Daniel's POV.
Nagising ako sa dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana.
Ang sarap ng tulog ko. Eh katabi mo ba naman ang babaeng pinakamamahal mo? Katabi. Katabi.. Nawawala yung katabi ko!
Asan na si kath?!
Agad akong bumangon at "KATH!"
Una ko'ng chineck yung banyo, wala naman sya. Pero bababa na sana ako ng mahagip ko'ng nakatayo ang isang babae sa veranda. Mahaba ang buhok. Nakamaluwang na tshirt at shorts. Sino pa nga ba 'to? Yung kaninang ikinukwento ko sainyo, ang babaeng pinakamamahal ko. Okay cheese!
Pinuntahan ko sya at niyakap sa likod, ipinatong ko ang baba ko sa balikat nya. Nakapikit pa sya. Naramdaman kong medyo nagulat sya kaya napadilat sya.
Pagkaharap nya sakin ay agad ko syang hinalikan.
"Goodmorning baby." Bati nya saakin sabay ngiti.
"Goodmorning babe. Ang ganda ng gising ko." Sagot ko sakanya.
"Obviously. Nakatulog ka naman ba ng maayos?"
"Yes, sarap matulog lalo na't katabi kita. Sana lagi na lang ikaw yung katabi ko sa pagtulog at ikaw ang una ko'ng makikita sa umaga."
"Cheesy mo. Darating din tayo dyan." Sabi nya sabay kurot sa pisngi ko.
"Kath, forever na ha? Wag mokong iiwan. Di ko kakayanin."
"Syempre naman. Mahal na mahal ata kita. Wag mo din akong iiwan ha?"
"Yes baby. Papakasalan pa kita. Kung pwede nga lang ngayon na eh."
"Haha, excited ha. Tara na nga kain na tayo sa baba. Hinihintay na nila tayo."
Naghilamos naman muna ako bago bumaba. Syempre naman no! Hahaha.
Habang pababa kami nakakapit lang ako sa bewang ni Kath at sya naman ay nakayakap sa bewang ko.
Pagkarating namin sa dining agad naman na napatingin samin ang tropa. Isang makahulugan na tingin ang ibinigay nila.
"What?" Tanong ni Kath sakanila.
"Napagsaluhan nyo naman ba ng maayos ang gabi?" Tanong ni Diego, siraulo talaga 'to!
"Malumot ang utak mo Diegs. Hoy Julia! Wag mo ng sasagutin 'to ha?!" Pananakot ni Kath.
"Joke lang 'to naman. Dinamay pa si Julia." Sabi ni Diego at inirapan naman sya ni Kath.
Kumain muna kami.
"Kath, ready na ba swimsuit mo? Pagkatapos natin kumain magswimming na tayo." Tanong ni Yen.
"Yes." Masayang sagot ni Kath
"Hoy! Swimsuit ka dyan? Di pwede!" Bawal ko kay Kath.
Napatingin naman sya saakin at nagpout.
"C'mon Dj, nasa beach tayo. Summer pa. Wag KJ, minsan lang naman yan. Saka sayo lang naman si Kath eh."
"Hindi pa din pwede."
"Eh? Baby naman. Sige na, ako lang di magsuswimsuit?" Tanong ni Kath sakin at nakapout pa. Aysh! Ang cute nya. Di ko matiis.
"Fine! Basta wag kang lalayo sakin!"
"Ahh! Yes! Thanks babe!" Sabay kiss sa cheeks ko. Okay, namula ata ako. Yung tropa naman pinagtawanan ako..
Umakyat na kami at sinabing magbihis na.
Nauna akong nagbihis kay Kath.
"Oy DJ, tagal ha. Bilisan mo!" Sigaw ni Kath.
Nagsandong itim na muna ako at nagtrunks.
