KATHRYN's POV.
Papunta na kami ngayon sa tropa. Kakain na kami eh.
Natanaw ko na sila, yung boys lang ang may ginagawa? How come? Haha.
Pagkadating namin dun ay nagtinginan kami ng girls. Parang alam na nila..
"Pagsisilbihan daw nila ang mga prinsesa." Sagot ni Yen. Natawa naman ako dun habang nakayakap padin sa bewang ni Dj.
"Hoy Daniel! Mamaya na labing-labing! Tumulong ka muna dito!" Sigaw ni Diego. Nag-iihaw kasi sya. Natawa naman kami dun.
"Puntahan ko lang para manahimik na." Sabi ni Daniel at tumango naman ako. Hinalikan nya ang noo ko at tumakbo. Habang tumatakbo sya bigla syang sumigaw.. "Mamimiss kita!" Natawa na lang ako dun at umiling.
Bigla na naman sumigaw si Diego, medyo malayo kasi sila samin. "Oy, Kath! Galing ha?! Dami neto!" Sabi nya sabay turo sa leeg ni DJ. Nagtawanan naman kaming lahat dito.
"Di makapaghintay ha?" Sabi ni Julia. Hinampas ko naman sya.
"Para fair lang." Sagot ko.
"Hahahaha! May nangyari na ba?" Tanong ni Yen.
Namula naman ang mukha ko dun. "Aysh Yen! Ano ba yan!? Wala no! Nakakahiya naman yang tanong mo." Sagot ko at nagsitawanan naman sila.
"Pavirgin." Sagot ni Kiray. Sinamaan ko na lang sya ng tingin.
"Wala naman kasi eh." Sagot ko.
"Hahaha, okay! Binibiro ka lang namin. Wag muna kayo gagawa ha? Masyado pang maaga!" Sabi ni Yen.
"So mamayang gabi pwede na?" Nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko. Si DJ pala, isa pa 'to eh.
"Hhmmm. Kung gusto ni Kath?" Sabi pa ni Yen.
"Ayy! Manahimik nga kayo!" Suway ko sakanila.
"Gusto mo ba baby?" Sabi naman ni Dj at inilapit ang mukha sakin at nagsmirk.
Inilayo ko naman at "Heh, wag kang tatabi mamaya ha!?" Sagot ko.
"Joke lang, eto naman. Kain na tayo."
Kinuha nya naman ano. Isang plato. Isang plato?
"Teka DJ, isang plato? Asan ang akin?"
Hindi nya naman ako tinignan at patuloy lang sa pagkuha ng pagkain.
"Huy." Wala parin.
"Bahala ka nga." Tatalikod na sana ako ng hilain nya ko.
"Engot mo talaga. Kala ko gets mo na. Malamang share tayo." Sagot nya.
"Engot huh?"
"Labyuuu! Lika na!" At ayun nga.
"Subuan na kita." Sabi pa nya.
"Eh? Wag na."
"Subuan nga kita." Kulit mo Dj.
"Ayaw ko nga." Sagot ko.
"Okay, di na lang ako kakain." Sabi nya at tatayo na sana pero pinigilan ko.
"Emotero. Oo na." At naglighten up naman ang mukha nya at ayun nga. Sinubuan na'ko. -____- Nahihiya ako. Shit. DJ kasi eh, makulit. Inaasar tuloy kami ng tropa.
Pagkatapos namin kumain napagpasyahan namin ng tropa na maglakad-lakad. Napunta naman kami sa souvenir.
Habang namimili ako, humiwalay muna ako kay Dj. Ang ganda kasi nung nakita ko. Bracelet sya. Ewan pero parang espesyal sya sa paningin ko. Panglalaki nga lang. Kaya binili ko na. Ibibigay ko 'to kay DJ. Pero di pa ngayon.
