Chapter 20.

78 3 0
                                    

Kathryn's POV.

At dahil may pasok na ngayon eto ako. Papunta na sa school. Di nako sinundo ni DJ dahil di nako nagpasundo.

Iwas muna. Hangga't di pa kami nagkakaayos. Eh baket ba? Di sya marunong mag-effort.

Pagdating ko sa school, pinagtitinginan nako. As usual, normal naman sakin yan. Pero iba yung tingin nila ngayon.

"Omg, pag nakita nya yun away na naman 'to!"

"Oo nga. Baka magbreak na sila."

"Jusko. Abangan natin kung anong mangyayari."

At dahil curious ako sa pinagbubulungan nila. Nilapitan ko yung 3 babaeng nakakumpol napansin kong napalunok sila.

"Tungkol san ang pinagbubulungan nyo?" Tanong ko.

"Ah--eh. Wala po, Ms. Kath." Yeah. Ms.Kath :)

"Sasabihin mo o hindi?" At tinignan ko sya ng diretso sa mata. Agad naman syang sumagot "Sa Bulletin po." Nginitian ko lang sila at nakita ko namang naging kalmado na sila.

Agad akong pumunta sa Bulletin board. Marami na din tao ang nandun. Ano ba ang meron ngayon? Nang makita nila ako ay naghawi naman sila ng daan sa gitna para madaanan ko.

Parang may tensyon. Nang makarating nako sa harap di ko pa nakikita kung ano meron dahil nandun ang tropa, nakaharang.

"Hey. Anong meron?" Tanong ko.

"Ah-wala. Tara na sis." Hila sakin ni Julia.

"No, anong meron?" Sabi ko at di naman ako nagpahila muli.

Di sila sumagot at tinignan lang ako. Nakaharang parin sila. I feel something wrong about this.

"ALIS!" Sigaw ko sakanila at agad naman silang umalis sa harap.

Nang makita ko na kung anong meron halos maningkit ang mata ko sa nakita ko.

Daniel & Bianca kissing. Meron din sila ni Zharm..

Agad kong hinablot ang mga pictures at umalis agad. Lakad-takbo ang ginawa ko. Halos umakyat na ang dugo ko sa ulo ng makita ko sina Bianca. Agad ko syang pinuntahan..

"Oh, Kath..---" di ko na sya pinatapos dahil agad kong hinila ang buhok nya. Ang tropa naman pinipigilan ako at dahil susugod na sana ang mga kasama ni Bianca ay hinawakan sila ng girls. Now, this is the game.

Hinila ko lang sya at tinadyakan. Pinagsasampal ko pa sya at sinasabunutan.

"Ouch! Stop!" Sigaw nya at sinasabunutan nya na din ako.

"FLIRT! FLIRT! FLIRT!" Sigaw ko sakanya at pinagsasampal sya.

"Tama na, Kath! Mapapatay mo na yan!" Sigaw ni Kuya Neil. Wala padin akong pakielam. Pero hinawakan nako nina Kuya Neil at sina Albie naman ay kay Bianca.

Dahil ayaw kong magpaawat ay nagpupumiglas pako. Nang mabitawan ako ni Kuya Neil ay agad kong sinuntok sa tyan si Bianca "THAT'S FOR KISSING MY BOYFRIEND!!" Sigaw ko at nahimatay naman sya.

Sumigaw naman ang tropa nya at pinuntahan si Bianca.

"Dalhin niyo na sa Clinic yan Albie." Sabi ko. Oh diba? Bait ko parin no. Nagpalakpakan naman ang mga taong nakasaksi.

Hindi pako tapos. May isa pa ;) Nag-ayos muna ko ng sarili at naglalakad na sa corridor kasama ang tropa.

May bulungan na may transferee daw at kung di ka nga naman sinuswerte. It's Zharm. At ayan naglalakad, kasama ang BOYFRIEND KO. Nakacling pa sa braso nya. Hindi ko talaga alam pero agad kong sinugod si Zharm.

Sinampal ko sya at sinasabunutan.

"Awww! DJ, help!!" Sigaw ni Zharm.

Hinahawakan naman ako ni Dj. Pero di nako nagpapigil. Sinigawan nako ni DJ.

"KATHRYN TAMA NA!" Napatigil naman ako dun. Agad nyang tinayo si Zharm. Si Zharm.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw sakin ni Zharm.

"Anong problema ko?! Ikaw! Malandi ka!" Sigaw ko at akmang sasampalin sya pero nahawakan ako ni Dj.

"Tama na sabi eh! Ano bang nangyayari sayo ha?! Bigla ka na lang nang-aaway!!? Akala ko ba nagbago ka na?!" Sigaw sakin ni DJ. Parang tumutusok sa dibdib ko yung mga sinabi nya. Di ako makapagsalita dahil dun.

Napapaluha nako at pinipigilan ko na lang ang luha ko. Hinampas ko sakanilang dalawa ni Zharm ang mga pictures. Nakita ko naman na nabigla si DJ.

"Ah. Kath--i'm." Sinampal ko sya. At nagsmirk ako bago tumakbo papuntang rooftop.

Nang makarating ako sa rooftop ay di ko na maiwasan mapaluha. Si Zharm na naman. Ang sakit nung sigawan nya ako sa maraming tao ng dahil lang kay Zharm. Masakit.

"Kath.." At may yumakap sa likod ko. Alam ko kung sino 'to.. Alam na alam ko.

Agad ko naman pinunasan ang luha ko at tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Dj.

Iniharap nya ako sakanya at "Kath, I'm sorry. Di ko sadyang sigawan ka.. Hindi ko alam na ganun pala yung dahilan mo. I can explain."

"BULLSHIT DANIEL! Hindi mo alam na ganun yun dahilan? Baket?! Sa tingin mo ba basta-basta na lang akong mang-aaway ng walang dahilan?! *sniff*

Huminto naman muna ako at nagpunas ng luha.. "Hindi mo ba alam na kaya inaaway ko sya dahil pakiramdam ko hindi ka na sakin.. Hindi mo ba alam yun ha?! Hindi mo napapansin na lumalayo ka na sakin!? Daniel! Kahit naman gaano pako kasama may softside din ako! Nasasaktan din ako! Yung mga pictures na yun?! Ano yun ha?! Ganyan ka ba talaga?! Kapag wala ako basta basta ka na lang nakikipaghalikan?! Why Daniel?! Hindi ba ako masarap humalik ha?!

I stopped dahil niyakap nya ko. "Sshhh. Kath, sorry. Hindi yun. Maiintindihan mo din. Yung mga pictures wala lang yun. Hindi ko sadya yun."

"Fuck you Daniel! Laging hindi sadya?! Ano itong mga nangyayari na 'to hindi mo din sadya?! Hindi ka ba aware na nasasaktan nako!? Ako tong GIRLFRIEND mo pero ako pa 'tong nakikipagkumpitensya sa atensyon mo!" Nagpunas ako ng luha at ngumiti.. "Ay mali, baka nga nagkabalikan na kayo ni Zharm eh. Dahil wala pa kayong official break up.."

"Anong?! Pano nalaman yan Kath?" Pansin naman ang pagkabigla sa mukha nya.

Ngumiti muna ako bago sumagot.. "Remember Daniel, I have connections. What Kathryn Wants is Kathryn gets. You know me.. Mahal mo pa ba ako?" Tanong ko sakanya.

Tumingin ako sa mata nya. Diretso at walang expression.."Kath.. Please. Wag yan."

"What?! Wag yan?! Gago ka pala eh! Hindi ka pa pala sigurado sa nararamdaman mo!"

"Sorry Kath. Hindi ko na alam.."

Napasmirk ako at tinignan sya. Yung parang old Kathryn lang.."Break na tayo, DANIEL."

"Kath, wag! Ayoko! Hindi mo pa naiintindihan. Kath please, wag!" Atsaka nya ko niyakap.

Kumalas naman ako at sinampal sya.. "Kung gaano ako sa sigurado sayo ay sya namang kabaligtaran ng sayo. Sorry ha?! Sige kay Zharm ka na." At pagkatapos nun iniwan ko na sya.

Agad akong pumunta sa kotse ko at dun binuhos ang lahat ng luha ko.

Pinagpapalo ko ang manibela ng sasakyan. Ipinupukpok ko na din ang ulo ko, nasasaktan ako. Grabe!!

Ipinaharurot ko agad ang sasakyan. Mabilis. Wala akong pakielam. Basta nasasaktan ako.

Diniretso ko lang kahit off speed nako.

Nasasaktan ako.

--------------------------------------------------

Ayos po ba? Please comment po.

•pricelessqueen

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon