Chapter 30.

82 0 1
                                    

KATHRYN'S POV.

Agad akong napatayo ng pagkaalis nya. Hindi ko maintindihan. Ano ba talagang meron? Anong nangyari? Bakit hindi nya na lang sabihin sakin ng diretsuhan kaysa sa ganito. Nahihirapan ko pero sa sinabi nya alam kong mas nahihirapan sya.

I need to find it out.

Kaya naman pagkalabas na pagkalabas namin ay agad ko syang sinundan. Sumakay na rin ako sa kotse ko, di ko pinahalatang sinusundan ko sya.

Nabigla ako ng makitang bumaba sya sa isang ospital. Anong gagawin nya rito?

At mas lalong ikinabigla ko ang paglabas ni Bianca, tila nagmamadali ng tinawag nya si Daniel. Agad silang tumakbo.

Agad akong bumaba sa sasakyan ko at sinundan ko sila ng di nahahalata. Pumasok sila sa isang kwarto..

Hindi nila nasarado ng masyado ang pinto, may konting siwang ito. Nabigla ako sa nakita ko..

Si Zharm, umiiyak, sumisigaw, may bandage sa ulo.. What's happening?

"Daniel! Daniel!" Sigaw nya habang umiiyak. Agad syang dinaluhan ni Daniel at tinahan. Parang may kumurot sa puso ko sa nakikita ko..

"Saan ka ba nanggaling? wag mo na akong iiwan ulit.." Mas mahinahon na sabi ni Zharm.

"Hush now, Z. I'm here. Pumasok lang ako.." sagot ni Daniel sakanya. Ito ba ang dahilan? Ito na ba ang pinili nya?

Ang sakit. Ang sakit makita. inaalo nya si Zharm habang umiiyak, nakayakap sa mga bisig nya..

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko..

"Miss?" Nabigla ako ng may babae pala sa likod ko. Sa pagkagulat ko, nabuksan na ng tuluyan ang pinto.

Nanlaki ang mga mata nilang lahat.

"Miss? Okay ka lang? Kaibigan ka ba ni Zharm?" Tanong sakin ng medyo may katandaang babae.

Agad akong umiling at tumalikod. "Kath!" Sigaw ni Daniel. Agad akong umalis. Tumakbo.

Naramdaman kong hinigit nya ang kamay ko. Umiiyak parin pala ako. Ha ha, letseng luha to.

"Kath, magpapaliwanag ako.." Baby, call me baby.. Uhuh.. sakit, Kath lang.

"I knew it. Alam ko na kung bakit biglang ganon ang trato mo. Finally, narealize mo na ba na sya dapat at hindi ako? Iiwan mo na ba ako? Yung sinabi mo sa rooftop, last na ba yun?" Sunod sunod kong tanong sakanya kahit na patuloy parin sa pagtulo ang luha ko..

Hinawakan nya ang magkabilang braso ko. "No Kath, please. Makinig ka muna sakin, hindi yun--" Hindi nya na natapos ang salita nya ng sampalin ko sya.

"Ang sakit, Daniel. Pwede mo namang sabihin sakin e." Sabi ko sakanya.

"No, Kath. Kailangan lang ako ni Zharm ngayon. Naaksidente sya nung humingi ako ng official break up sakanya. I feel guilty. Kaya ko sya sinasamahan ngayon, nakiusap din ang mama nya." Paliwanag nya sakin.

"Bullshit reason! Kung yan lang pala eh di sana sinabi mo na lang! Bat kailangan pahirapan mo pa ako! Bat kailangan paiyakin mo pako! Bat kailangan saktan mo pa ko! Bat kailangan iwasan mo pako?!" Sigaw ko sakanya. Pinagtitinganan na kami dito.

"Baby please..calm down. Ayoko lang mag-isip ka nang kung ano ano. At para mas di nako mahirapan pang puntahan si Zharm dahil baka kapag nakita ko ang mukha mo habang nagpapaalam na ko papunta kay Zharm ay di nako makaalis.."

"No, you lied to me. Hindi moko mapapaamo dyan sa mga salita mo. I hate you. I hate liars. Mas pinili mong itago sakin. Nakakainis ka. Galit ako sayo. Di mo alam na kailangan rin kita.." mahinahon kong salita atsaka tumalikod.

"Kath!" Sigaw nya. Tinaas ko ang kamay ko sa ere, tanda ng wag syang susunod.

Agad akong sumakay sa sasakyan ko at nagdrive pauwi.

Tinanong ako ni Mom ng makitang malungkot ako. "Are you okay baby?" Tumango na lang ako at tipid na ngumiti. Agad na akong umakyat sa kwarto ko.

Nagpahinga muna ako, pero patuloy paring ring ng ring ang cellphone ko. Ilang beses na syang tumawag.

Ang selfish ko ba? Pero masisisi nyo ba ako? Pinaglihiman ako e. Masakit. Ayoko talaga sa lahat yung naglilihim sakin.. Pakiramdam ko sya ang mas pinili nya. Pakiramdam ko wala syang tiwala sakin.

Napailing na lang ako sa naisip ko. Pumasok nako sa banyo at naghilamos.

Pagkatapos kong magbihis ay agad kong tinignan ang cellphone ko. Marami na rin syang mensahe roon pero mas tumatak at nagpasakit sa puso ko..

"Baby, i'm sorry. Please. Kailangan nya lang talaga ako ngayon. Kapag gumaling na sya, sayo na ulit lahat ng oras ko. Pasensya na kung iniisip mong sya ang pinili ko. Pupuntahan sana kita kaso nagwala si Zharm. Im sorry. Mahal na mahal kita."

Damn you, Daniel. Wrong move!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon