Chapter 9.

110 2 0
                                        

Daniel's Point of View.

Andito na kami ng tropa ngayon sa canteen. Humingi ng pasensya si Kath sa nakita ko'ng pangyayari kagabi. Kinantyawan pa nga s'ya ng tropa dahil parang first time palang nilang narinig humingi ng SORRY ang badgirl.

"Ah guys. Birthday ni JC ngayon, pinapaimbita kayo ni Mama."

JC, kapatid ko. 3rd Year College na yun.

"Sasama ka ba Kathryn?" Tanong ni Julia sakanya.

"No." Tipid sumagot. Bat di naman sya sasama kaya?

"WHYY?!" Sabay-sabay tanong ng girls.

"Wala ako sa mood." Cool nyang sagot.

"As always." Sagot ni Julia.

"Kami na lang sasama guys, di naman sasama si Kath eh." Sagot ni Miles.

"Kath? Ayaw mo ba talaga. Mamaya pa naman 8 yun eh." Di ko alam kung bakit nasabi ko 'to. Parang gusto ko nandun sya. Hueee! Corny :3

"Bakit kailangan nandun ako? Di ko naman kilala kapatid mo." Taray mo Kath. Pasalamat ka. Aynako!

"Di mo nga kilala pero makikilala mo na din at pinapaimbita na din kayo ni Mama. Gusto nyang makilala ang mga bago ko'ng friends. Right guys?" :)

"Fine. Psssh. Una nako sa room." At saka na sya umalis. Moody right? Pero buti na lang pumayag talaga sya. Parang napuno ng saya yung nadarama ko nung pumayag sya kahit pataray. Haysss!

Sumunod na din kami sa room. As usual, pinagtitinginan. Nagsama-sama ba naman ang mga sikat sa campus. Boompanes! :D

Napansin ko si Kathryn, tahimik pa din. At dahil seatmate ko s'ya, kinausap ko na din.

"Okay ka lang ba Kathryn?"

Tumingin lang sya sabay irap.

"BOOMSNOB!" Sigaw ng tropa (boys). Nakita pala kame. Nagdeathglare na lang ako sakanila.

"Uy Kath, sungit naman oh."

"Okay lang ako. Manahimik ka na dyan."

"Okay." Sagot ko at umayos na ng upo.

Nag-umpisa na ang klase at nakinig na lang ako. Pansin ko, di nakikinig si Kath. Lutang yung isip nya. May problema kaya s'ya?

Kathryn's Point of View.

5 pm na. So uwian na.

"Kath, daanan namin kayo ng tropa by 7:15." Tumango na lang ako.

Aalis na sana ako kaso bigla ko'ng naalala yung kung ano ang isusuot.

"Wait guys!" Napatingin naman sila.

"Ano bang isusuot?" Nagtinginan naman sila.

"Oo nga Dj, ano bang theme?" Tanong ni Julia.

"Formal. Dress will do." Sagot nya at umalis nako.

Bastos ba? Hehe. Ganyan talaga.

Pagkarating ko sa bahay saka naman sumunod si Kuya Neil.

Napansin nyo ba? Magkayear lang kami ni Kuya Neil. Well, tumigil kasi siya ng 1 year nung nahiwalay Mama nya. Di nya nakayanan eh.

"Sis, may isusuot ka na ba?"

"Wala pa nga eh kuya, biglaan naman kasi. Saka ayaw ko naman talaga sumama."

"Hey, tawagan ko na lang yung designer natin. What color do you want?" Sweet ni Kuya.

"Black. Tube will do, sabihin mo yung di gaanong maiksi. Alam na ni Dei ang taste ko."

"Okay, I'll call him/her? Errr!" Nagtawanan kami ni Kuya. Bakla kasi si Dei, yung designer namin.

"Thanks Kuya." Saka na lang ako ngumiti.

"Ikaw Kath ah, palangiti ka na ngayon."

"Totoo ba yun Kuya? Bat di ko napapansin?" Kung makatanong ako parang ang inosente ko ano? :)

"Oo Kath, minsan nga napapangiti ka na lang bigla eh. Lalo na pag nakatingin ka kay Dj. Matanong nga kita, may gusto ka na ba sakanya?"

"Omg kuya, yak! Shut up. Bye!" At saka ko sya iniwan.

Pumunta nako sa kwarto at naligo, pagkatapos ko'ng naligo pumunta nako sa Salon sa bahay. Yeah, meron kami para di na hassle sa pagbabyahe. Meron na din naman taga-ayos eh.

Nandito na din yung damit ko. Maganda sya. Magaling talaga si Dei. Kaya favorite ko sya eh.

Nagsimula na syang ayusan ako at habang inaayusan ako di ko maiwasan mapaisip..

"May gusto ka na ba sakanya?"

May gusto na nga ba ako sakanya? Hell.

-----------------------------------------------------

Short update naman muna. Comment na po sa mga nakakabasa, para alam ko mga feedbacks nyo. Thankyou!

•pricelessqueen

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon