Chapter 24.

73 1 1
                                    

KATHRYN's POV

Magkahawak kamay kaming pumasok ni Daniel sa bahay. Naabutan ko ang aking ina at ang kanyang magaling na kalaguyo na masayang nagtatawanan sa sala.

Napahinto sila ng makita kami. "Oh Kath, Daniel. Andito pala kayo." Sabi sakin ng magaling kong ina. Palapit na sana sya sakin para hagkan ako pero nakatanggap lang sya ng isang malutong na sampal.

"Kathryn!" Sigaw sakin ng lalaking pumatay sa Tatay ko. Napahawaka sa pisngi ang magaling kong ina. Tinignan nya ko ng maluha-luha sa mata. Binitawan ko naman ang kamay ni Daniel.

"Anong nangyari sayo Kathryn?! Bat moko sinampal?!" Tanong ng magaling kong ina. "You deserved that slap, bitch!!" Sigaw ko sakanya at nag umpisa ng magunahang tumulo ang mga luha ko.

"Kathryn! Ano bang nangyayare sayo ha?!" Sigaw ni Tito Albert. Nabigla naman ang magaling kong ina sa sinabi ko. Napangisi ako.

"Huh. Gago ka, Albert!! Mamamatay tao ka!!" Sigaw ko sakanya at pinaghahampas sya. Hinawakan naman ako ni Daniel ngunit hindi nya ako naawat. Napahinto ako ng sampalin ako ng magaling kong ina.

"Wala kang galang! Hindi naman kita pinalaki ng ganyan ha?! Ano bang nangyayare sayo?!" Sigaw nya sakin habang hawak-hawak ako ni Daniel.

"What?! Magpapanggap pa ba kayo?! Ha?! I knew everything!!! Siya ang pumatay sa ama ko at alam mo yun!!!" Sigaw ko at tinuro Tito Albert.

Napatakip ng bibig ang magaling kong ina. Umiiyak na rin sya at halata naman sa mukha ni Tito Albert na nabigla sya. "Hindi totoo yan!" Sigaw nya. "Anong hindi totoo?! Pinaimbestiga ko ang kaso ni Dad. At lumabas na ang katotohanan, magsisinungaling kapa ba?! Wala kang hiya!! Wala kang kwenta!! Mamamatay tao ka!!" Sigaw ko at pinagsasampal sya. Hindi na sya nagpaawat. Aba, dapat lang.

"Kathryn..anak."

"Wag mokong tatawaging anak!! Dahil kahit kailan hindi ka naging ina sakin!! Bakit mo nagawa sakin yun ha?! Sakanya?! Kay Dad?! Ganyan ka na ba kalandi para pagtakpan mismo kasalanan nya para magkasama lang kayo ha?!! Paano?! Punyeta sumagot ka!!" Sigaw ko at nabigla ang magaling kong ina.

"Ayo-k-o lang masira lalo ang pamilya natin. Mahal na mahal ko si Albert." Sagot nya. "AYAW MASIRA?! Eh ano sa tingin mo ang ginawa mo!? HINDI BA'T SIRANG SIRA NA?! LETSENG PAGMAMAHAL YAN!! HINDI NAMAN KARAPATDAPAT ANG PAGMAMAHAL MONG YAN!! WALA KANG KWENTA!!" Sigaw ko at lalapit sana sya at yayakapin ako. Ngunit sinampal ko ulit sya. Tinanggal nya naman iyon.

"Sana ikaw na lang ang namatay!!" Sigaw ko at lumuhod naman sya sakin at niyakap ang mga tuhod ko.

"Kathryn, patawarin moko!!! Mahal na mahal kita anak!" Saad nya sakin. Ngunit tinanggal ko lang ang mga kamay nya sa tuhod ko. "Mahal?! Ganito ba ang sinasabi nyong pagmamahal?! Ang maglihim sakin ha?! Magsasampa ako ng kaso sainyo!!" Sabi ko at turo sakanilang dalawa. Lumapit naman sakin si Tito Albert.."Kathryn, wag mo namang gawin 'to. Matagal na yun." Lalo akong nag-init sa sinabi nya.

"Matagal?! Oo matagal na yun! Pero ang hustisya kailan man hindi mawawala!!" Sagot ko sakanya.

"Anong nangyayari dito?! Kathryn?! Ma?! Pa?!" Sigaw ni Kuya Neil ng nakita kami sa sala. Tinignan ko lang sila isa-isa.

"Tanungin mo ang magaling mong Ama, Kuya. Pati na rin ang nagmamagaling mong ina." Sagot ko. Atsaka hinili si Daniel sa taas.

Pagkapasok namin sa kwarto ay agad akong napaupo sa sahig at napahagulgol. Hindi ko alam kung san ko nahugot lahat ng sinabi kong iyon.

Niyakap na lang ako ni Daniel. Kahit papano nagpapasalamat ako dahil nandyan sya at hindi nya ako iniiwan.

"Tahan na Kath.. Shhh."

"Daniel, take me please." Sabi ko sakanya. Napatingin naman sya sakin. "Ilayo moko dito." Dugtong ko pa.

Tinayo nya ako at lumabas na kame. Nagkatinginan kameng 3. Nilapitan ako ni Kuya Neil. "Im sorry, bunso. Pupuntahan na lang kita bukas." Sabi nya at hinalikan ako sa noo. Hindi ko magawang magalit sakanya dahil alam kong totoo sya.

"Saan kayo pupunta nak?" Tanong ng aking magaling na ina. "Wala ka ng pakeelam doon." Sagot ko at umalis na kame.

DANIEL's POV

Nakatulog na si Kath sa byahe. Ginising ko na sya ng makarating na kami sa Tagaytay, Oo. Dinala ko sya sa Tagaytay, dito sa Resort namin. Para makapag unwind sya at tahimik naman dito.

"Nasan tayo?" Tanong nya at papikit-pikit pa ang mata nya.

"Nasa Tagaytay tayo, sa Resort namin." Sagot ko at hinalikan sya sa labi kahit saglit lang. Tumango naman at ngumiti kahit alam kong may halong sakit ang ngiti nyang yun.

"Tara na?" Bumaba na kame at kumuha ng room. Isa lang ang kinuha ko dahil minarapat ko na samahan sya at baka ano pa ang gawin nya sa sarili nya.

Pagkarating namin sa room namin ay agad syang umupo sa kama.

"Kath, maghihilamos lang ako ha?" Sabi ko sakanya at pinuntahan sya saka hinalikan sa noo.."Wag kang aalis." Tumango naman sya.

Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas nako. Siya naman ang sumunod na naghilamos. May mga damit naman dito.

Nang natapos na sya ay wala parin syang masyadong kibo. Humiga lang sya sa tabi ko at tumagilid.

"Baby, how's your feeling right now?" Tanong ko at niyakap sya. Humarap naman sya sakin at niyakap din ako pabalik. Ngumiti lang ng pilit at binaon nya na ang mukha nya sa dibdib ko. Hanggang sa makatulog na kame..

Madaling araw ng magising ako. Naramdaman kong wala na ang yakap-yakap ko. Agad akong tumayo at hinanap sya sa banyo.

"Kath?!" Wala naman sya. Nagsimula nakong magpanic. Lumabas nako at nagtanong-tanong sa crew.

"Nakita nyo ba yung babaeng kasama ko kanina?!" Tanong ko sakanila.

"Ah oo, Sir. Lumabas. Kumuha pa nga po ng wine sa Bar e." Sagot nya at tumango ako.

Agad akong tumakbo sa dalampasigan. Hinanap ko sya.

"KATH! KATH! ASAN KA NA BA?!" Sigaw ko. Mayamaya lamang ay nakita ko sya. Nakaupo sa tabi ng malaking bato sa may tabing dagat. Pinuntahan ko agad sya at niyakap patalikod. "Ano ka ba? Bat di ka nagpapaalam?" Tanong ko sakanya. Humarap naman sya sakin at nakita kong umiiyak na naman sya.

"Alam mo shana pinatay na lang din nila ako e. Kashi ang shakit shakit na. Shobrang shakit." Sagot nya at pinapalo nya pa ang dibdib nya. May hawak naman syang isang bote ng wine sa isang kamay nya. Kinuha ko iyon. Lasing na sya. Kukunin nya pa sana "No." Mabilis kong tugon.

"Ilabas mo lang yan. Hindi mo kailangan uminom." Sagot ko.

"I always wanted to have a perfect family. At nangyari naman yun noong bata pa ako. Ang saya saya ko nun, eveytime na nakikita ko silang naglalambingan.." Huminto muna sya at pinunasan ang mukha nya na basang basa na dahil sa luha. "Napapangiti na lang ako pag nakikita sila. Wala nakong mahihiling dun. Until nung dumating sya. Sinira nya ang pamilya ko. Pinatay nya ang Dad ko.." Sabi nya at napayakap sya sa tuhod nya. Lalo ko na lang hinigpitan ang yakap ko sakanya.

"My sadness is killing me, slowly.." Sabi nya at napaluha na rin ako. Sobra na akong nasasaktan para sakanya at sa mga sinasabi nya.

"Kath, nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita." Sabi ko sakanya at hinalikan sya sa noo.

"Promise ha? May tiwala ako sayo. Wag mong sisirain yun." Sagot nya at tumango naman ako at hinalikan sya sa labi. Punong puno ito ng pagmamahal ngunit dama ko parin ang sakit na nadarama nya. Nagkatitigan kami at nagdikit ang noo. Ngumiti sya sakin.."Don't leave me, ikaw na lang ang lakas ko. Ikaw na lang ang mayroon ako.." Saad nya.

"Promise. I won't leave you. I will help you to get through this all." Sagot ko naman ay kami'y nagyakapakan.

Promise Kath...

--------------------------------------------
Okay po ba sya? Ugh. Thanks readers. Comment naman kayo.

•pricelessqueen

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon