Ang daming pwedeng kainan,dito patalaga sa soccer field,Ang korny."hanggang dito banaman ay nag aalburoto pa siya.Hinayaan ko nalamang ang pagrereklamo niya't inilatag na ang blanket na dala ko sa Grass.
Minsan na akong kumain ritong mag isa,hindi ka maiinitan dahil sa mga malalaking dahon nitong puno,at mapresko rin ang hangin dito.Pagkalatag ko ng blanket ay kinuha ko na sa bag ko ang lunch box saka kinuha mula rito ang dala kong tatlong tupper wear.Iyong dalawa ay may lamang kanin,tig isa kami nitong pilyo habang yung isa ay may lamang ulam.
"Eto ang sayo."binigay ko sakanya ang blue na tupperwear na may design na superman.Napansin ko lang na mahilig ang lalakeng ito sa Marvel,may mga gamit kasi siya roon sa Mansion na ang disenyo ay mga heroes ng Marvel."Wag ka na ngang bumusangot diyan,Pumapanget ka e."Pang aasar ko.
"Kailanman ay hindi pumapanget ang isang Gallardo Camaro,Swan."Aniya sabay kuha ng tupperwear sa kamay ko.Nakaupo na kaming pareho't nakasandig sa puno.
"Sa saturday and sunday pala,pupunta ako sa sakahan namin,tutulog ako sa pagsasaka."aniya habang kumakain na kami.Adobo ang ulam namin,at ako ang nagluto.
"Okay."Simpleng tugon ko.
"Okay?Hindi mo ba ako sasamahan?"May inis sa pagkakatanong niya.
"Depende kung wala kaming group project."Yung iba kasi naming Lecturer wala pang ina-announce kung anong project namin,kung group ba or individual.Iyong lecturer palang namin ang nagbigay ng project at napasa na namin nila gohan kahapon.Patapos nanaman kasi ang second quarter ng First Sem.
"Tch,kung gano'n babantayan nalang kita."aniya sabay subo.
"Ano kaba,hindi na ako bata para bantayan pa."Saad ko.Gusto niya bang mapagalitan siya ng Señorito Dragomir kapag hindi siya tumulong do'n sakanilang sakahan.
"But you're my baby,Swan.Dapat lang na bantayan kita."Pagmamatigas niya.Ang korny ng lalakeng 'to may pa baby baby pang nalalaman,pero to be honest,kinilig ako.Ang sarap sa pandinig na tawagin akong baby ng isang Gallardo Camaro.
"Sige ka,papagalitan ka ng Señorito Dragomir kapag hindi ka tumulong sa sakahan niyo."Pananakot ko.
"Wala akong pake alam,wag ka lang ulit makuha sa'kin."bigla akong natigilan sa sinabi niya.Makuha ulit sa'kin? Si-sino namang kukuha saakin?
"Si Archeus nanaman ba ang mini-mean mo?Hindi naman ako aagawin no'n sayo,iba ang tipo no'n sa babae at wala iyon saakin."panigurado kasing si Archeus nanaman ang mini-mean ng lalakeng ito,ang init init ng dugo niya kay Archeus,e' ang bait bait ng taong 'yon.Isa pa'y kaibigan lang talaga ang turing no'n saakin,dahil kung may gusto man siya saakin at matagal niya na akong niligawan at nagpapakita narin siya ng motibo saakin.
Bumuntong hininga siya."Hindi lang si Archeus ang pwedeng umagaw sa'yo,marami pa diyang ibabang lalake na maaaring agawin ka sa'kin."Aniya.At sino namang ibang lalake?E' wala nga akong nalalaman na may nagkakagusto saakin rito sa University.
"Kamusta pala sa MIL,nag pa quiz ba si Ma'am edma?"iniba ko na ang topic.
umiling iling siya."Wala,pero nakatulog ako."
"Ano naman ang makukuha mong learning niyan kung natutulog ka sa klase."ngumunguyang saad ko."Tsaka i-butones mo nga 'yang polo mo,hindi presentableng tingnan."Sermon ko.Umaalis naman kami sa Mansion niya na naka butones pa ang polo niya tapos mamaya makikita ko nalang na nakabukas na ito.
"gusto mo mag hubad pa ako rito e'."pabalang naman niyang tugon.
"Ang tigas talaga ng ulo mo."Sermon ko.
"Ulo ko palang talaga,matigas na."Aniya sabay ngisi ng maloko.Hindi na ako inosente pa para hindi makuha ang ibigsabihin ng sinabi niyang iyon!
"Hindi na talaga mawawala sa isang Gallardo Camaro ang pagiging bastos,noh?"sarkastikong sabi ko,Napahalakhak naman siya.

BINABASA MO ANG
Swan in Valeriana Lake(Señorito Series Two)
RomanceGallardo Camaro Grei,The Third Son of Don Leonhart Ephraime Grei.Ipinagkasundo sa nag iisang anak ng mag asawang Villermo't Eleanora De Luca,Swan Aurelia De Luca.Ipinangako niya sakanyang sarili na sa kabila ng pagiging babaero niya ay tanging iisa...