Kathryn's POV.
Nagdeclare na walang pasok ngayon, may biglaang meeting eh. Kaya eto kame ngayon ng girls at boys nasa Mall. Well, I'm in a badmood pero dahil sa mapilit 'tong mga to kaya pinagbigyan ko na. Di naman ako ganito ah? Yung pagbibigyan parin sila kahit wala nako sa mood. Duh? What the hell is happening to you Kathryn? Well, hayaan na. Minsan na lang din to.
Papunta na kame ng MOA ngayon. Sarisariling sasakyan, nakaconvoy pa nga kame eh. Ang cool tuloy tignan. Pinakauna ako, shempre. 😏
Nung nakapagpark nako. Isa-isa na din naman nagdatingan ang tropa.
"Guys, where to go first?" Tanong ko.
"Let's go shopping gaaaals!" Sigaw ni Kiray.
Napaface-palm na lang ang mga boys. Knowing boys right?
"Pwede bang arcade na muna tayo?" Tanong ni Diego.
"Kung gusto nyong mag-arcade. Edi go! Kita-kita na lang mamaya sa KFC." Sagot ni Julia.
"No. Sasamahan natin ang mga girls. Kahit maging tagabitbit pa tayo, sasamahan parin natin sila. Baka mamaya, ano pang mangyari. Samasama tayong pumunta dito kaya dapat samasama tayo kahit saan." Biglang singit ni Daniel. A gentleman act. Wow kath ha!?
"Wow pre!? May pinanghuhugutan!? Basta mamaya pagkatapos nyan, arcade ha? Deal girls?" Tanong ni Albie.
"YES." Ako na sumagot kaya di na sila nakaangal.
"Kanya-kanya na tayo ng sasamahan ha?" Tanong ni Dj.
"Ejay kay Kiray ka. Diego kay Julia. Neil kay Yen. Albie kay Miles. At syempre ako kay Kath." Haynko Daniel!
"Pwedeng kay Kuya na lang ako?" Tanong ko.
"No sis, bye!' Sagot ni Kuya Neil atsaka umalis.
"So paano ba yan? Tara na." Sagot ni Daniel.
Nauna na lang ako naglakad sakanya.
Habang namimili ako si Daniel nakasunod lang. Nagtitingin-tingin na din.
"Kath, eto oh. Bagay sayo." Sabi nya sabay abot ng Kulay yellow na Floral dress na hindi naman ganon kaiksi.
Aaminin ko maganda sya. Magaling pala to mamili, may GF siguro to.
"Okay, i'll take this." Sabi ko sabay ngiti. At ngumiti na dn naman sya.
"Himala kath? Di ka nagsusungit ha?" Tanong nia.
Oo nga no? Madalas kasi sinusungitan ko lang to eh. Anong nangyare ngayon? Bigla ko na lang kasi naramdaman pagkatapos nyang ipakita yung damit eh parang gusto kong ngumiti ng ngumiti sakanya. Gaaaahd! Anong nangyayare sakin?!
"Wala lang." Sagot ko habang patuloy parin sa pamimili.
Pili lang ako ng pili. Lakad ng lakas. We are girls right? 😏
"Ano ba yan. Kath, ang dami ko ng bitbit. Di ka pa ba tapos? Namamanhid na paa ko sa kakalakad. Di kapa ba pagod. Hayyss!" Pagmamaktol ni Daniel. Napangiti na lang ako ng palihim.
"Hmm, nagrereklamo ka? Maaari mo nakong iwan. Bitawan mo na yan dyan. Sabi pa naman ng isa dyan, samasama daw dapat." Pagpaparinig ko.
Nagstandstraight naman sya at sumagot "Joke lang, to naman! Kahit hanggang mamaya pa tayo dito okay lang. Yakang yakang ko to!"
HAHAHA. Poor DANIEL.
Madami na din akong nabili. Almost 3 hours siguro kaming nagiikot para lang sa mga damit. Haha. Mas malala pa nga sina Julia nyan eh.
