Kathryn's POV.
Hindi ako masyadong nakatulog ngayon. Kaya eto naman, badmood.
Sabagay, lagi naman akong badmood eh. Jackpot na nga daw pag nakita nila akong ngumiti.
Simula kasi nun, di nako palangiti. Ang laki na daw ng pinagbago ko. Pero wala naman silang magawa dun.
Ginawa ko na mga morning rituals ko. Tapos sumakay nako sa kotse ko.
Yeah, may sarili nakong kotse. 17 palang ako pero may student's license naman ako.
Dodge challenger to mga pre. Kaya nga agaw eksena eh, dalawa lang kaming merong ganito sa school.
Yung isa ata si Daniel Pa? Ewan! Basta Daniel!
So eto na, habang nagmamaneho ako. Nakasabay ko pa sa daan yung isa pang may dodge challenger.
"Hi kath!" Sabi ni..
Ay shoot! Si Daniel nga to. Daniel Padilla. Yung nasapak ko. :O
Gago to ah. Kita ng nagdadrive. Pag kame nabunggo nito. Aissh!!
Nagsnob na lang ako tapos pinaharurot na yung kotse ko. Feeling close sya e.
Daniel's POV.
Grabe. Maldita talaga tong babaeng to.
Nagsnob ba naman? Argh.
Pero bakit ba ako affected? Aysh.
Bilis niya magpaharurot. Babae ba talaga yan?
Baka mabangga pa to. Ay naku!
Ha? Ano daw? Concern daniel?!
Aysh. Di ko namalayan, nandito na pala ako sa school. Halos magkasabay lang naman kame.
"Yoh pre! Buti nagkasabay kayo?" Albie.
"Wala lang. Trip ko sya ngayon e." Sabi ko.
Oo, maganda mood ko. Balak ko syang pagtripan. Mukhang ako lang ata katapat nito e. Haha loljk.
Sabay sabay kaming naglalakad. Si Kathryn naman, ayun! Kasama na tropa nya.
Alam niyo kung makikita niyo lang si Kath ngayon? Ang cool nya. Ganito kase yan.
Hindi kami naguuniform ngayon, kaya eto suot nya.
Naka-rayban sya mga pre. Tapos Vans na Black. Nakaskinny jeans then nakawhite na V-neck plain shirt. Diba astig?
Ang simple nya lang. Pero di marunong ngumiti eh.
Teka, bat ko nga ba sya dinidescribe?! Ano ba to! -.-
"Oy brad! Ano? Titig na lang kay Kathryn?! Tinamaan na ba ang Pusong Mamon?! Hahahaha" Langyang Diego to, oo. -____-
Eh nakatitig na pala ako, di ko namalayan. Nakita pa nila.
"Tigilan moko tol. Baka paliparin kita dyan." Sabi ko tapos sya naman nagtaas ng dalawang kamay.
Habang papalapit kami nagkasalubong kami ninan Kath saka ng grupo nya.
"Hi babyyyyy ejay!" Sigawa nung...
"Hi babyyy kiray!" Waaah?!
Ejay at Kiray?!
Kaming lahat ganito ---> O.O
"Ah mga brad, di ko pa pala nasabi sa inyo. Girlfriend ko na si Kiray. Hehe. Di ko nabanggit na nililigawan ko to e." Sabi naman ni Ejay.
Grabe ha?
"Ah hello kiray." Sabi nina Albie.
Ako? Wala lang.
