Kathryn's POV.
Ughhhh! Goodmorning guys! 😄
Sobrang ganda ng gising ko! Magandang maganda katulad ko. Choss! Haha. Di na tulad dati na gigising lang tapos wala na. Walang ngiting suot!
Natapos ako sa pagdedaydream ng my kumatok sa pinto.
"Anak." Oh, si Mama.
Pinapasok ko sya tapos umupo sa kama ko.
"Kamusta ka na? Balita ko kayo na ni Daniel."
"Uhm, yeah. Kagabi lang. I'm fine. May kailangan ka ba?"
"Anak, di na ba tayo pwedeng bumalik sa dati?" Medyo nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa sinabi n'yang yun.
"Some things will change permanently. Sige, ligo munako." Nakita ko sa mukha ni Mama yung pagkadismaya. Alam ko naman sa sarili ko na di naman talaga permanente yung pagbabago na 'to. Maibabalik din ito sa dati. Not now but maybe some other time.
"Sige, pagkatapos mong maligo bumaba ka na. May naghihintay sayo sa labas."
Napalingon ako sa sinabi nyang yun.
"I guess I know who is it." Ngumiti na lang si Mama at lumabas na.
Pagkatapos ko'ng naligo excited akong bumaba. Habang dinig na dinig ko ang pinag-uusan nina Daniel at Tito Albert.
"Basta na lang naging kayo? Di mo man lang s'ya niligawan? Lalaki ka ba talaga?" Parang napintig yung tenga ko sa narinig ko. Sa sinabi ni Tito Albert.
"Alam ko po'ng mabilis pero araw-araw ko naman po s'yang liligawan. Hindi ko po s'ya papabayaan at hangga't sa makakaya ko hindi ko s'ya sasaktan." Kinilig naman ako sa sinabi n'ya.
"Kahit n---" Hindi na naituloy ni Tito Albert ang sasabihin nya dahil nagpakita nako sakanila. Daming satsat eh, paki nya ba?
"DJ!" Masaya ko'ng bati sakanya, tumayo naman sya at niyakap ako tapos hinalikan sa pisngi sabay bulong ng "Goodmorning. Namiss kita baby." Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Sobrang pula ko na siguro.
Kumalas nako sa pagkakayap at hinalikan din s'ya sa pisngi. Syempre, I have my sweetbones kaya naman "Goodmorning. Imissyoutoo, BABY." I whispered it to him. Diniin ko pa yung Baby.
"Goodmorning Kuya!" Sabi ko kay Kuya Neil, nilapitan sya at nagkiss ako sa cheeks n'ya.
"Goodmorning pretty sis! Ganda ng gising ah?" Tanong n'ya. Umupo naman ako sa tabi ni DJ.
Nasa table kasi kami ngayon.
"I'm inlove, obviously." Sabi ko sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
"Yan tayo eh! Oh, tara kain na." Nandito na din si Mama.
"Baby, anong gusto mo'ng kainin?" Tanong ko kay DJ. Napangiti s'ya sakin at kinurot ang pisngi ko.
"Pancake babe." Aba, daming tawag sakin nito ah.
Pinagkuha ko s'ya ng pancake tapos nilagyan ko na ng syrup. Ganon na din yung akin.
"Wait baby, ipagtitimpla kita ng Hot Choco." Sabi ko sakanya, ngumiti naman sya.
"Kath, kumain ka na lang dyan. Matanda na yan, kaya nya na sari--" Di ko na pinatapos si Tito Albert sa sinabi nya kasi sabi ko "Shut up, will you?" Napatikhim na lang sya.
Bumulong naman sakin si DJ sabi wag na. "No, gusto kong ipagtimpla ka. You want Kuya?" Tanong ko kay Kuya. "Yes sis."
Pumunta nako sa kusina at habang nagtitimpla ng Hot Choco may humawak sa braso ko.
