Chapter 26.

56 1 0
                                    

KATHRYN'S POV

Dali dali akong lumabas sa kwarto nya. Iniwan ko syang tulala doon. Habang pababa ako sa hagdan nakasalubong ko si Tita Karla.

"Kathryn?! Napano ka nak?! Bat umiiyak ka?!" Tanong sakin ni Tita Karla. Hindi ko naman namalayan na umiiyak na pala ako.

"Wala po. Mauna na po ako. Pasensya na po." Sagot ko at nagpunas ng luha saka na tumakbo agad. Dire-diretso lang ako sa paglabas, hindi ko na napansin kung may tumawag ba sa akin. Pagkalabas ko ay sya namang pagbaba sa kotse ni Kuya Neil.

"Sis?! Anyare?!" Tanong nya sakin. Agad ko na lang syang hinila at pinapasok sa kotse.

"Drive na bilis!" Agad naman syang nagdrive. Tumingin ako sa side mirror. Nakita ko namang tumatakbo si Daniel. Kaya mas pinabilisan ko kay Kuya.

"Ano bang nangyare?" Tanong nya sakin. Nakalabas na kami ng subdivision nina Daniel at ngayon lang din humupa ang pag-iyak ko.

"Wala. Private." Sabi ko sabay irap.

"Sungit. Okay ka na ba? Iuuwi na kita?" Tanong nya sakin.

"Ayaw ko pang umuwi. Pero no choice e." sabi ko sabay hingang malalim.

Kasalukuyang tumatawag si Daniel. Pero hindi ko parin sinasagot. Ang dami nya na ring text. Naiirita na si Kuya Neil dahil ring ng ring ang phone ko.

"Ano ba Kath?! Off mo nga yan!" Sabi nya sakin kaya inoff ko naman.

Napaisip ako. Paano kapag nagsampa ako ng kaso kay Tito Albert? Magagalit ba sakin Si Kuya Neil?

"Baba na." Nabalik ako sa wisyo ng magsalita sya. Nandun na sya sa labas at pinagbuksan nya na ako ng pinto. Nakikita ko palang yung bahay parang bumabalik na lahat sakin ang sakit. Napapikit na lang ako at lumabas. Sabay kaming napabuntong hininga ni Kuya Neil ng pihitin nya ang pinto. Agad sumalubong sakin ang mukha nilang dalawa.

"Anak.." Papalapit na sya sakin. Pero agad ko syang pinigilan. "Wala ka ng anak." Sagot ko sakanya. Pinilit kong hindi maiyak habang sinasambit ko ang mga katagang iyon.

"Patawarin mo ako.." Pahayag nya sakin saka sya lumuhod sa harapan ko. Ang sakit sakit. Umiiyak na sya pero bakit hindi ko magawang maawa. Nagulat ako ng bigla ring lumuhod si Tito Albert. "Patawarin mo ako, Kathryn. Nabulag lang ako ng pagmamahal kaya ko nagawa iyon ganon rin ang Mama mo." Sambit ny sa akin atsaka yumuko

"Hindi pagmamahal ang tawag sa ganyan.. Magsasampa ako ng kaso sainyong dalawa!" Sagot ko. Napatayo silang dalawa.

"Anak! Maawa ka naman sa amin! Ina mo pa rin ako! Wala ka na bang natitirang respeto sa aming nakakatanda sayo ha?!"

"Bakit?! Sa tingin nyo dapat kayong respetuhin ha?!" Duro ko sakanilang dalawa at napaiyak na ako.

"Kathryn. Hindi ako makapaniwala.." Sagot ng Ina ko at umiling iling. Pati si Tito Albert ay ganon din. "Masyado kang nagpapalamon sa galit mo." Sambit sa akin ni Tito Albert.

"Hindi nyo ako naiitindihan." Sagot ko sakanila. Si Kuya Neil ay tahimik lang na tila nagsusuri sa aming tatlo.

"Aalis na muna kame sa pamamahay na 'to. Para makapag-isip ka ng mabuti." Sagot ng aking Ina

"Mabuti pa nga. At kahit magpakalayo-layo pa kayo. Hindi ko parin iuurong ang pagsasampa ng kaso." Sagot ko atsaka na umakyat.

Pagkarating ko sa kwarto ay sobrang bigat ng nararamdaman ko. Agad akong humiga sa kama at niyakap ang unan ko.

"Kath.." Tawag sakin ni Kuya Neil. Hinahaplos nya ang buhok ko.

Hinarap ko naman sya. "Aangal ka rin ba sa desisyon ko?" Tanong ko sakanya.

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon