398 17 4
                                    

Copyright G.L. 2015

GRACE'S POV

#Sundayngayon

Ang sabi ng maraming believer na kilala ko, kapag feeling mo ikaw ang pinatatamaan ng salita ng Panginoon, wag mo na raw ilagan magpatama ka lang. Para raw kasi saiyo yon'.

Noong amateur believer pa lang ako. Wala akong alam sa mga bagay na sinasabi nila. MA at PA. Basta masaya akong mag-church. Alam na kung bakit???? :) 

Wala sa akin ang patama-patama na yan. Kaya nga ilang buwan pa bago ako nagbago ng pananamit, pananalita at saka pag-iisip ko e'. 

Wrong motive nga kasi ako hindi ba?

Pinaka paborito kong part ng service noon at kahit anong fellowship, ay ang praise & worship... hulaan niyo kung bakit?

Ayih!!!!!

^___________^

Tama! Nando'n kasi si Ivan.... bidang -bida talaga siya sa paningin ko e'. Wala akong pakiaalam sa sinasabi ni pastor, ni leader o kahit sinong taong nagsasalita sa unahan noon basta ako, iisa lang ang nasa paningin ko. 

Si Ivan Dave Del Rosario.

Pa'no ako tatamaan e' sa kanya naka-focus ang atensiyon ko.

"Sori na Papsi nagtatapat na ako. Pinatawad mo na sana ako sa kalokohan ko...."

Akala ko naman hanggang gano'n na lang ang lahat.

Pero isang beses sapul na sapul ako. Naka-focus ako that time sa message.

Paanong hindi... si Ivan ang nagsasalita e. Nakakaloka talaga ang lalaking ito. Tindig palang... kaynis!!!

Kaso ang saklap kasi kay Untouchable pa nagmula ang mga salitang 'yon. Grabe!!!!

Isang fellowship yon ng mga kabataan. Siya ang speaker kaya niyaya niya kami na sumama raw kami. Gora naman kami ni Jonas at Irene. Siyempere fresh na fresh pa ang pagkakagusto ko sa kanya e'.  Very supportive ako e.

Kaso noong nagsasalita na siya, aba ang seryoso niya. Mas seryoso pa siya sa natural na pagkaseryoso kung paano ko siya nakilala.

Aba! May mas serious version pa pala si Ivan. Kaynis!!!

Saka ako tinamaan sa mga sinabi niya,

"Baka nandito ka dahil lang sa may crush ka" ... 

Wow a' basag na basag ako. kahit para sa mga kabataan 'yon, sapul na sapul nman ako. HIndi ko na nga lang pinansin na sabay tumingin sa akin si Irene at Jonas e'. Kunwari hindi ako tinamaan  pero ang totoo gusto ko na namang lumubog. BV aba!

"Hindi namatay si Jesus sa krus para lang sa pagsilay mo sa mga crush mo", ang sumunod pa niyang sabi.

E' di wow! Nahiya na ako bigla... at "mga" talaga a'.

So ako ang topic ni Untouchable noong araw na iyon kaya kahit hindi naman nila alam ang motibo ko, pakiramdam ko na-caught in the act ako. Kung nakakapatay lang ang mag sinsabi niya noong araw ding 'yon malamang pinaglalamayan na nila ako.

Parang 'yong babae sa bible lang na nahuli sa pakikiapid at tangkang babatuhin ng mga tao. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
# Scandal of GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon