Kathryn's POV.
Urghhh! Wala na bang mas papanget sa araw na 'to? Letse talaga o.
Pumunta na lang ako sa rooftop. May sarili nakong tambayan dito.
Cutting na lang ako. Nakakawalang ganang pumasok e. Pssshhh 😑
Baka pag pumasok ako yung mismong teacher pa masampal at mabuhusan ko ng juice. Knowing me.. Lalo na pag badmood, wala akong sinasanto.
Hindi ko naman kasi kayo papatulan kong di niyo ko babanggain. Not that literal na babanggain, alam niyo na kung ano yun.
Habang nagmumuni-muni ako dito.. At nakapikit, nakaramdam ako ng parang may tumabi sakin.
Baka sina Julia, Yen or Kiray lang yan.
Pero pagdilat ko......
Si DANIEL?! O.O
Anong ginagawa nya dito? Ang lapit pa ng mukha nya!
Dahil sa pagkabigla, naitulak ko sya. Napaupo pa.
"Aray! Kathryn! Ano ba yan! Bat nanunulak ka?!" Sabi nya habang himas himas ang likod nia.
"Eh? Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Saka bat ang lapit ng mukha mo?!" Tanong ko.
"Eh sinundan lang naman kita, papasok na kasi tayo. Saka malapit ang mukha? Tatanggalin ko lang sana yung pilik mata na nalaglag." Paliwanag nya, tumabi na rin sya sakin.
"Wala akong balak pumasok. Tinatamad nko, uuwi na din ako nyan." Sagot ko.
"Kathryn naman, sayang yung grade ngayon. Matataas pa naman yung sayo." Sabi nya, teka bat ba ang concern nya masyado? Ayss.
"Eh ano bang pakielam mo?! Di naman tayo close ee o kaibigan man lang!"
"Dahil girlfriend na ng tropa ko yung tropa mo. Tropa tropa na din tayo, wala ng angal yun." Sabi nya tapos akbay at ngiti sakin sabay taas ng dalawang kilay.
Ang cute nya.. ^_^ HAAAA!? Ano daw cute?! Eraseeee! >.<
"Alam mo ikaw! Ayssh! Bahala ka nga dyan!" Sabi ko at tumayo na.
Bat di ako makapagsalita pagdating sakanya? Ayss.
Habang naglalakad ako, narinig kong tinatawag nya ko pero di ko na lang pinapansin.
Hanggang sa maabutan nya na ako at sabay kaming naglalakad.
"Teka, sasama ka ba sakin?!" Tanong ko, eh di nga ako papasok eh. May pupuntahan na lang ako.
Tumango lang sya.
"Ano ba?! Wag na! Sagabal ka lang eh. Aalis pako! May pupuntahan pako! Saka di ka naman sanay magcutting e!"
"Pwede ba Kath? Wag kang sumigaw, di naman ako bingi eh. Saka sasamahan kita, matry lang na magcutting. Mga ganon?" Sabi nya with matching pagngiti pa.
"Psssh" -___- Yan na lang sagot ko.
Sumakay nako sa kotse ko at sya din. Dun sya sa kotse nya. Sinabi ko na lang kung san kami pupunta.
At GREEN MEMORIAL PARK...
Nagtataka nga sya kung bakit daw andito kame.
Eh sino pa nga ba pinunta ko dito?
Dad..
Nung narating na namin yung puntod ni DADDY. Nagtanong sya.
"Kath, papa mo?" Tumango na lang ako.
Tapos umupo na sa damuhan..
Daniel's POV.
Sumama nako kay Kath. Feeling ko kase kailangan nya ng masasandalan ngayon. Choss -_-
