Chapter 12.

155 3 0
                                        

Daniel's POV.

Nakauwi ako ng may bakas na ngiti sa aking mukha.

Nung hinalikan ko kasi ang pisngi ni Kath parang nakaramdam ako ng milyong milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko at simula nun hindi na nawala yung ngiti ko sa labi ko hanggang sa pag-uwi ko.

"Oh anak, ang saya mo ata?" Tanong ni Mama. Humalik lamang ako sakanyang pisngi at nagmano. Sinuklian ko lamang ng isang makahulugang ngiti ang tanong n'ya.

"Ma! Inlove na talaga yang si Kuya kay Ate Kath!" Sigaw ni Jc na kasalukuyang naglalaro ng Xbox.

"Talaga?! Oh ano kelan ang kasal!?" Masiglang tanong ng aking ina.

"Hay nako Ma! Kasal ka jan? Di pa nga umaamin sakanya eh! Naguguluhan pako!" Sagot ko sabay kamot sa ulo.

Napansin ko naman na nawala ang ngiti sa labi ng aking ina.

"Gago! Naguguluhan?! Aba ayusin mo na yan hangga't maaga pa. Basta ako sigurado ako na inlove ka na sakanya. Ngiti mo palang na yan?! Minsan ko nang nakita yan!"

Minsan n'ya ng nakita ko.. Mukhang di pumasa sa pandinig ko ang nasabi ni Mama, naalala ko na naman kasi ang nakaraan.

"Ay anak pasensya! Hehe. Sige tutulungan kita kay Kath sa pagtatapat! Hehe. Luto muna ako, akyat na!" Tignan mo 'tong Ina ko. Hahaha.

Umakyat nako sa kwarto at naligo na. Habang nasa ilalim ako ng shower di ko parin talaga maiwasan mapangiti t'wing naaalala ko yung pangyayari kanina. Iba na yung epekto sakin ni Kath. Hindi lang 'to basta Crush o Idolize. Hindi na.. Minsan ko na 'tong naramdaman noon.

Si Kathryn kase, napakasimple. Di ko alam pero dun isa yun sa alam ko'ng nagpapakita ng kung ano talaga s'ya. Yung ngiti n'ya na sinasabi ng barkada na ako na daw dahilan ay parang gusto ko'ng maging ako na talaga ang dahilan. T'wing tinititigan ko ang mata n'ya para akong natutunaw at nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking puso sa t'wing nakatitig lamang ako sakanya. Parang iba yung ngayon sa noon. Ibang-iba yung epekto.

Yung tipong hindi pa kami, di pako nakakaamin at nakakasigurado sa nararamdaman ko pero ayaw ko na s'yang mawala pa. Parang di ko kakayanin..

Siguro nga.. Mahal ko na s'ya

"MA!" Sigaw ko habang pababa ng hagdan.

"San ang sunog nak!?" Sigaw naman pabaluk ni Mama. Iba talaga 'to eh, hahaha.

"Ano ba Ma! Walang sunog!"

"Siraulo ka talaga Danilo! Halos mabitawan ko na ang sandok na hawak ko sa sigaw mo. Ano bang isinisigaw mo jan?!"

"Ma, tulungan n'yo ko sa pag-amin sa kanya, magpapatulong na din ako sa tropa.."

"Omg. Ang anak ko, magmamahal ng muli. Huhu, wag mo muna kami iiwan nak ha?!" Talaga naman 'tong si Mama oh.

"Ano ma?! Tutulungan moko o ano?!"

"Aissh! Oo na, bukas na bukas din mag-uumpisa na ang.. OPERATION KATHNIEL!"

KathNiel? Gusto ko yun ah. Niyakap ko na lang si Mama.

Isa-isa ko na din tinawagan ang tropa, nung una nabigla sila sa sinabi ko at inisip na nagbibiro lang ako. Pero bandang huli naniwala din sila. Excited pa nga ang mga girls sa pagpaplano bukas..

Tutal wala naman klase kaya naisipan ko na bukas na bukas din ay gagawin ko na ang pag-amin sakanya.

Sinabi ko sakanila na wag munang maingay kay Kath. Walang pwedeng magpahiwatig sakanya kung ano man ang pwedeng mangyari bukas..

3rd Person's POV.

Kinabukasan.. Nagising si Daniel ng may ngiti sa mukha. Simula kagabi hanggang ngayon ganon parin ang kanyang nadarama. May halong pagkasabik at halong konting kaba.

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon