Chapter 1.

248 4 0
                                    

DANIEL'S POV

Nag-aayos nako ngayon para sa school. Dadaanan na lang daw ako ng tropa dito, ewan ko ba dun sa mga yun. May kanya-kanya naman kaming mga kotse pero mas gusto nilang sama-sama. Agad kasi nila akong namimiss, pwe!

Btw, Daniel John Ford Padilla. Sikat ang Padilla. Marami kasing mga pag-aari malay nyo pati lupang tinatapakan nyo ngayon eh pag-aari ko. Hehe joke. 18 years old na nga pala ako. Badboy, check. Pogi, check. Machicks, check. Pogi ulit, check. Mabait, pwede na.

Habang nagmumuni-muni ako sa salamin bigla namang tumunog sa cellphone ko. Si Albie..

"FAFA! DITO NA KAME SA LABAS!" Sigaw nya. Hay nako, may doorbell naman bat kailangan pang tumawag? Mga Pilipino talaga, oo.

"Oo na!" Sigaw ko pabalik atsaka binabaan ko na. Kairita e. Hehe

Pababa nako ng nakita kong naghahanda na ng pagkain si Mama.

"Oh Danilo, di ka man lang ba mag-aalmusal muna?" Tanong nya sakin.

"Sandali lang po. Nasa labas ang mga kumag." Sagot ko. Pagkabukas ko naman ng pinto eh agad silang bumungad sakin. Agad nila akong niyakap.

"Namiss ka namin, Fafa!" Ejay, Albie, Neil, Diego. Pwe! Kadiri.

"Kakakita lang kahapon e, layo nga! Kadiri kayo!" Sagot ko sakanila habang pinagtutulak sila. Kumalas naman sila atsaka pinuntahan si Mama.

"Goodmorning, Mommy Barney!" Sabay-sabay nilang sigaw. Napatawa na rin ako sa sinabi nila. Mga ugok talaga, binatukan nga ni Mama. Haha.

"Kumain na nga kayo, puro kayo mga kalokohan eh." Sabi ko sakanila atsaka kumain na.

"Pre, buti nakasabay ka namin ngayon? Hahaha." Tanong ko kay Neil. Madalas kasi sinasabay nya ang kapatid nya sa kotse nya, ayaw kasi ipagdrive ng mga magulang nila. Badgirl kasi. Ilang beses ng nakabunggo. Hay nako.

"Ah, yun. Nag-away kasi sila nina Mama at walang nagawa si Mama kaya pinagamit na ang kotse nya." Sagot nya. Layo nya sa kapatid nya, sabagay halfsister lang naman nya.

"Oh, dalian nyo na. Baka ma-late tayo." Sabi ko sakanila. Sakto namang patapos na rin sila. Tatakaw talaga ng mga 'to kahit na nagsikain na sakanila eh kakain parin rito.

"Sige, Ma. Una na kame." Sabi ko atsaka humalik sa pisngi nya. Humalik na rin ang mga ugok, tsk. FC. Hehe

Kay Albieng sasakyan na ang ginamit, at si Diego na ang pinagdrive.

Nandito kami sa loob ng sasakyan pero ang ingay parin. Hay nako. Ako naman tahimik lang ng biglang nagring ang phone ko.

"Shiela 2." Bulong ko. Tss. Sinong Shiela ba ito? Hindi ko alam kung ito ba yung sa bar o yung sa gym. Hay nako.

"Oh pre, chixx mo tumatawag. Mukhang lito ka na naman dyan! Hahaha!" Loko talaga 'tong Albie na 'to.

Sinagot ko naman at nabigla pako sa sigaw nya.. "Where are you!? Sabi mo susunduin mo ako at ihahatid mo ako sa school?!" Sigaw nya. Ugh, di ko talaga maalala kung sino to.

"Who you?" Tanong ko sakanya

"Omg, sa sobrang sarap ko ba humalik eh nakalimutan mo nako?" Tanong nya. Pabebe naman, hay nako.

"Bye.." Sagot ko atsaka pinatay na. Naiirita ako sa mga pabebe.

"Lakas ha, pre!" Sabi ni Neil sakin. At nakitawa naman si Albie. Si EJAY, busy sa phone nya. Lagi naman.

"Tsk, kaya ayoko naggi-girlfriend e." sagot ko sakanila.

"Ayaw mo? Haha tatamaan karin brad." Sabi ni Albie sakin.

"Oo nga, yung hindi naman pabebe." Sagot ni Neil. Hindi ko na lang sila pinansin at sinulpak na ang headphones ko.

Nang makarating na kami sa school eh isa-isa na kaming pinagtinginan. Wala eh, gwapo.

Naglakad lang kami habang pangiti-ngiti. Eto namang Albie na 'to, feel na feel. Pakaway kaway pa.

Nang makarating na kami sa hallway, napansin naming nawala ang atensyon samin at napunta sa gitna. Nagtaka naman kami dahil nagkukumpulan ang mga tao doon at nagsisigawan pa.

Mukhang alam ko na 'to..

"Pare, kapatid mo na naman ba?" Tanong ko kay Neil.

Nagkibit-balikat na lang sya.. "Ano pa bang bago?" Sagot nya. Habang papalapit kami roon.

"Bat di mo pagsabihan?"

"Hindi naman tumatalab. Saka ano ka ba, hindi naman basta-basta mang-aaway yan ng walang dahilan. Kilala ko yan kahit gaano pa kasama yan, laging may dahilan..mainit pa naman ulo nyan ngayon." Sagot ni Neil. Tama nga naman sya.

Kilala na rin namin kasi yan, kahit ako na di nya kaclose. Di sya mang-aaway kung di sya papatulan. Laging may dahilan yan. Maraming naiinggit sakanya.

Pero walang gusto makielam twing nang-aaway sya. Ayaw nya. Kung sino man ang makielam eh malalagot. Kahit si Neil eh di nakikielam dyan.

Nakarating kami at nakita kong nakaluhod yung babae. Nagsosorry, pero si Kathryn nakacross-arms lang at nakatingin roon

Yes, She's Kathryn Chandria Bernardo. Campus Badgirl. Laging may kaaway. Laging nasa office at guidance pero di nagtitino. Kahit mga teacher wala ng magawa, di naman sya makick-out sa school na 'to dahil malaki ang parte nya rito. Hay nako.

Nakita kong hinablot ni Kathryn ang buhok ng babae. Napasinghap kaming lahat. Iginuyod nya ang babae, mabagsik talaga.

Kawawa yung babae, umiiyak na. Pati mga tao naaawa na. Sobra na.

Pinatungan ni Kathryn at pinagsasampal. Grabe. Walang kalaban-laban yung babae.

"Fuck you! Anong karapatan mong sabihan ako ng ganon?! Hindi mo ako kilala!" Sigaw nya atsaka pinagsasabunot. Awang-awa nako dun sa babae. Ganon ba talaga sya kasama?

Tinignan ko si Neil. Seryoso syang nakatingin sakanila bago nya ako binalingan.

Tinignan ko sya mata sa mata, umiling sya. Dahil alam nya ang gusto kong gawin.

Hindi ko na talaga mapigilan, kahit naman machicks ako eh di ko mataim na ginaganyan ang babae.

Lumapit nako at sinigawan sya.. "Tama na yan, Kathryn!" Sigaw ko at hinawakan sya. Napatingin sya sakin ng sobrang sama. Nabigla ako sa susunod nya ginawa.

"Isa ka pa ha!" Then..

Tanging pagtawag na lang ng tropa ang narinig ko bago ako mawalan ng malay...

----------------------------------------------
Inedit ko nga po pala sya guys.

•pricelessqueen

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon