KATHRYN'S POV.
It's been 3 days.. Gising na si Mama! Yes, gising na sya. Nagkapatawaran na rin kami. Lahat. Maayos na. Ang kailangan ko na lang ay pumunta nyan sa puntod ni Papa.. Noong dumalaw dito sina Tita Karla at Tito Mel ay nagising sina Mama. Masyadong madrama noong araw na iyon. Ang daming kwentong naisiwalat. Pero ang pinakamasaya ay maayos na ang kanya-kanya naming buhay, panatag na pag-iisip, maayos ng pakiramdam.
Bukas ay pwede na ring ilabas si Mama. Si Tito Albert ay nakalabas na kahapon pero nandito parin sya dahil isa rin sya sa mga nagbabantay kay Mama.
3 araw na rin akong hindi pumapasok ngunit nagpadala naman ako ng Excuse letter. Si Daniel naman ay pinapasok ko na rin, noong una'y ayaw nya pa nga, mas gusto nya raw akong tulungan rito pero hindi ako pumayag. Ayaw kong mag-absent sya.
Ngayon, pupunta ako sa sementeryo. Nandoon naman sila Kuya at Tito Albert para magbantay. Pagkapasok ko sa gate ay binati lamang ako ng sekyu rito.
"Magandang Araw, Ma'am! Ketagal nyo rin hong hindi nagpakita rine."
"Oo nga ho manong, sige ho. Pasok na muna ako." Sabi ko at sumaludo naman sya saakin.
Inilapag ko ang bulaklak na dala ko at nagtirik ng kandila. Medyo naalikabukan ang puntod ni Papa, hindi ko rin kasi ito nadalaw ng ilang araw..
"Kamusta na Pa? Pasensya kana hindi na po ako nakakadalaw ng madalas.." Huminto muna ako saglit para huminga ng malalim. "Ang daming nangyari, Pa. Sobra. Alam ko na rin ang lahat. Patawarin mo ako, hindi ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Dahil kilala kita, Pa. Mas gugustuhin mo rin ang magpatawad. Pasensya na, hindi ko agad iyon nagawa. Naaksidente pa tuloy sina Mama." Sabi ko at huminto muna para magpunas ng luha. Hindi ko namalayan iyon. Haha. Ngumiti na lang ako ng bahagya. "Alam kong masaya kana ngayon. Matatahimik na rin siguro ang lahat nyan, Pa. Hayaan mo, pagkalabas ni Mama sa ospital. Bibisitahin ka namin."
Pinunasan ko ang luhang tumulo sakin atsaka na ako nag-paalam.
DANIEL'S POV
"Oh brad, kamusta na si Kath pati ang Mama nya?" Tanong sakin ni Albie. Pauwi na kami ngayon. At sa totoo nga ay pupunta na rin ako sa hospital. Uuwi na raw kasi si Tita Min ngayon.
"Ayos naman na sila." Sagot ko. "Buti naman." Pagsang-ayon ni Albie.
"Osia, mga pare. Una na'ko. Labas ngayon ni Tita Min e." Sabi ko sakanila atsaka nakipag fistbomb.
Sumakay nako sa sasakyan ko at nagdrive papuntang hospital. Pagkadating ko roon ay sya namang pagtingin sakin ng isang Nurse na nagpapacute. Hay nako, hanggang hospital ba naman? Pero kung nakita lang 'to ni Kath? Bali na buto nitong nurse na 'to. Knowing Kathryn, guys.. Haha
Papunta nako sa room ni Tita Min nang tumabi muna ako dahil may itinatakbo sila papuntang emergency room. Babae, duguan..at si Zharm yun. Kasunod nun ang mama nya at si Bianca..
Bigla akong kinabahan sa nakita ko. Hindi na nila ako napansin dahil parepareho silang umiiyak nang dumaan sila. Bakit kasama nya si Bianca?
Sa hindi malamang dahilan, sinundan ko sila. Nakita ko silang hindi pinapasok sa emergency room. Napansin naman ako ng Mama ni Zharm.
"Daniel.." Pagtawag nya sakin at lumapit atsaka ako hinawakan sa magkabilang kamay.
"Ano pong nangyare?" Tanong ko sakanya. Atsaka sya inuupo sa upuan rito na kung saan rin nakaupo si Bianca, puno ng dugo ang damit nya. "Naaksidente sya dahil nagmaneho sya ng lasing.." Sagot ni Tita.
"Pero bakit po? At bakit kasama nya si Bianca?" Pagtataka ko. Napatingin naman sakin si Bianca.."Simula nung humingi ka ng official break-up sakanya, naging ganyan na sya. Ako lang ang lagi nyang nakakasama dahil galit ako sa GF mo! Dinamayan ko sya dahil galit din sya sa GF mo! Ikaw parin ang hinahanap nya, Daniel!" Sigaw sakin ni Bianca. "Nasa Bar kami ngayon. Lasing syang umalis, pinigilan ko sya pero hindi sya nagpapigil. Pupuntahan ka nya Daniel.." Sagot nya.
Napayuko ako. May nasaktan akong babae.. Ngayon nasa malala syang kalagayan ngayon.
"Daniel, kahit ngayon lang. Ang anak ko muna..please" Pagmamakaawa ng Mama ni Zharm. Atsaka umiyak..
KATHRYN'S POV
"What the fuck is wrong with DJ? I've been calling him since 3:00 PM and it's fucking 10 PM!" Pagmamaktol ko kay Kuya! Hindi kasi pumunta si Daniel sa ospital. Sabi nya sasabay sya samin. Pero bakit hindi man lang sya sumasagot sa mga tawag at text ko!
"Ano ba, Kathryn?! Napaka ingay mo. Baka magising sina Mama." Sambit sakin ni Kuya. Nasa Veranda ako ng kwarto ko ngayon at sya naman at nasa kanya. Magkatabi lang kasi ang kwarto at veranda namin.
"Eh kasi naman e!" Pagmamaktol ko. "Bakit di mo tanungin ang mga boys?" Sagot ni Kuya. "Hmm. Oo nga no? May utak ka rin pala kahit papaano." Sagot ko sakanya. Binata nya naman ako ng pop corn na kinakain nya.
Dinial ko ang number ni Albie. Walang sumasagot. I tried again and he answered.
"My God, Albie! Ang tagal mo naman sumagot?! Eh kung emergency na pala yun, edi di ka agad nakatulong?!" Pambungad ko sakanya.
"Ingay naman. Natutulog po kase ang tao!" Pagsagot nya. Nahiya naman ako dun. Naistorbo ko pa, kung ano-ano pa nasabi ko. Akala ko kase hindi pa sya natutulog sa ganitong oras.
"Ano bang kailangan mo?" Tanong nya sakin na medyo bedroom voice pa.
"Si Daniel ba e kasama nyo kanina?"
"Oo, baket? Di ka na inuwian?" Aba't!
"Gago! Hindi kasi sya pumunta sa hospital. Ang sabi nya pupunta sya."
"Nung uwian agad naman syang umalis papunta sa hospital ha? Baka naman nagkasalisihan kayo."
"No, 5 palang naman ang labas kanina ni Mama ha? Bat di sya tumuloy? Kanina ko pa sya tinatawagan pero di sya sumasagot."
"Hmm. Wala na akong alam dyan, Kath." Sagot nya ng medyo humikab pa.
"Ah sige, Salamat. Tulog ka na ulit. Pasensya na sa istorbo."
"Sige, Kath. Bye." Sabay end call.
Bumuntong hininga na lang ako. "Oh ano? San ba?" Tanong ni kuya.
"Wala e, nagpaalam naman daw na pupunta sa ospital."
"Hala, Kathryn. Nambabae yun." Pang aasar ni Kuya. "Ano ba?! Kinakabahan na nga ako e!" Pagsigaw ko sakanya.
"Chill, Sister! May ibang tatawag naman sayo kung may hindi magandang manyari eh. Wala naman diba? Kaya, okay lang yun. Baka may dahilan naman. Wait mo lang 'til morning." Sagot ni Kuya.
"Ewan ko sayo." Sagot ko atsaka umalis na at pumasok na sa kwarto.
Hay nako, Padilla. Kinakabahan nako. Nasan ka na ba?
----------
Sorry natagalan.Comment at vote naman guys.
•pricelessqueen
