Chapter 22.

65 2 1
                                    

Daniel's POV.

Nandito kami sa Mall ngayon ni Kathryn. Date ba? Feel ko syang ipasyal eh.

Lakad lang kami, holding hands.

"Baby, CR lang ako." Sabi nya.

"Babalik ka ha?"

"Ano ka ba? Iihi at magreretouch lang eh. Di naman kita iiwan." Sagot nya ng may pangiti-ngiti pa. Hay nako Kathryn, wag ganyan. Baka mahalikan kita.

"Oo na. Sige dito lang ako." Sagot ko at hinalikan muna sya sa noo at dahil alam kong magtatagal pa yan sa banyo naisipan ko munang pumasok sa jewerly shop sa tabi ng CR.

Pagkapasok ko palang agad ng nakapukaw saking atensyon ang kwintas na may pendant na may puso. Nilapitan konito at tinignang maiigi. Simple lang sya pero elegante. Tinuro ko sa sales lady.

"26k po yan, Sir." Sabi nya. Mura lang 'to para sakin. Haha, yabs.

"Kukunin ko na."

"Para sa girlfriend nyo po ba 'to?" Tanong nya. Aba, chismosa to ha. Haha.

"Hindi, para sa asawa ko." Sagot ko.

"Ay sir. Ang bata nyo naman pong nagkaasawa, pero ang swerte nya po sainyo oh!" Sabi nya at tumawa naman. Halata naman na nagfiflirt lang sya eh. Nako, kung nandito lang si Kath eh malamang dumudugo na ang ilong nito ngayon. Alam nyo naman yun.

Pagkakuha ko nun ay lumabas nako kaagad. Nakita ko naman si Kath na nakacrossarms at nakataas ang isang kilay. Agad kong binulsa yung kwintas.

"Tara na baby?" Sabi ko at hahawak na ko sana bewang nya ng umiwas sya. Mukhang alam ko na.

"Ano yung eksena na yun?" Tanong nya. Napangiti naman ako dun. Sabi ko sainyo eh. "Nawala lang ako saglit nakikipaglandian ka na. Bat andun ka?" Tanong nya pa. Possesive and I like it. No, I love it.

"Ah baby, may tinignan lang ako. Saka hoy! Siya lang nanlalandi sakin di ako. Baho ng hiningan nun eh." Sabi ko at tumawa, natawa naman sya. Oo, madali lang syang suyuin. Minsan :)

"Talaga? Yung sakin ba mabango?" Oh eto. Minsan talaga conscious sya sa sarili nya.

"Oo naman, mabango. Masarap pa yung laway." Sabi ko at nilapitan sya ng nakangisi at yumakap sa bewang nya. Kita naman sa mukha nya na namula sya.

"Heh, tara na nga. Kain tayo." Ayan, matakaw yang si Kath. Palagutom. Gusto laging kumakain pero natatakot tumaba. Haha.

Pumunta naman kami sa KFC. Favorite namin yan eh. Hehe!

Nag-order kami ng sabay. Oo, dahil daw baka landiin daw ako ng cashier at totoo naman ako lang laging tinatanong pero si Kath ang laging sumasagot. Natatawa nga ako eh. Talaga nga naman.

"Ah, sir wala na po ba kayong idadagdag?" Tanong sakin ng cashier ng nakangiti at may papikit-pikit pa.

Bigla naman yumakap sakin si Kath at sumandal sa balikat ko.. "Wala na kaya dalian mong kunin yung mga order namin ng asawa ko at tigilan mo na yang panlalandi mo kung ayaw mong matanggal sa trabaho mo." Sagot ni Kath. Napangiti talaga ako dun. Hahaha. Napasimangot naman ang cashier at kinuha ang mga order namin.

Pagkatapos nun ay umupo na kmi at sinubuan ko na sya. Oo, eh gusto ko eh. Namiss ko kasi ang sweet moments namin. 1 week kasi ang nasayang, diba?

Ang saya lang namin kumain. May kulitan pa nga eh. Pinagtitinginan na kami dito pero wala kaming pakielam. May sarili kaming mundo.

"Ang cute nila no."

"Oo nga, sana ganyan din yung relasyon namin ng boyfriend ko."

"Hay nako, Oo. Sinabi mo pa."

Iilan lang yan sa mga bulong-bulungan. At dahil maggagabi na din ay napagpasyahan ko ng ihatid si Kath.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila ay di ko muna sya pinababa.

"Kath, talikod muna." Sabi ko.

"Why?"

"Basta." At tumalikod naman sya. Masunurin yan.

Sinuot ko naman ang kwintas sakanya saka ko hinalikan ang batok nya. Ang kinis kasi eh. Natetempt. tuloy ako. Humarap naman sya saakin.

"Para san 'to? Wala namang okasyon ha?" Tanong nya.

"Wala lang, ang ganda kasi nyan eh at alam kong babagay sayo. Eh ano naman kung walang okasyon? Dun lang ba pwedeng magbigay ng regalo ko." Sagot ko sakanya. Niyakap nya naman ako.

"Nah. Thankyou, it's so nice! I love you so much!" Sabi nya at pinuna ng halik ang mukha ko and the last sa labi ko. "Ang swerte ko sayo." Dagdag nya pa.

"Mas swerte ako sayo. Thankyou ha? Napasaya mo na naman ako. Di ko na sasayangin ang chance na binigay mo. Mahal na mahal kita." Sagot ko at muli syang hinalikan. Pagkatapos nun ay pinagdikit naman namin ang noo namin.

"Forever.." Sabi ko sakanya.

"And always.." Sagot nya at bumaba na sya.

Ang sarap nya talagang mahalin.

--------------------------------------------------

Short update. :)

•pricelessqueen

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon