Kathryn's POV.
Habang kumakain kami biglang nagsalita si Tito Albert.
Stepfather ko.
"Kath, balita ko may inaway ka na naman daw kanina tapos may sinapak ka daw na lalaki, nahimatay pa. Ano na naman b---"
"Pwede ba wag ka ng mangielam? Wala ka namang pakielam talaga sakin eh. Saka kung sesermonan moko pwede wag sa harap ng mga kaibigan ko? Wala ka sa posisyon para pagsabihan ako ng ganyan." Sagot ko sakanya.
Wag na kayong magtaka, badgirl nga diba?
Saka sanay narin naman sila.
"Kath, sinasabi lang naman ng Papa mo na..----" Mama
Syempre pinutol ko ulit sinabi ni Mama.
"Ma, for the ninth time! Hindi ko siya Papa!! Wala ng papalit sa Papa ko!!" Sigaw ko. Naiinis nako e.
Hindi ko talaga gustong tinatawag ng Papa yun. Likeduh? Malaki ang kasalanan nila sakin! Samin ng Papa ko!
Tumayo na lang ako at iniwan sila.
Sumunod naman sakin sina Miles, Julia, Kiray, Yen.
"Kath, uhhmmm. Una nakami ha? Magpachill ka muna girl. Wag ka magpastress masyado, sayang ganda." Miles.
"Sige, Medyo nabadmood lang talaga ako. Bye girls." Tas yun, alis na w/ beso beso pa.
Mayamaya pa may narinig akong kumatok habang nakaupo ako sa kama.
Si Kuya pala.
"Kath.."
"Hmmm?"
"Are you okay?"
"What do you think?"
"Hayyy, taray talaga ng bebe girl ko. Halika nga dito, payakap si kuya."
Lumapit naman ako sakanya atsaka nya ko niyakap.
Ganito kami kaclose. Kung ano yung kalayo ko sa tatay nya ay sya namang kalapit ko sakanya.
Mabait si Kuya Neil.
Nung una ayaw ko din sakanya pero dahil pinaramdam nya talaga sakin kung gaano kasarap ang merong kapatid ayun naging okay naman kami.
"Kath, kelan mo ba matatanggap si Papa?"
Bigla niang tanong out of nowhere.
"Kuya, I don't think na matatanggap ko pa sya. Sorry."
"Nasasabi mo lang yan ngayon Kath. Pero kapag naghilom na yan, alam ko.. Matanggap mo din siya."
"Sana nga kuya. Sana nga.."
"Osige na, matulog kana. May pasok pa tayo bukas. At please, be good girl na. Tamo? Pati lalaki pinapatulan mo."
"Kuya! First time lang yan e. Nakielam kasi."
"Kahit na Kath. Baka gantihan ka nun. Sino ba yun?" Pang-aasar ni Kuya. Eh tropa nya yun.
"Haynako, wala kuya. Sige na. Goodbye! Goodnight! :*"
Sabi ko sabay hug ulit sakanya, siya naman kiss sa noo. Ganyan kame kaclose :)
Naghilamos nako saka humiga.
Matutulog na sana ako ng maalala ko na naman si Papa.
Tumayo ako saka umupo muna sa Veranda ko.
Saka ako tumingala sa langit.
"Pa? Kamusta ka na dyan? Alam mo pa, miss na miss na kita. Bakit kasi agad mokong iniwan Pa? Sabi mo ikaw ang magiging First dance ko sa debut ko? Tapos iinterviewhin mo mga manliligaw ko.." Di ko namalayan tumutulo na pala luha ko. "At saka diba pa? Ihahatid mo pa ko sa a-altar. Pa siguro kung andito kapa ngayon, di ako magiging ga-ganito. Kung sana nandito ka lang para gabayan ako siguro matino parin ako. Pa, balik ka na oh. Miss na miss na talaga kita."
