Daniel's POV.
Last day at mamaya pupunta na kami sa Subic for 3 days.
Nakapagpaalam na kaming lahat. At okay na din naman ako, di ko na naiisip yung nangyari nun.
Hinayaan na namin. Buti nga walang nakabanggit kay Kath nun eh.
"Okay class, goodbye! Enjoy your vacation. See you next school year!" Tumayo na kami.
Masyado'ng excited ang mga girls. Ang ingay nila habang naglalakad kami.
Pasakay na si Kath sa kotse ko ng biglang sumigaw si Yen.. "HEY! Girls, swimsuit don't forget."
"Aye aye, Ma'am!" Sabi ng mga girls at nagsalute.
Swimsuit? Seriously!?
"Magsuswimsuit ka?" Tanong ko sakanya.
"Why not? Hahaha." Napailing na lang ako. Naughty girlfriend.
"Dun tayo sa resthouse namin sa Subic baby." Sabi nya.
"Meron pala kayong resthouse dun. Osige."
"Yeah. Baby, pagkauwi mo ayusin mo na gamit mo ha? Kahit 7 palang tayo aalis punta ka na agad samin ha? Para di ka na nila daanan." Sabi ni Kath. Sus, agad lang akong namimiss nito. Haha!
"Mamimiss mo lang ako kaagad kamo."
"Syempre naman. Haha!"
"O kaya Kath diretso na tayo samin? Para di nako matagalan sumama kana. Tapos diretso na tayo sainyo."
"Oh sure! Yey!" Para naman syang bata. Pero ang cute nya.
"Oh andito na tayo."
Pinagbuksan ko sya ng pinto. Gentleman ako no!
Agad naman kaming sinalubong ni Mama.
"Hi Tita!" Bati nya kay Mama at humalik sa pisngi nito. Ganon na lang din ang ginawa ko.
"Hello Kath, kamusta kana anak?"
"Okay lang po Tita, kayo po ba?"
"Ayos lang naman. Oh, magsusubic kayo diba? Behave dun ha?" Sus, mama talaga. Hahaha
"Syempre po. Ah tita, samahan ko muna pong mag-ayos ng gamit sa taas si Dj."
"Sige nak."
Umakyat na kami at habang paakyat kami "Behave daw baby." Natawa ako dun.
"Kung makakapagpigil." Kinurot nya naman ako sa tagiliran.
"Pervs!" Tumakbo naman sya agad dahil alam nya na kung ano ang susunod na mangyayari.
Hinabol ko sya hanggang sa makarating na sya sa kwarto ko.
Wala na syang ibang mapuntahan kaya papalapit ako ng papalapit sakanya at sya naman ay paurong ng paurong.
Nasandal na sya sa pader. Papalapit ako sakanya ng nakasmirk pa. Kinorner ko sya sa dalawa kong kamay.
KATHRYN's POV.
Woaaah. Ang lapit ni DJ. Kissing distance. Choss!
Nacorner nako sakanya.
"Sinong pervert ha?" Tanong nya at mas lalo pa nyang inilapit ang mukha nya. Aba!
"Wa-waaala. Baby uy!" Utal kong sagot sakanya. Nagsmirk naman sya at inamoy-amoy ang leeg ko.
Mayamaya hinahalikan nya na pala ito.
"Uy DJ, tigil na. Baka dumating si Tita Karla."
"Hmmm, di yan." Patuloy parin sya sa paghalik sa leeg ko. Mayamaya ay lumipat ito sa mukha ko. Bawat parte talagang hinahalikan nya. Hanggang sa mapunta na sya sa labi ko.
