Chapter 19.

89 2 1
                                    

Kathryn's POV.

It's been a week. Pero wala padin nangyayari. Di pa din kami nagkakaayos ni Daniel.

Nung iniwan ko sya dun sa subic balita ko ay sumunod na din ang tropa sakin.

Minsan na syang pumunta sa bahay para magsorry. May surprise pa nga eh. Pero di ko muna tinanggap, masakit kasi. Pagkatapos nun tumigil na sya. Asan na ang effort!?

Yung bang parang di pa sya sigurado sayo? Grabehan lang eh.

At yung Zharm naman na yun? Sino ba yun? Kailangan ko'ng malaman kung anong meron sakanila.

Calling Albie..

Tinawagan ko sya. "Kita tayo sa mall, 3 pm."

"Sge Kath, see you."

At binaba ko na. Di na ko nag-atubiling pang tawagan ang iba dahil busy din sila. Bukas kase may pasok na kame.

At dahil malapit na din mag 3. Umalis nako sa bahay.

Grabe yung mga kanta. WASAK :(

Ang puso ko'y wasak at ngayon ay naghihirap..

Saktong-sakto sakin eh.

Pagdating ko sa Mall agad ko naman natanaw si Albie.

Ngumiti sya at "Hi Kath." Bati nya sakin. Ngumiti lang din ako.

"How are you now?" Tanong nya

"I'm good." Sabi ko at ngumiti ng..pilit

"You're lying."

"Okay fine. Now, Mag-ano ba si Daniel at Zharm?" Tanong ko.

Nakita ko naman na nabigla sya.."Ah kath, order muna tayo."

"Hindi na."

"Anong gusto mo?" Tanong pa nya.

"Please Albie! I need to know! Gulong-gulo nako!" Napasigaw nako at parang gusto ng umiyak. Napatingin naman ang mga tao samin.

"Chill Kath, sige sasabihin ko na." Napasinghap naman sya.. "Kilala natin ngayon ay yung Daniel na maangas, mahilig sa flings, parang puro kalokohan lang ang alam pero kung nakilala nyo na noon pa si Daniel ibang-iba sya ngayon.." Uminom naman muna sya sa juice nya.. "Si Daniel noon ay maginoo, matino, magalang, marespeto, seryoso sa pag-aaral, di lumalapit sa ibang babae dahil alam nyang may masasaktan. Siya yung every parents dream to be their son. Ganon si Daniel. Pero nagbago lang naman ang lahat simula ng iwan sya ni Zharm.." Binigyan ko naman sya ng curious look.

"What? Why?" Tanong ko. Ngumiti naman sya "Let's go back then.. 2 years ago. Daniel was 16 back then and Zharm was 15. They are in relationship, a strong relationship. Ang dami ngang may Idol sakanila nun sa dati naming school dahil saksi talaga ang lahat nun sa pagmamahalan nila. Alam nila kung gaano sila kafaithful sa isa't-isa. Kung gaano nila kamahal ang isa't-isa." Tumigil naman sya muna at tinignan ako. Tumango na lang ako, isang senyales na ituloy nya.

"Legal sila sa family ni DJ pero sa family ni Zharm, hindi. Hindi pa kasi pwedeng makipagrelasyon nun si Zharm dahil bata pa daw sila at dapat pag-aaral muna. Pero dahil mahal nila ang isa't-isa ay talagang ipinaglaban nila. Pero wala pa din. Tutol pa din ang mga magulang ni Zharm. Hanggang sa isang araw, anniversary nilang dalawa may mga inihandang surpresa si DJ para kay Zharm. Ang akala nilang magiging masayang celebration nila ay nauwi sa isang masalimuot na anniversary. Iniwan ni Zharm si DJ nung araw na yun. Umalis ng bansa si Zharm nun ng walang nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan. Wala silang official break up, Kath.." Bigla naman akong kinabahan sa narinig ko.

"Kaya simula nun laging lasing si Daniel. Lagi nyang hinahanap si Zharm. Pero one day bigla na lang syang sumulpot na parang walang nangyari. Naging cold at stone hearted. Kaya malaki din ang pasasalamat ko/namin sayo Kath, dahil ibinalik mo na sa dati ang kaibigan namin.." Sabi ni Albie at ngumiti.

Badgirl ang GF ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon