Chapter 25.

75 1 0
                                    

DANIEL'S POV.

Nandito pa rin kami ni Kath sa tabi ng dalampasigan. Humupa na rin sya sa pag-iyak at huminto na sa pag-inom. Nakahilig sya ngayon sa balikat ko.

"DJ." Tawag nya sakin. "Hmm?" Pagsagot ko. Naka-akbay ako sakanya ngayon at siya naman ay nakayakap.

"Kailan tayo babalik ng Manila?" Tanong nya sakin. "Ikaw? Kung kailan ang gusto mo. Gusto mo na bang umuwi bukas?" Tanong ko sakanya.

Lumalim ang paghinga nya. Hinaplos ko lang ang likod nya. "Oo, marami akong kailangan ayusin." Sagot nya sakin at agad ko namang nakuha ang gusto nyang iparating.

"Magsasampa ka ba ng kaso?" Tanong ko sakanya, naramdaman kong tumango sya.

"Kasama ang Mama mo?" Tanong ko pa. Napabuntong hininga sya.

"Yes." Sagot nya. "Pero Mama mo yun."

"Yes, Mama ko sya. Pero bakit nya ginawa yun?" Pagtanong nya sakin at umupo sya ng tuwid.

"Kath, may mga maling bagay talaga na nagagawa mo dahil lang sa pagmamahal." Sagot ko sakanya. Tinignan nya ako sa mata. Kita ko ang lungkot rito.

"Oo, maling pagmamahal." Pagsagot nya at napayuko sya.

Naramdaman ko umiiyak na naman sya kaya niyakap ko agad sya.

"Tahan na, Kath. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay mag-isip ng mabuti at magpatawad. Yun lang, Kath. Mawawala ang bigat ng nararamdaman mo."

"In time, DJ. In time.." Sagot nya.

KATHRYN's POV.

Nagising na lang ako ng may maamoy ako na masarap na ulam. Kinapa ko ang sa gilid ko ngunit wala akong nakapa. Baka si DJ na ang nagluluto.

Nagtoothbrush at naghilamos muna ako bago pumunta sa kusina. Nadatnan ko naman sya doon na nakatalikod na nagluluto habang naka-apron. Nakaboxers lang sya at walang damit. Hmm.

Unti-unti akong lumapit sakanya at niyakap sya sa likod. Napatalon pa sya sa ginawa ko.

"Wooh! Kala ko minumulto nako dito. Goodmorning baby!" Sabi nya't hinarap ako saka hinalikan ang noo ko. Ngumiti lang ako at ngumiti sya. Alam kong naiintindihan nya na yun kaya bumalik sya sa pagluluto habang ako naman ay patuloy parin sa pagyakap sakanya.

"Thank you, baby." Sabi ko sakanya atsaka ibanaon ang ulo ko sa likod nya. Matangkad sya e.

"Hmm?"

"For eveything you did last night. For not leaving me.." Sagot ko sakanya. Pinatay nya muna ang stove at napagtanto kong tapos na ang niluluto nya.

Hinarap nya naman ako. "Obligasyon ko yon dahil ako ang boyfriend mo. At Mahal na mahal kita kaya ko ginawa yun." Sagot nya ng nakangiti. Napangiti din ako. Nilapit ko ang mukha ko at unti unting pinaglapat ang labi namin.

Idiniin nya ang katawan nya sakin at naipulupot ko ang kamay ko sa leeg nya. Humahaplos ang kamay nya sa bewang ko. Pababa naman sa dibdib nya ang kamay ko.

"Ooops! Tama na. Clingy ng gf ko! Baka kung ano pang makain kong almusal ngayon. Hehe." Pagbitaw nya ay yan ang sinabi nya. Namula naman ako dun at hinalikan nya na lang ako sa noo.

"Tara, kain na tayo. Wala ka pang kain mula kagabe."

Umupo kami sa mesa. Kumuha naman sya ng damit nya at isinuot.

Tahimik akong kumakain pero napansin ko sya di nya pa ginagalaw ang pagkain nya at nakatitig lang sya sakin.

"Stop staring." Sabi ko sakanya saka umirap.

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon