KATHRYN'S POV
Nasa school nako ngayon at wala paring bakas na Daniel ang nagpapakita sakin. Hindi ako nakatulog simula kagabe. Inis na inis nako. Tawag ako ng tawag, text ng text pero walang sumasagot.
Pagkababa ko sa sasakyan agad akong pinagtinginan. Isang linggo din akong nawala.
Ngumiti na lang ako sakanila. Pagkatapos nun ay agad kong pinuntahan ang tropa sa room. Napatayo naman sila agad atsaka bumeso sakin.
"Ano? Wala pa ba si Daniel?" Inis kong tanong sakanila. Umiling lang sila. "Ano bang nangyari dun! Hays!" Pagmamaktol ko.
"Chill, Kath." Sabi sakin ni Miles.
"I can't. Bullshit."
Nagsiayos na kame sa pagkakaupo dahil dumating na ang prof. 10 minutes na ang nakakalipas ng biglang may pumasok.. Si Daniel. He looks so tired. Puyat na puyat ang mga mata nya ni hindi nya man lang pinansin ang prof. at agad na syang umupo sa tabi ko. Hmm.
Tinignan nya lang ako atsaka nakinig na. Nakita ko sya ng pahikab-hikab. Anu ba? Wala man lang bang sasabihin 'to? Hindi man lang ako babatiin? Tsk.
Hinayaan ko na lang na lumipas ang oras. Nagbreak-time na. Patayo na sya at halatang pupuntahan na ang boys. Hindi man lang ako pinapansin.
"Daniel!" Sigaw ko sakanya atsaka sya tinitigan ng matalim. Lumingon sya and he just give me a cold stare.
"Ano bang nangyare ha?! Hindi ka dumating kahapon?! Hindi kapa nagpaparamdam?! Tapos ngayon hindi mo man lang ako papansinin?! Ako nga po pala girlfriend mo!" Sigaw ko sakanya. Buti na lang at kaming mga tropa na lang ang naririto.
"Wag ngayon, Kath." Sagot nya atsaka umalis. Napailing na lang ako sa sobrang badtrip. Putragis lang talaga!
Umalis na kami sa room at pumunta sa canteen, nadatnan namin si Daniel doon kausap si Bianca.
"What are you doing here bitch?!" Tanong ko sa babaeng linta.
"Oh, sige Daniel. Maya na lang. I'll text you na lang.." Sabi nya atsaka tumango si Daniel. Tinignan ako ni Bianca sabay sabing "Ingatan mo."
"Putangina! Ano 'to?!" Sigaw ko kay Daniel ng nakaalis na si Bianca.
"Ano ba, Kathryn?! Yang bunganga mo!" Sigaw nya pabalik sakin.
"Wow ha! Kanina kapa! Inis na inis nako sayo, ano bang nangyayare sayo!?" Tanong ko sakanya.
Nilihis nya lang ang tingin nya.. "Nadatnan ko kayo ngayon magkausap. Tapos mamaya pa daw. Tapos itetext ka pa. Putragis naman, Daniel! Ano na bang nangyayare ha?! Guys, may alam ba kayo dito habang wala ako?!" Tanong ko at isa isa naman silang umiling.
"Ang OA mo naman, Kath. Ganon lang eh." Sagot nya atsaka hinilamos ang mga kamay nya sa mukha nya.
"Ako pa OA ngayon? Sino bang hindi magiging OA kung ganyan ang ipinapakita mo?! Hindi ka nagparamdam tapos ganyan kapa tapos sasabihin mo ako pa ang OA?!"
"Bullshit, Kathryn! Ang ingay mo! Pinagtitinginan na tayo!" Sigaw nya. Nabigla ako don. Binigyan ko sya ng isang malamig na titig..
"Gumagawa-gawa ka ng ganitong gusot. Ngayong kinokompronta kita, saka ka nahihiya. Sabihin mo nga, may iba ka na ba?" Tanong ko sakanya. Nakikipagtitigan ako sakanya.
"Ano bang klaseng pag-iisip yan, Kathryn." Sagot nya.
"Bat di ka makasagot ng diretso?"
"Psh." Atsaka tumingin sa iba. Tahimik lang ang barkada.
"Fine, I'm out of here." Mahinahon kong sabi atsaka umalis. Narinig kong tinawag nila ako. Dahil sa inis ko may nabangga pakong isang babae, nabuhos sakanya ang mga dala nya pero dirediretso parin ako. Nakatingin ang lahat sakin, huminto ako saglit atsaka sila tinignan at pinandilatan ng mata. Umayos naman sila.
Umakyat ako sa rooftop. Huh. Pagkatapak ko palang dito agad ng bumuhos ang luha ko. Tangina. Hindi ako sanay ng ganon sya. Hindi ko naman alam kung anong nagawa ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado ko syang inaway, sinumpong na naman ako ng pagka-badass ko. Pero mas naiinis at galit ako sakanya!
Sobrang cold nya bwisit. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Humiga na lang ako doon sa may upuan at itinakip ang mga braso ko sa mata ko. Nagisip-isip na lang ako. Hindi nako papasok dahil wala na akong gana, baka ano pang magawa ko doon.
Naiirita ako sa bwisit na Bianca na yun. Gusto ko syang sabunutan pero alam kong magagalit si Daniel. Tangina, naiiyak na naman ako.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko...
DANIEL'S POV
Galit na galit si Kathryn nang umalis sya. Binigyan nya lang kame ng isang malamig na titig at tinig. Napatingin kaming lahat ng may mabangga sya, hindi sya nagsorry at nagtuloy-tuloy lang sya. Nakita naming huminto sya at tinignan ang mga estudyanteng nakatingin sakanya. Nakita kong nagsi-ayos ang lahat.. Huh, takot sila.
Shit. Galit na galit ako sa sarili ko dahil ginalit ko si Kathryn. God knows how much I missed her. I want to hug her so tight. Pero hindi ko magawa. Natatakot ako. Nagiguilty ako. Kailangan kong lumayo hangga't di pa maayos. Panigurado magagalit sakin yun kapag nalaman nya ang lahat.
Puyat na puyat ako dahil sa pagbabantay. Hindi parin nagigising si Zharm. Kaya naman nandito si Bianca kanina ay tinatanong nya kung anong oras ako pupunta kay Zharm. Kailangan nya ako sabi ng Mama nya.. Lagi raw kasi itong nagwawala simula ng humingi ako ng official break-up. Hindi ko kasalanan iyon, dahil kailangan ko talagang gawin iyon. Si kath ang magagalit kapag di ko ginawa iyon. Si Kath ang mawawala sakin. Pero bakit ganito? Kailangan pa bang mangyari ang mga 'to?
Miss na miss ko na ang, Kathryn ko. Ayaw ko syang sabihan ng mga ganong salita. Alam kong marupok sya..
"Hoy! Ano bang nangyare sayo ha?! Bat ginanon mo si Kath?!" Tanong sakin ni Kiray. Tumango naman ang mga boys
"Tsk, long story." Sagot ko.
"Kahit na longstory pa yan, makikinig yun! Hay nako ka Daniel! Ginalit mo si Kath!" Oo alam ko, at masama yun magalit.
Tumayo naman ako.. "Inaantok ako."
Sagot ko atsaka umalis. Dumiretso ako sa rooftop.Nabigla ako sa nakita ko. Nakahiga si Kathryn sa upuan nakatakip sa mga mata nya ang braso nya.
Tulog sya. Pero may bakas ng luha sa mga mata nya.. Umiyak sya. Pinaiyak ko sya.
"Pasenya ka na, Mahal ko." Sabi ko atsa hinalikan ang pisngi nyang may luha.
"Miss na miss na kita. Gusto sana kitang yakapin kaso baka magising ka.. Pasensya ka na talaga sa mga nasabi ko. Sana kahit anong mangyari, wag kang susuko. Intindihin mo na lang muna ako ngayon. Mahal na mahal kita, sobra." Sabi ko atsaka hinalikan ang noo nya pagkatapos ang ilong nya at ang labi nya.
May tumulo muling luha sa pisngi nya.. Pinunasan ko iyon atsaka tumayo at umalis na. Napaluha na rin ako. God, I miss her so much. Please, matapos na sana lahat ng problema na 'to.
Alam kong gising ka, Kathryn..at alam kong narinig mo ang lahat ng iyon.
Napayuko na lang ako..
----------------------------------------------
Sorry guys. Tagal ng update. Busy na kase. Comment naman kayo.•pricelessqueen
