Kathryn's POV.
I'm on my way to Tito Mel's house. May something important daw sya na sasabihin. So I decided to go there immediately.
Pagkarating ko dun ay sinalubong naman ako ng katulong nila at sinabing nasa Garden daw si Tito Mel, kaya naman pinuntahan ko siya roon.
"Hey, goodmorning, Tito Mel." Bati ko at bumeso sakanya.
"Kath, iha. Umupo ka muna." Bati nya, batid ko na may hindi magandang balita dahil sa mga mata nya. Tila ba may pag-aalala at may halong lungkot.
"Spill it, Tito.." Sagot ko. Hindi ako mapakali kasi.
"Kath, alam ko na lahat ang nangyari sa pagkamatay ng Daddy mo. Enrique helped me to find out the truth." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya.
"Ituloy mo lang Tito." Sagot ko.
"Kath, hindi tunay na pagkaaksidente ang pagkamatay ng Daddy mo. Dahil hindi naman talaga sya nalasing noong gabing yun. Naikwento ko na sayo iyan. Iniwan nya ko sa bar ng matino pa sya, he wanted to file a case against your Mom and your Tito Albert. Gusto ko syang samahan noon ngunit pinigilan nya ako dahil gusto nya rin daw ang mapag-isa. Hinayaan ko lang sya, dahil 'yon ang gusto nya. And then, that time.. Pagkatapos palang mag-away ng Mom and Dad mo ay nagkita na sina Min at Albert. Pinaimbestiga ko 'yon. And Kath, this the worst. Si Albert ang may pakana sa pagkamatay ng Dad mo. Pinasira nya ang preno ng sasakyan ng Dad mo. Min knew about this all, pagkatapos ng libing ng Dad mo dahil sinabi sakanya ng Tito Albert mo.." Hindi ko mapigil ang sarili ko. Napahagulgol nako sa lahat ng narinig ko. NILOKO NILA AKO.
"Kath, shhhh." Niyakap ako ni Tito at pinapatahan. All along, alam ni Mom ang lahat. How could she do that to me?
"Tito, ang sakit.." Sagot ko at pinapalo ko pa ang dibdib ko.
"Kath, stop."
"Dad, Kath? Baby? What happened?" Biglang dumating si DJ. Agad akong tumakbo sakanya at niyakap siya. Lalo akong napahagulgol ng maramdaman kong hinaplos nya ang likod ko.
"What happened baby? Tell me." Tanong sakin ni DJ. Wala ni isang salita ang lumalabas sa labi ko. Nahihirapan akong magsalita, nahihirapan din akong huminga. Nanlalabo na ang paningin ko..
"Kath. Sshhh. KATH/KATHYY!!" And then everything went black..
DANIEL's POV.
Nahimatay si Kathryn kanina. Hanggang ngayon wala pari syang malay. Naikwento narin sakin ni Dad ang lahat-lahat. Naaawa ako para kay Kath. Mismong ina nya niloko sya.
"DJ.." Napatingin ako sakanya, gising na pala sya. Nilapitan ko sya at hinalikan sa noo.
"Kath, are you okay now?" Tanong ko sakanyan ngunit napailing lang sya at nagsimula na namang umiyak. Ayaw na ayaw kong nakikita syang umiiyak. Sumasakit lalo yung puso ko pag nakikita ko syang ganon.
"DJ, bakit kailangan maging ganito?" Tanong nya sakin. Niyakap ko na sya. "Ssshhhh, lahat ng 'to may dahilan." Sagot ko sakanya. Bumitaw naman sya. Tinignan ako ng diretso sa mata.
"ANO BA KASE YUNG LETSENG DAHILAN NA YAN?! LAGI NA LANG! LAGI NA LANG AKONG NASASAKTAN!! HINDI NA BA AKO PWEDENG MAGING MASAYA!! SAWANG SAWA NAKOOO!!" Sagot nya at saka nya pinagsasabunot sarili nya.
"Kath! Ano ba! Wag mong saktan sarili mo!" Sinigaw ko na sya dahil kitang kita kong nasasaktan na sya. Dumating bigla sina Mama at Papa.
"Anong nangyare, Daniel?!" Tanong sakin ni Mama.
"Ma, si Kath e. Bigla bigla na lang..ugh!" Sagot ko at napahilamos sa mukha ko. Pinuntahan ni Papa si Kath at pinapahinahon. Pinuntahan na rin namin sya ni Mama. Niyakap namin sya at patuloy parin syang umiiyak.
"I want to go home." Biglaan nyang saad.
"Are you sure iha?" Tanong ni Papa.
"Yeah, I want to confront her." Sabi nya saamin. Napabuntong hininga na lang si Papa.
"Samahan mo ko, DJ." Sabi nya at tumingin sakin. Magang maga na ang mata nya. Napatungo na lang sina Mama at Papa. Tinignan ko sila.
"Pa, Ma. Sasamahan ko si Kath." Sagot ko. "Mabuti pa nga anak." Sabi ni Mama. Niyakap muna nila si Kath atsaka na sila lumabas.
"Kath, mag ayos ka ng sarili mo." Sabi ko sakanya. Tumayo sya at pumunta sa banyo. Awang-awa ako sakanya ngayon. Parang hindi sya si Kathryn na kilala ko. Ibang-iba ang nakikita ko sakanya. Puno ng sakit ang mata nya.
Habang nagbabyahe kame ay binalot kame ng katahimikan. Hindi ako sanay na ganyan sya pero wala akong magagawa dahil may pinagdaraanan sya. Nang makarating kami sakanila ay agad syang bumaba, hindi man lang nya ako hinintay..
Nang nasa harap na kami ng gate ay hinawakan ko lang ang kamay nya. Tinignan nya 'ko at ngumiti ng puno ng pait.
"Kaya mo yan." Sabi ko sakanya. At pumasok na kame..
-----------------------------------------
Pabitin! Hihi.
•pricelessqueen
