Kathryn's POV.
Months has passed. Naging okay naman ang relasyon namin ni DJ.
Pero di nya ako nasundo ngayon dahil may maaga silang practice sa basketball. Varsity kasi sya ng team, kasama nya ang mga tropa kong boys. Naks, KO.
Sabi naman nya ay sasabay daw sila samin sa lunch. So, andito na kami sa cafeteria ng girls at hinihintay sila.
Alam niyo ba na si Diego ay sinimulan ng ligawan si Julia? At si Kuya Neil naman ay nagtapat na kahapon lang kay Yen at nililigawan na ito. Si Miles, steady naman muna pati si Albie. Sina Kiray at Ejay ay going strong naman.
Di na din ako nakipag-away simula nung last. Kahit na lagi akong may naririnig lalo na kina Bianca. Nagawa kong kontrolin ang sarili ko.
Medyo umaayos na din kami ni Mama. Pero kay Tito Albert? Wag na kayong umasa. Hindi pa din nahahanap ni Tito Mel kung ano talaga ang tunay na dahilan kung bakit naaksidente si Papa, pero malapit nya na daw ito'ng malaman.
Napansin ko'ng may umupo sa tabi ko. Nandito na pala sila. Nakita ko si DJ at agad ko naman syang binigyan ng tubig. "Baby, oh." Inabot ko sakanya yun at kinuha nya naman.
Yayakapin nya na sana ako pero pinigilan ko sya. "Hep! Pawis pa, palit ka muna." Binigay ko muna sakanya yung extra shirt nya. Naghubad sya sa harap ko. Mygod! My innocent eyes. Ang ganda ng katawan nya.
Napansin ko naman na nakatingin sakanya ng malagkit yung mga babaeng nasa cafeteria. Pinanlisikan ko naman sila ng mata at biglang binawi ang tingin sa boyfriend ko.
Pinunasan ko muna ang likod nya.
"Grabe, alagang-alaga ka kay Kath ha DJ." Sabi ni Diego tumingin naman ito kay Julia at sabing "Ako din Juls, bihisan moko." Natawa kami dun at kinurot ni Julia si Diego. Nailang pa ang loka.
Nagbihis na si DJ at yumakap na sakin. Nakakapit sya ngayon sa bewang ko.
Kumakain kami pero sya di man lang ginagalaw ang pagkain nya. Tahimik lang s'yang nakayakap sakin at nakapatong ang ulo sa balikat ko.
"Hey, DJ. Kain kana." Umiling naman sya.
"May problema ba?" Umiling ulit sya.
"Oh, kumain kana dito."
"DJ, ano ba? Kumain kana sabi eh." Hindi parin sya kumikibo. Pansin kong tahimik sya simula ng dumating ito.
"Hoy Diego! Anong nangyari dito?!" Tanong ko sakanya.
"Ano kase ahmm. Ahhh." Hindi nya matuloy-tuloy dahil pinanlakihan s'ya ng mata ni DJ.
"Anong meron ha? May itinatago ba kayo sakin? Oy Kuya!"
"Ano sis? Wala aaah." Umiling naman sya at isa-isa ko'ng tinignan ang mga boys. Umiling lang din sila.
"Siguraduhin niyo lang. Hoy! DJ! Kumain kana, magagalit ako sayo sige ka!"
Umayos naman sya ng upo at nag-umpisang kumain.
"Kailangan ka pa palang takutin eh. Parang bata. Hahaha." Asar ko sakanya. Siya naman ay tumingin lang ng diretso sakin.
"Kath, may tiwala ka naman sakin diba?" Tanong nito.
"Syempre. Bakit ba?"
"Basta kahit anong mangyari o malaman mo. Pagkatiwalaan mo lang ako, wag kang maniniwala sa mga sabisabi ng iba. I love you."
"Pinagsasabi mo dyan? Hahaha. Oo na po, i love you too." Nakatingin lang samin ang barkada. Yung boys talaga iba ang tingin eh. Nakakapagtaka 'tong mga 'to.
