Chapter 27.

57 1 0
                                    

DANIEL'S POV.

Papunta kami ngayon ni Kathryn sa Hospital. Ang Kuya nya naman ay nagdala ng sarili nyang kotse. Sakin na pinasabay si Kath.

Naaksidente ang Mama ni Kath at ang Tito nya. Hindi ko alam kung ano ng lagay nila. Pero si Kath, tulala lang. Tila malalim ang kanyang iniisip.

"Baby, you okay?" Tinanong ko sya. Tinignan nya lang ako. Hindi talaga siya palasalita sa sitwasyong ganito. Pero kita ko parin yung takot sa mga mata nya. Pero may kakaiba pa akong nakita...ang pagaalala. Alam ko naman yun, magmatigas man yang si Kathryn, tunay na pusong mamon parin yan. Nilamon lang ng sistema nya ang pagkatao nya dahil sa galit.

Maya-maya'y halos sabay lang kami dumating ni Neil sa St. Luke's Hospital. Dali dali kaming bumaba. Nauna pang tumakbo si Kath. Nagkatanginan kami ni Neil at bahagyang napangiti.

KATHRYN'S POV.

Pagkababa ko sa sasakyan ni DJ, agad nakong tumakbo. Kanina pako tulala't nag-iisip. At alam kong sa sarili kong nag-aalala ako...

"Nurse! Min Bernardo Coleta & Albert Coleta?!" Tanong ko sa Nurse Station. "Kaano-ano po kayo?" Tanong sakin ng Nurse. "Anak kame!" Sabay naming sagot ni Kuya. "Emergency room po. This way Ma'am, Sir." Nag-uunahan kaming tatlo sa pagtakbo. Pagkarating namin roon ay sakto namang labas ng isang Doctor.

"Doc, Kathryn Bernardo.."

"So, ikaw ba ang anak ng mga pasyente?"

"Y-yes, Doc. Kamusta na ang lagay nila?" Hindi nako nagpaligoy-ligoy pa. Nakita ko naman ang bahagyang pag-iling niya.

"Albert Coleta, is okay now. Hindi masyadong malakas ang impact. Pero ang Mama mo.." Napatigil sya ng kaunti. "She's in coma.." Napitlag ako sa narinig ko. Umalis na ang Doctor. Isa-isa kong tinignan si Kuya at si DJ. Unti-unting bumuhos ang mga luha ko.

Pinuntahan namin sa room si Mama. Nagpaalam si Kuya na pupuntahan nya si Tito Albert.

Ang daming mga nakalagay sakanyang kung ano-ano, Kay Mama. I hate, Hospitals.

Agad akong umupo sa tabi nya. Si Daniel naman doon sa sofa.

Tinignan ko ang mukha ni Mama. Puno ng sugat. May benda pa sya sa ulo. Hindi ko talaga maiwasan ang maiyak. Awang-awa ako ngayon sakanya. Ano ba kasing nangyari?

"Ma, anong nang..yari?" Tanong ko habang nakahawak sa kamay nya. Rinig ko ang pagbeat ng machine.

"Kasalanan ko 'to eh!" Sabi ko at saka humagulgol. Pinatong ko ang mukha ko sa kamay nya. Naramdaman ko naman si DJ na pinapatahan ako.

"Kath, hindi mo kasalanan ang nangyari.." Sabi saakin ni DJ. "No, kasalanan kong lahat ng 'to. Nagmatigas ako. Hindi ako nakinig. Pinalayas ko sila. Ngayon eto ang nangyari. Sana nakinig na lang ako sayo.." Sagot ko habang papunas-punas ng luha. Niyakap naman ako ni DJ.

Totoo naman eh, kasalanan ko. Tama sila. Hinayaan kong kontrolin ako ng emosyon ko. Ang sakit makita sya ng ganito. Lahat ng galit ko nawala, napalitan ng awa. Hiniling ko na sana sya na lang ang namatay, pero ngayong nandito na..mas hihilingin kong sana saakin na lang nangyari ito.

Dahil kahit anong mangyari, Ina ko parin sya. Tama sila. Tama si Daniel, Tito Mel, Kuya Neil. Sana nakinig na lang ako sakanila. Edi sana hindi na lang nangyari ito. Hindi sana sya nakahiga sa kama ng hospital na ito. Wala sanang nakakabit nang kung ano-anong aparato sakanya.

-----

"Kathryn.." Naramdaman ko na lang na may tumatapik sakin. Si DJ. Nakatulog na pala ako.

"Kumain kana baby. Hindi ka pa naglunch at dinner." Sabi nya saakin.

"Nasaan si Kuya Neil?" Tanong ko sakanya habang pinupunasan ang mata ko.

"Nandun sa kwarto ng Papa nya. Dumaan na sya kanina dito kaso tulog ka. Dinalhan nya tayo ng pagkain." Sagot nya. "Daniel, anong oras na?" Tanong ko sakanya.

"11 pm na, baby." Nabigla ako sa oras. Kanina pa pala ako natutulog.

"Hindi ka pa ba umuuwi? Baka hinahanap ka na nina Tita Karla. Pagod ka na. Umuwi ka na't magpahinga." Saad ko sakanya at tumayo. Inayos ko ang buhok nyang nagulo na. Kita ko sa mga mata nya ang pagod.

Hinawakan nya ang bewang ko. "Hindi kita iiwan dito, Kathryn. Alam na nina Mama 'to. Pupunta sila bukas dito. Ayos lang ako. Wag kang mag-alala." Sagot nya sakin at ngumiti.

"Pero baka napapagod ka na." Dugtong ko. Hinalikan nya naman ang tungki ng ilong ko. "Ikaw ang magpahinga. Kanina kapa umiiyak. Pati sa pagtulog. Ikaw ang pagod na pagod na. Kaya kain na tayo." Sagot nya. Umupo naman kami sa lamesa rito sa room.

"Sorry, Daniel." Sabi ko sakanya sa kalagitnaan ng pagkain namin. "Huh?" Pagtataka nya. "Kasi hindi ako nakinig sayo. Sorry.." Sabi ko at yumuko. "Kath, hindi mo naman ginusto 'to. Anu ka ba. Kumain ka na dyan." Sagot nya atsaka pinat ang ulo ko.

Nagpapasalamat parin ako sakanya. Hindi nya na naman ako iniwan kahit na tinaboy ko sya.

Pagkatapos naming kumain ay umupo muli ako sa tabi ni Mama. Si Daniel naman ay nakaupo sa sofa, nagcecellphone.

"Ma, ayaw mo pa bang gumising dyan?" Sabi ko habang hinahaplos ang kamay nya.

"Ma, patawarin mo ako.."

"Hindi ko na kakayanin na pati ikaw mawala sa akin. Patawarin mo ako.." Sagot ko. Mahina akong humikbi. Ayaw kong iparinig kay Daniel iyon. Pero huli na pala, nakatingin na pala sya sakin atsaka bumaling ang tingin nya sa likod ko.

Nakita ko roon si Kuya Neil at si Tito Albert..naka wheelchair sya. May benda rin sa ulo at pilay ang isang kamay. May mga iilang sugat.

Napatikhim ako. Nilapitan naman ako ni Daniel.

"Kathryn, gusto ko lang makita si Min. Sana ay payagan mo ako.." Sabi saakin ni Tito Albert. Tinignan ko si Kuya Neil at tumango. Pinuntahan naman nila sa tabi si Mama. Nakikita at naririnig ko ngayon ang paghikbi ni Tito Albert.

Napatingin naman sya saakin. Pinilit nyang tumayo pero muntik na syang matumba kaya nahawakan namin sya.

"Kathryn.." Paninimula nya. "Patawarin mo ako." Atsaka lumandas ang luha sa pareho naming mga mata. Doon pa lang lumambot ang puso ko.

Hinawakan nya ang kamay ko. Tinanguan ko sya at ipinagpatuloy nya ang pagsasalita nya.. "Patawarin mo ako sa lahat ng k..kasalanan ko. Sa pagpa..tay ko sa tatay mo. Sa pagpapabaya kay Min. Patawarin mo ako. Nagtatalo kami ni Min sa sasakyan dahil sa mga nangyayari. Ngunit hindi ko napansing may truck na paparating. Kath..ryn, patawarin mo ako." Napahagulgol ako.

Hindi ko na alam. Sobra akong nasasaktan sa mga nangyayari. Hindi ko na namalayan ang sarili ko, nakayakap na pala ako kay Tito Albert.. Ito na siguro yung oras na sinabi ko kay Daniel.

"Patawarin n'yo rin po ako sa pagmamatigas ko..all along the years." Sagot ko.

"Wala yun, Kathryn. Naiitindihan kita." Sagot nya at ngumiti. Ngayon ko lang syang natitigan ng ganito. Kamukha nya si Kuya Neil. Tinignan ko naman si Daniel at Kuya Neil. Ngumiti sila saakin.

Ang sarap sa pakiramdam. Para nabunutan ako ng kakaunting tinik. Nakapagpatawad na ako. Pero dalawa pa.. May dalawa pakong panghihingian ng tawad. Ako naman ang hihingin ng tawad. Para tuluyan ng matanggal ang mga nakabarang tinik sa dibdib ko. Eto yung sinasabi ni Daniel. Sana ginawa ko ito ng mas maaga pa para sana hindi na humantong ang lahat sa ganitong sitwasyon..

---------
Comment and Vote please.

•pricelessqueen

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon